"Enjoy your trip," pahabol na sabi niya pero hindi na ako lumingon pa.

Nagpatuloy ako sa pagtu-tour at inalis ang masamang aura ng lalaking iyon sa sistema ko. Sumubok akong pasukin ang library pero sarado pa iyon dahil masiyado pang maaga. Tiningnan ko rin ang gymnasium, stadium at kung ano-ano pang may "um" sa dulo. Malaki talaga ang school nila at nakakaengganyong gumala. Pero sa tingin ko ay mas madaling mag-aral sa SIS dahil malapit ang bawat buildings sa isa't isa. Hindi gaya rito na parang ekta-ektarya ang kailangang lakarin bago makarating sa susunod na hall.

Maglalakad na sana ako papunta sa building nang malingunan ko ang limang lalaki sa entrada ng gymnasium. Pawang mga naka-jersery uniform ang tatlo sa kanila habang ang dalawa ay naka-school uniform. Inaninag ko ang lalaking nasa gitna, nasisiguro kong iyon 'yong lalaking antipatiko kanina. Magkakrus ang braso niya at nakangising nakatingin sa gawi ko. Umayos ako ng tayo at pinagtaasan siya ng kilay. Narinig ko ang maugong na pang-aasar no'ng apat sa kaniya dahil sa ikinilos ko. Ipinakita ko sa kanila ang pandidiri ko. Nakaramdam lang ako ng hiya nang hindi man lang alisin ng lalaking iyon ang tingin sa 'kin. Tatawa-tawa niyang tinanggap ang pang-aasar ng mga kasamahan habang nakatitig sa akin.

Ewan ko sa inyo, mga letse! 

Napapalunok akong nagpatuloy sa paglalakad. Dumeretso pa muna ako sa ground floor ng Segunda hall, naro'n kasi ang mga lockers. Kung nakapasok ako kahapon, o kung inuna kong puntahan ito, hindi siguro ako nahirapang hanapin ang locker ko.

Gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang makitang out of order ang hagdan papuntang third floor nang umakyat ako. "Psh, second day of class pa lang, out of order na ang stairs? Funny."

"Hi?" anang pamilyar na tinig mula na naman sa likuran ko.

Hindi nga ako nagkamali, siya iyong lalaking Inglisero kanina. "Ano na naman?"

"Why are talking to that?" inginuso niya ang hagdan. Magkakrus ang braso niya at nakasandal sa pinto ng washroom.

"Eh, ano ba ang pakialam mo?" mataray na tugon ko.

"Lee!" Mula sa likuran ko ay may lumapit na lalaki sa isang 'to sa harapan ko.

Lee pala ang pangalan mo? Pang may lahi nga. Psh. Sayang at gwapo pa naman sana, masiyado lang alaskador!

"You're being friendly today, huh, 'dre?" anang bagong lapit saka bumaling sa 'kin. "Hi!"

"Hi," malamyang sagot ko.

Ngumisi ito. "Who is she?" baling niya sa kaibigan.

"Who cares?" sagot ni Lee saka tumingin sa 'kin. "There's another stairway at the end of the hallway." Isinenyas niya iyon.

"Hi, I'm Tob," ganadong-ganado sa pagpapakilala ang isa pang lalaki. "I'm Lee's best friend. And you are?"

"Who cares?" nakapamaywang na tugon ko saka sila tinalikuran. Psh! Mukhang hindi ko na kailangang magtaka kung bakit gano'n ang reaksyon ni Max kagabi.

Sinunod ko ang sinabi ni Lee, sa kabilang stairway ako dumaan. Wala pa si Max nang makarating ako sa room kaya naman mag-isa kong hinarap ang nakakasuyang tingin ng mga kaklase ko. Kung tumingin sila ay para bang wala akong karapatang umupo sa isa sa mga silya.

"You were not here yesterday," lumapit ang isang estudyante sa 'kin. "Bakit ngayon ka lang?" sa tinig pa lang ay nasisiguro ko nang bading siya.

HE'S INTO HER Season 1Where stories live. Discover now