E-Ethan, tama.

“Anong ako naman yung unang kumuha, kaya akin ‘to.” Sabi niya sabay lakad papuntang counter.

Napapadyak naman ako sa sahig nun. At naglakad palabas sa tindahan, nang madaanan ko ang counter ay pasimple akong bumulong. “Bwiset.”

Palabas na sana ako pero may narinig ako mula sa likod ko. “Not feeling well pala ah? Ma-report nga yan sa teacher bukas.”

Bigla na lang lumaki yung mata ko at automatic na humarap sa aroganteng lalaki na nagbabayad sa cashier.

“Pano mo ako nakilala?! Ke-bago bago mo pa sa amin ah tapos alam mo na kung sino ako? Stalker ba kita? Ha?!” nagmumukha na akong baliw sa harap niya tapos pinagtitinginan na din ako ng mga tao pero wala akong pake. Baka malaman nilang hindi totoo na may sakit ako, patay na patay talaga ako.

Nung nakabayad na siya ay hinawakan niya ang braso ko tapos humarap sa mga tao. “Sorry po. Gustong mag-artista ng girlfriend ko eh, kaya ganun nagpa-practice ng lines.”

A-anong girlfriend?! Baliw ba siya.

RIASHA’S POV

“Coffee for Asha.” And the he goes again. Mula nung sinabi niyang he’s gonna make things right may instant coffee maker na ako. LOL.

“Ayaw ko ng coffee Ken.” Sabi ko habang inaayos ang mga files sa records office. “Riasha, ano bang problema? Ayaw mo na ba talaga sakin?”

Nilapag ko ang mga papel sa mesa tapos hinarap siya. Napabuntong hininga din ako. “Ayaw ko na Ken, alam mo ba na sobrang hirap nung iniwan mo ako tapos bumalik ka tapos ang sasabihin mo lang you’re gonna make things right?! Ganun lang? Well then great.”

Umupo siya sa tabi ko. “Ano ba gusto mong magyari?” tanong niya. “Eto na nga ako bumabawi pero ikaw pa ‘tong nag-iinarte.

“Nag-iinarte?! Nice one Alfonso.” Tumayo na ako. “Hindi yun ang pinaparating ko.” Depensa niya sa sarili niya.

“Riasha, sorry.”

The Future Seeker's Future (KathNiel fanfic- Castillo Series #1)Where stories live. Discover now