Chapter 20

13.1K 543 745
                                    

Saydie


SUMAPIT ang sunod na araw at dumating ang gabi. Pumunta kami ni Van sa tinatawag niyang salon bago ang party. Nakaupo ako sa harap ng salamin at may dalawang babae na nag-aasikaso sa akin. Ang isa ay inaayos ang buhok ko at ang isa naman, nilalagyan ako sa mukha ng tila war paint pero hindi kulay-itim. Sa halip ay pinagmumukha ninyong bahagyang mapula ang aking mga pisngi. Suot ko na ang costume na binili ni Van para sa akin kagabi. Isang kulay-puting damit na makintab. Hapit na hapit ito sa katawan ko at tatlong pulgada ang ikli mula sa mga tuhod ko.

"Girls, ano na? Hindi pa ba kayo tapos? Naghihintay na si Sir sa labas." Lumapit sa amin ang isang lalaki na babae kung kumilos.

"Malapit na po, Madam," sagot naman ng babaeng nag-aayos ng buhok ko.

"Okay, chop-chop! Hurry up!"

Kumekembot na umalis ang lalaki. Nagpatuloy ang dalawang babaeng sa pag-aayos sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas... "Charan!"

Nanlaki ang mga mata ko nang iharap nila ako sa salamin. Mahaba na ang buhok ko na hanggang dibdib. At may kakaibang kintab ang mukha ko.

"Wow! Ma'am, sobrang ganda ninyo po talaga. Ang sarap ninyong ayusan," sabi ng isa sa mga babae.

"Oo nga, Ma'am. Sobrang bumagay sa inyo ang outfit ninyo, saka ang makeup na ginawa ko," dagdag pa ninyong isang babae.

Napangiti naman ako at bahagyang nag-init ang mga pisngi. Hindi ako sanay sa hitsura ko pero kung para sa mga tao okay ito, then I like it too. "P-paano humaba ang buhok ko?" tanong ko.

"Naglagay po kami ng hair extension, Ma'am. Basta huwag ninyo po siyang suklayin masyado para hindi matanggal."

"Tayo ka na po, Ma'am, para mailagay na natin 'yong wings mo."

"Wings?" ulit ko pero tumayo naman ako.

Isinabit nila sa likod ko ang isang matulis na pakpak na katulad ng sa insekto. Pero hindi ko naman naigagalaw. What is it for anyway? Humans are really weird.

"Tapos na po, Ma'am. Mukha na po talaga kayong fairy," sabi ng babae. "Punta na po kayo sa lobby nandoon na po si Sir."

Pagdating ko sa lobby, may nakita akong isang malaking ice cream pero mukhang hindi totoo at tila isang malambot na kasuotan lang dahil may nakalitaw na mga binti at braso. Nang humarap ito sa akin, nakita ko ang mukha ni Van.

"S-Saydie?" Natulala siya habang nakatitig sa akin. Bahagya pang umawang ang kanyang bibig.

"What?"

"You look... gorgeous."

Nag-init ang mga pisngi ko at tila hindi ko siya matingnan nang deretso. Anong klaseng pakiramdam ito? Bakit parang natataranta ako habang tinititigan niya ako at nagugustuhan ko iyon?

"Wow," dinig kong bulong pa niya.

Napangiti ako nang bahagya. Parang gusto kong ngumiti nang mas maluwang pero gusto ko rin iyong pigilan. This feeling... it's really weird.

"Um... how about me? How do I look?" tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. "You look like an idiot."

Nasapo niya ang mukha. "Jeez! Sabi ko na mukha akong ewan."

Hindi ko na napigilang ngumiti nang maluwang. Tiningnan kong mabuti ang suot niya at na-curious akong hawakan ito. Lumapit ako at hinimas ang ice cream sa itaas ng ulo niya. "Don't worry. You look delicious," sabi ko.

Natawa siya at umiling-iling. "Ibang klase ka talaga, Saydie! Pero thank you! But don't tell anyone that they're delicious, okay? Baka iba ang isipin nila."

Grims Do Fall In Love (Published under LIB)Where stories live. Discover now