"B-baby nandito ka pala" Nauutal na sabi nito. Napaismid ako obvious ba nandito ako? So ano pala ako anino? Kakalokang baklang ito! Tumayo siya para lumapit sa akin. Dahil sa inis ko sinampal ko siya pero nakangiti ako. Hindi nga dapat ako mastress di ba?

"Ano ang ibig sabihin ng nakita ko?" Mahinahon na sabi ko kay sweety pie ko. Napakunot naman ng noo si Stefano sa reaction ko. Hindi niya expexted na ang cool ng datingan ko. Kung sa ibang pagkakataon kanina pa wasak ang mukha ng babaeng kasama nito.

Nakita kong napatayo na ang babaeng flat-chested. Nilapitan ko ang babae at nagpameywang ako sa harapan niya.

"Nakikita mo ba ito?" Itinuro ko ang tiyan kong bilog na bilog. Mahinahon pa din ang pagkakasabi ko na parang isa akong anghel na buntis. Tinaasan niya ako ng kilay na parang ang sinabi ko ay nakakatawa at walang ka kuwenta kwenta.

"Duh, hindi ako bulag. Yes I see it. Bundat iyang tiyan mo." Nagpuyos ang kalooban ko sa sinabi ng babaeng pinagkaitan ng hinaharap. Parang sinaniban ako ng masamang espirito.

Bigla ko itong sinuntok sa mukha. Wala siyang karapatan na sabihan akong bundat. Kita niyang buntis ako.

"Walanghiya kang babae ka!" Sigaw ng babae sa akin habang hawak ang mukha niya. Susugurin sana ako nito ng hinablot ni sweety pie ko ang babae.

"Don't you dare lay your hands on my wife hindi lang iyan ang aabutin mo!" Galit na sigaw ni sweety pie ko habang hawak nito ng mahigpit ang braso ng babae. "Get out of my office now!" Sigaw ni Stefano sa babae. Kinaladkad nito palabas ng pinto nang hindi tuminag ang babae.

Naupo ako sa sofa ni bakla. Kahit ang sama na ng pakiramdam ko pinanatili ko pa din ang pagiging kalmado. Kahit gustong gusto ko ng sabunutan ang baklang ito. How dare him!

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya. Kahit inis hindi ko matiis ang bakla buwisit! Ang pogi naman kasi napatingin ako sa dibdib niya dahil nakabukas ang dalawang butones ng polo nito. Kaya kita ko ang mabalahibo nitong dibdib. Diyos ko ang hormones ko umaarangkada na naman.

"Baby magpapaliwanag ako. Hindi ko alam na pupuntahan ako ng babaeng iyon. Bigla na lamang siyang kumandong sa akin at hinalikan niya ako. Iyon ang naabutan mo baby ko." Paliwanag niya sa akin.

"Sweety pie ko hindi mo na kailangan mag-explain alam ko naman na ayaw mo ang nangyari. Thank you sweety pie dahil pinagtanggol mo ako kanina" Napahilig ako sa dibdib nito. Pasimple kong dinama ang dibdib niyang mabalahibo." Napapikit pa ang lola niyo kasi kinikilig ako.

"I love you baby. Hinding hindi kita ipagpapalit kahit na sino mang babae diyan." Wika niya sa akin. Napangiti ako ng malapad.

"Mahal din kita sweety pie ko. Lahat ng lalapit sa iyo ihanda nila ang mga pagmumukha nila" Napatawa ng mahina si sweety pie sa sinabi ko. "Halika kumain ka na baka lumamig ang niluto kong lunch mo sweety pie ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko at kinintalan niya ako ng halik sa labi.

Ngayong araw namin malalaman ang gender ng anak namin. Excited na akong malaman para makapamili na ng damit ni baby.

" Congratulation to both of you. It's a boy" Nanlaki ang mata namin ni Stefano. Well, ine-expect namin babae dahil puro kasi sila Barako kaya gusto naming baby babae. Pero okay lang better luck next time.

Kinintalan ako ng halik ni Stefano sa noo. Napayakap ako sa beywang niya. Tiningala ko siya.

" Okay lang iyon sweety pie try na lang natin sa susunod baka baby girl na." Wika ko. Napangiti si Stefano sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

" Kahit ano pa ang magiging anak natin mamahalin natin siya ng buong buo at ibibigay natin sa mga magiging anak natin ang isang masayang pamilya ." Wika nito. Napayakap ako sa kanya. He will be a good father to our children.

Excited na akong makita ang baby boy namin. Sana kamukha siya ni sweety pie ko.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13











BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now