"Tinatamad akong pumasok kahapon," nakangiwing sagot ko. "Hindi maganda ang takbo ng tiyan ko."

Ngumiwi rin siya. "I'm Buenvenito Jose," inilahad niya ang kamay. "You can call me BJ. I'm the class president."

"Naih." Nagkamay kami.

"From now on ay hindi na pwede ang tinatamad ka. You need to be active and participative. It's for your own good," nakangiting aniya. Tumango na lang ako.

Chemistry ang unang klase. Kararating lang ng lecturer nang kumatok sa pinto si Max. "Sorry for being late, miss." Hindi makita sa mukha niya kung sinsero ba sa sinabi.

"Come in," may kasamaan ang tingin ng lecturer sa kaniya. Agad ko siyang sinalubong ng ngiti. Nag-apir kami nang maupo siya sa tabi ko. "Are you familiar with each other?"

"Yes, miss!" nakangiting sagot ko.

"You're both transferees from SIS, then?"

"Yes, miss!"

"I see. So I'll be expecting from you two."

"Yes, miss!" bigla akong ginanahan. At sa isip ko ay hinihiling kong sana lahat ng lecturer namin ay kasimbait ng isang 'to ngayon sa harapan.

"Stand up." Bigla ay naging mataray ang tinig ng lecturer.

Hindi ko nagawang sumagot agad. Napapahiya akong nakipagtitigan sa lecturer bago nilingon ang mga kaklase kong masama na ang tingin sa 'kin. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang masama sa ginawa ko.

"You kept on saying yes," patuloy ng lecturer. "Let me see if you know something about Chemistry. And you," itinuro niya si Max na walang interes namang nag-angat ng tingin sa kaniya. "The next time you come late, drop out." Kung gano'n ay nagkamali ako. Mukhang talagang mataray ang lecturer na iyon at pinaasa lang ako na hindi. "Chemistry deals with what?" baling muli nito sa 'kin.

Napapahiya akong tumayo saka sumagot. "Chemisty deals with the structure of substances and of the way that they react with other substances, miss."

Tumaas ang kilay ng lecturer. "What is Element?"

"Ako po ulit?" nagugulat na tanong ko.

"Did I call anyone aside from you?"

""Substances that are composed of atoms of identical atomic number and that can be broken down by chemical means into any other substance, miss."

"Good." Hindi halatang kontento sa isinagot ko ang lecturer. "Did everybody understand that?" tumingin siya sa buong klase. "Now, give me two elements and its actions," bumaling ulit siya sa 'kin

"Ako pa rin po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nakataas ang kilay ng lecturer nang tumango. "Ang dami naman," pabulong na reklamo ko saka nilingon si Max. "Siguro ay pinag-recite ka rin kahapon,' no?" Binigyan niya lang ako ng malamyang tingin saka tumitig sa harapan.

"What? Answer me," nagtaas ng tinig ang lecturer na gumulat sa 'kin. "Bulong ka nang bulong diyan sa katabi mo, may maibibigay ba na sagot sa iyo iyan?"

HE'S INTO HER Season 1Kde žijí příběhy. Začni objevovat