SM: Chapter 54

Magsimula sa umpisa
                                    

At ako naman binatukan ni Neil. Aba pala. Iritang tinignan ko s’ya.

“Eepal epal ka nanaman d’yan, hindi kita kausap, ha.” Ako

“Eh ‘apaka yabang mo kasi. Nag walk out nga yung nililigawan mo, kindat palang ‘yon, ha! Ano pa kaya kung lumilipad na halik ang ginawa mo? Baka sumuka na ‘yon sabay walk out.” Tapos natawa sila ni Albie. Sila lang ni Albie, magsama sila.

“Anong suka? Baka kamo himatayin dahil saakin! Gwapo kong ‘to.”

Sinamaan naman ako ng tingin ni Aria.

“Yabang mo, kupal!” Khalil

“Hah at least gwapo. Pwedeng magmayabang, basta gwapo. Kayo lang naman bawal kasi wala naman kayong ka-gwapuhan.”

“WEHHHHH!” tapos binato nila ko ng takip ng mga bote ng tubig nila.

Tsk. Epal ng mga ‘to.

“San ba pumunta si Kath, Aria?” kalabit ko kay Aria na nagbabasa.

“Library daw”

“Sipag talaga magbasa no’n.” Albie

Umiling naman ako, “Nagpapalamig lang ‘yun, tama ako ‘no, Aria?”

 

Tumawa si Aria tapos tumango.
See? Hindi talaga ‘yun nagbago… siguro?

**

“Hi miss.” Bulong ko at binagsak yung baba ko sa table—tapat ni Kathryn.

“Hay, o, ano gusto mo?”

“Ikaw”

Inirapan niya ako at nagbasa na ulit.

“To all the boys I’ve loved before...” basa ko sa binabasa niya.

Narinig ko lang yung pagbuntong hininga niya.

“All the boys? Madame ba kame?”

Padabog niyang sinara yung novel niya. Tinignan niya ‘ko ng masama.

“Bakit?” inosenteng tanong ko. Naasar si Kath, cute.

“Wala ka na bang alam kundi mambwisit?”

“Meron naman… mahalin ka, ganon.” Baduy po-a. Hahahaha!

“You’re hopeless.” Iritang sabe niya at akmang tatayo na pero hinawakan ko yung wrist niya.

Parang natuliro s’ya at tinanggal agad yung hawak ko sa wrist niya.

“Okay ka lang?”

Tumango lang siya. Hinila ko s’ya paupo at hinawakan ko lang yung dalawa niyang kamay. Parang pinosas ko s’ya pero kamay ko gamit ko.

“A-ano bang ginagawa mo!” mahina pero gigil na sabe niya saakin.

“Pwede dito muna tayo? Dating gawi? Tutulog lang ako saglit.” Tapos walang ano anong sinubsob ko ang mukha ko sa table. Oo, makakatulog ako sa kahit saan ‘no.

“D-Daniel naman! M-matulog ka p-pero h’wag mo ko idamay!” sabe niya at narinig kong binawal s’ya ng librarian.

Nangiti ako at hindi siya pinansin. Hindi na ‘rin naman siya nagreklamo. Naririnig ko lang yung mahinang pagbulong niya, naiirita siya. Ngumiti nalang ako. 

================================

Hehehe. Jane tayo hehehehe!

Xx, simplengbabae.

She's Mine. [SB BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon