Series 1 : My Leading Man

223 1 0
                                    

Brownout! Brownout sa buong village namin dahil sa bagyo! Brownout na nga, yung cellphone mo pa wala narin load,low battery na at SOS pa ang signal, san ka pa! Pag brownout, madalas malikot ang mga isipan natin, nakakapag imagine tayo ng mga bagay na sana minsan maexperience natin because “ You Only Live Once “.

Yung moment na excited ka magsulat tapos pinatay ng nanay mo yung kandila kasi matutulog na kayo “ Hay! Ano ba naman yan!! “ Buti nalang may battery pa yung cellphone mo.

Mabait,magalang, masarap at matalinong kausap at one of the boys ay ang mga katangian bilang isang mabuting kaibigan at kung paano humarap sa ibang tao.

Mautak,masipag, walang reklamo, focus at gagawin lahat ang makakabuti ay ang mga katangian naman pagdating sa trabaho.

Mas gusto angtahimik, hindi pala kwento sa ibang tao, laging wala sa bahay, pag walang pasok ay All around at runner sa bahay ay ang mga katangian naman  kapag walang pasok at nagpapahinga sa bahay.

Spontaneous, full of suprised,loyal at tutok naman ang mga katangian  pagdating sa pagmamahal.

Hindi katangkaran, short hair,morena ang kulay, petite, maganda,kung ikukumpara ang muka sa ibang babae ay pangkaraniwan lang pero maraming nagsasabi na hindi nakakasawang tingnan ang muka na habang tinitingnan mo ay paganda nang paganda,  mahilig mag jogging sa umaga dahil dito sumasaya at gumagaan ang kanyang araw. Comfort food ang kanin, anything goes basta may kanin. Mahilig mag window shopping at mag boys watching. Pet lover din.

Ang pagiging bangkero, masarap kasama, happy go lucky at walang arte sa katawan ang mga katangian naman na unang nagugustuhan ng lahat ng tao na nakikilala. Kung titingnan mo lahat ng katangian ay masasabi mong masaya at naging mabuting tao. Isang normal na mabuting tao na naghahanap ng taong mag aalaga . Pa minsan minsan ay humuhingi ng tulong o advice s mga kaibigan dahil wala tiwala sa sarili desisyon sa buhay.

Ako ay si Sam. Ang ganda at seksing pakinggan ng pangalan ko “Sam ang pangalan na binigay sa akin, parang si Sam Pinto, Hot at sexy “ Ang buong pangalan ko ay Samuella Forteza. Akala kasi nang nanay ko lalaki ang magiging anak nila.

 Ang nanay ko ay si Ella Cruz, masipag at mapagmahal na ilaw nang tahanan. Buong buhay nya ay ibinigay nya sa buong pamilya para pagsilbihan ang buong mag anak. Ang tatay ko naman ay si Samuel Forteza, isang writer. Masipag at naitaguyod ang buong pamilya.

 Bata palang si ako ay wala nang ibang sinabi ang aming ama kundi ang mag aral at maghanap nang magandang trabaho para sa gayon ay hindi nakakahiya sa mga magiging byanan ko kapag nag asawa na ako. Ang sabi naman nang nanay ko ay maghanap daw ako nang lalaking matino at mayaman para hindi daw ako maghirap. Maghanap daw ako nang artistang gwapo at mayaman tulad nang napapanuod namin sa tv.

 Ang pangarap nang tatay ko para sa akin ay makatapos nang pag aaral na sya namang nangyari. Ang pangarap naman nang nanay ko para sa akin ay maging guro na sya naman na hindi nangyari dahil iba ang aking kinuhang kurso sa kolehiyo. Nang pumasok ako sa kolehiyo Psychology sana ang aking kukunin kaso hindi ata kami nagka-intindihan nang registrer. Kaya ang kursong aking nakuha ay Tourism. Magastos pala yun kumpara sa ibang kurso. Nang makatapos ako nang pag aaral, ang una kong naging trabaho ay sa Property, Real state agent ako na medyo nahirapan sa simula dahil wala kong inintindi kundi ang paglalakwatsya kasama nang iba kong katrabaho.Hanggang sa nakilala ko ang dalawang babae na lagi kong kasama sa kalokohan in short “ Partners in Crime “. Madalas umaga na kami kung umuwi galing kung saan saang lugar. Ang sabi nang tatay sakin ay “ Ayan ba ang ipinagmamalaki mo, naturingang nakapagtaposka ganyan ang trabaho mo. Buti pa ang ibang tao na nakapag tapos lang nang highschool ang ganda nang mga trabaho, Samantalang ikaw, walang permanenteng trabaho hanggang ngayon”. Wala na akong nagawa kundi tumahimik dahil napag isip isip ko na may punto naman ang aking ama.

UNEXPECTED LOVEWhere stories live. Discover now