Chapter 26 - Never Giving Up

Magsimula sa umpisa
                                    

"Masaya ako dahil makakapag-move on na si Evo," seryosong sagot ni Shawn, "now that I know that he has someone new in his life, magiging malaya na rin akong ipakilala sa mga magulang ko ang la –"

"Wait!" Violet interrupted, "huwag mong sabihing may ibang lalaki ka?"

Gikgik ang isinagot ni Shawn kaya agad na nakumpirma ni Violet ang kanyang hinala, "malandi kang babae ka! Kailan mo ipakilala 'yang bago mo?"

"Kaya nga ako napatawag," saad ni Shawn, "I need to borrow your car."

"Bakit? Wala bang car si new guy?" tanong ni Violet.

"He is not that rich but he totally mesmerized me," saad ni Shawn.

"OMG! Huwag mong sabihing nagbalik ang tunay na Shawn," saad ni Violet, "since your first engagement with Evo, tumigil ka na sa pakikipaglaro sa mga lalaki. Now you sounded like the teenage Shawn I once knew. So anong nangyari? Na-miss mo na bang magpapalit-palit ng boyfriend na parang nagpapalit lang ng damit? Is this guy going to be your first boy-toy?"

"Baliw!" tumawa si Shawn, "hindi ko pa rin maalala 'yang pinagsasabi mo but I am not planning to play with this guy. I am totally into him kaya gagawin ko ang lahat para maagaw ko siya sa ex-girlfriend niyang pinagtataguan siya."

"Teka, ang gulo!" saad ni Violet, "you mean, iniwan mo ang gwapo at successful na si Evo para habulin ang isang taong may ibang mahal?"

"It is not exactly what I intend to do," saad ni Shawn saka ipinaliwanag sa pinsan ang lahat na napagdaanan niya kasama si Dee-Lan.

"Gosh! You are really unpredictable," saad ni Violet, "so you are in a flirtationship but you fell in love? Shawn, hindi mo ba naisip na ikaw ang talo sa kasunduan niyo?"

"Hindi ako matatalo," determinadong saad ni Shawn, "you know me, Violet."

"Yeah, yeah," tumatangong saad ni Violet, "ikaw si Shawn ang unica hija ng mga Samuels, and you always get what you want."

"So, magpapahiram ka ba ng sasakyan?" tanong ni Shawn.

"You always get what you want, di ba?" tumatawang saad ni Violet, "give me your address and I'll drive the car to you. Tamang-tama, I am leaving tomorrow."

"Huh? Saan ka na naman ba pupunta?" tanong ni Shawn.

"As usual, mag-eenjoy ako and this time, I am going to have an adventure in Australia," sagot ni Violet.

Hindi na nagtanong si Shawn dahil hindi na ito bago sa kanya. Violet has always been a traveller. Hindi man niya alam ang drama ng buhay ng kanyang pinsan, naiintindihan niya ang nararamdaman nitong pag-iiwas sa pagsunod sa gusto ng kanyang mga magulang. Minsan nang naipagkasundong ipakasal si Violet pero walang nagawa ang mga magulang nito dahil lumayas ito at nangibang bansa. Walang makakapagsabi kung mag-aasawa ito o mananatiling single. Isa lang talaga ang predictable sa kanya, at yan ay ang madalas na pagbibiyahe.

_________________________

"Anong pinagkakaabalahan mo?" tanong ni Semira.

"I was checking on Sarah's background," sagot ni Shawn na hindi inalis ang tingin sa lcd screen computer desktop.

"Tama 'yan," saad ni Semira, "kilalanin mo ang karibal mo."

"But there is nothing here," dismayado siyang napasandal sa hiligan ng silya, "all I get is her pictures in this fashion contest and a small information about her profile. Ni wala akong makuhang lead kung saan siya hinahanap ni Dee-Lan ngayon."

"So balak mo ring hanapin si Sarah?" tanong ni Semira.

"Oo," agad na sagot ni Shawn, "balak kong sabihin kay Sarah ang relasyon namin ni Dee-Lan. Pero kung sakaling magkita-kita kaming tatlo, gusto kong makasiguro na makita ni Dee-Lan ako ang mas lamang kaysa kay Sarah."

"Hmm," bahagyang yumuko si Semira upang tignan ang mga larawan ni Sarah, "alam mo? May konting hawig kayo. Pare-pareho kayo ng hugis ng mukha saka kulay ng buhok. Saka kung tatakpan ang kanyang bibig, masasabi kong para siyang ikaw."

"So, anong point mo?" nagkibit balikat si Shawn.

"Ibig sabihin, may laban ka!" saad ni Semira, "hindi malayo hitsura niyo kaya hindi mo kailangang alalahanin ang parteng 'yan. Ang dapat mong malaman ay kung ano ang ugali niya na nagugustohan ni Dee-Lan."

"How can I tell it by just looking at these pictures?" inis na saad ni Shawn.

"Gusto mo tulongan kita?" tanong ni Semira.

"Paano mo ako matutulongan?" tumingin si Shawn sa kanya.

"Sekreto lang natin 'to," bumulong si Semira, "I am trained to read people and their actions. Maghanap tayo ng footages ng kanilang contest. Tignan natin kung paano makikitungo si Sarah sa ibang tao."

Napangiti si Shawn saka sinabing, "hulog ka talaga ng langit sa akin."

"Anla! Hindi libre 'tong serbisyo ko," saad ni Semira.

"Don't worry, name the price and I'll give it to you," agad na sagot ni Shawn.

"Saka na," saad ni Semira, "wala pa akong maisip eh."

"Nasaan pala si Dessa?" biglang tanong ni Shawn, "ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Tatanungin ko sana siya tungkol kay Sarah. Baka sakaling may maitutulong din siya."

"Ay hindi mo alam?" saad ni Semira, "nakipagtanan si Dessa. Ilang araw na siyang pinaghahanap ng mga kuya niya."

"You mean, hindi si Sarah ang hinahanap ni Dee-Lan kundi ang kapatid niyang si Dessa?" nagugulat na tanong ni Shawn.

"Oo at hindi," sagot ni Semira na nagpakunot ng noo ni Shawn, "Oo dahil ang alam ko parehong abala sina Vyn at Dee-Lan sa paghahanap kay Dessa. Hindi dahil sa pagkakaalam ko, nakakuha na ng lead si Dee-Lan tungkol sa address ng magulang ni Sarah. Kaya hindi ka pwedeng magpaka-kampante. Kailangan mo pa ring paghandaan ang paghaharap nila ni Sarah dahil nakakasiguro ako na sa oras na makita nila Vyn si Dessa, ay itutuloy ni Dee-Lan ang balak niyang puntahan si Sarah sa address ng magulang nito."

"Tama ka," mahinang sumang-ayon si Shawn, "kailangan ko ring gamitin ang pagkakataong ito upang akitin si Dee-Lan habang hindi pa niya hinahanap si Sarah."

FlirtationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon