you, me and the fireworks of the new year

346 43 154
                                    

NAGSIMULA NA ANG countdown para sa bagong taon sa Goodwill Park ng Villa Montenuma at hinihintay na lang namin ang fireworks display. Napapikit ako at nakibilang. Nang marinig ko na ang mga paputok ay dahan-dahang binuksan ko ang aking mga mata.

Ang madilim na langit ay napalibutan ng mga paputok na parang makukulay na bulaklak na saglit lang namulaklak. Maganda iyon sa iba ngunit sa akin, meh.

Tipid lang akong ngumiti. Wala namang bago. Kada bagong taon may nakikita akong fireworks. No big deal. Sadyang, dati simula nang maging kami ng exboyfriend ko ay lagi ko siyang kasama tuwing New Year.

Ngayon, ang mokong na iyon ang rason kung bakit mag-isa ako sa grand opening ng Villa Montenuma. Ako kasi ang nagbayad ng reservation at sayang naman kung hindi ko pakikinabangan. Mahal din yun.

I was just trying to fix things. Emphasis on trying.

"Wala na kasing spark, e. Can we end this?"

"Arika, I need space."

"It's not me. It's you."

Inisipan ko ng mga isasagot ang mga palusot ng ex kong iyon.

"Hindi tayo bumbilya. 'Wag mo akong hanapan ng spark."

"Babe, hindi naman ako clingy. Anong space ang hinahanap mo sa'kin? E, halos isang linggo tayong 'di magkita tapos okay ka lang naman."

"Oh my God. Suntukan na lang tayo, please?"

Andami kong pwedeng sabihin sa kanya ng mga araw na iyon. Pero ni isa roon wala akong sinabi. Tumahimik lang ako. Mahirap naman magsalita kung ang ipapalabas lang naman ng other party ay ikaw lang ang may kasalanan.

At ngayon, I'm just numb. Napailing ako para iwaksi ang alala ng lalaking iyon sa utak ko. Keri 'to, girl. New Year na. New opportunities. Open ka na ulit sa market.

Walang lingon-likod na aalis na sana ako pero may natapakan ako. Agad akong kinabahan, alam mo na, paano kung tae 'yon?

Dahan-dahan akong tumingin sa baba para makita kung ano man iyon. Pero surprise: isang bundle ng papel na pinagsama lang gamit ang isang ipit. Mukhang ilang beses nang tinapak tapakan iyon at marami ng footprints ang dating puting papel.

Nagtatakang pinulot at pinagpag ko iyon, it's a novel manuscript.

Curious na binuklat ko iyon at nakakita ako ng maraming editorial notes na nakasulat gamit ng pulang bolpen. Mas lumala at mas dumami pa iyon ng malapit na sa may ending. Wow, galit na galit naman ang editor nito.

Nakakunot noo na ibalik ko ang manuscript sa unang pahina at hinanap ang pangalan ng writer. Medyo nahirapan ako dahil ang dumi na nun pero 'di nagtagal nahanap ko rin. Para akong malapitang pinasabugan ng paputok sa nabasa ko. The name was Robin Vaccaro: my favorite writer.

Mabilis na lumingon lingon ako sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang hitsura niya kaya hinanap ko na lang kung sino ang mukhang naghahanap. Nagsimula na rin akong gumalaw at dahil sa dami ng tao may nakabunggo sa akin.

"Shi--"

Muntik na akong nadapa kung hindi lang may sumalo sa akin.

"Ayos ka lang, Miss?"

Nalingunan ko ang isang pamilyar na lalaki na mukhang hindi natulog ng ilang araw. Halata kasi ang eyebags niya at mukhang ready siyang pumikit anytime. Hindi naman maitatanggi na may hitsura ang lalaki dahil mukhang papasa siya bilang isang model kung mag-aayos pa siya ng konti.

"Wait... Kilala kita," sabi niya at lumawak pa ang kanyang ngiti. His face looks lively because of it. "Arika Mendoza, right?"

At dahil kilala niya ako, sinubukan kong kilalanin siya pero hindi ko siya namukhaan. "Sorry. Hindi kita ma-recognize."

You, Me and the Fireworks of the New Year ꞁ ✓Where stories live. Discover now