What's on your mind?

195 42 23
                                    


What's on your mind?

Ang tanong na lagi kong nakikita tuwing magbubukas ng Facebook. Sa totoo lang maraming bagay ang naririto sa isip ko:

1. Paano magkakaroon ng tunay na kaibigan?
2. Paano ipagmalaki ng magulang?
3. Paano magiging masaya?
4. Paano mabuhay?

See?

Maraming bagay ang nasa isip ko. Ito ang dahilan kung bakit naiirita ako kapag nababasa ang What's on your mind? sa timeline ko. As if may pakialam si FACEBOOK sa akin o sa nararamdaman ko. Eh wala naman.

Bakit ko pa kasi tinignan ang FACEBOOK ko? Papasok na lang din naman ako sa eskwelahan, naisipan ko pang sumilip dito. As if may notifications na maganda.

"Hey! Binibining Jaqueline Maquirang!" natatawang pagtawag sa'kin ni Delmar na isa sa school bullies. Nakaupo sila ng mga barkada niya sa bench, inaabangan ako. Aasarin na naman yata ako ng mga lokong ito. "May itatanong sana ako sa'yo." hinarangan niya ang dadaanan ko.

"Wala ako sa mood ngayon na makipagbiruan sa inyo." matamlay na pagkasabi ko.

"Wala ka sa mood? Haha." tanong ni Delmar, tumawa silang lahat. Kalibugan na naman yata ang nasa isipan nila. "Ako meron ta-mod! Hahaha!" tama nga ako. Inaasahan ko na ito. Wala naman kasing araw na hindi nila ako binubully. Mga bastos. Hinawi ko siya at pinaalis sa harapan ko. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa pagtungo sa classroom.

"Arte! Tatanungin ko lang naman sana kung may boyfriend ka!" pahabol na sigaw ni Delmar.

Wala akong boyfriend pero hinding-hindi kita papatulan Delmar.

***

Habang nag-lelecture ang Teacher namin sa Physics ay naglakbay bigla ang isip ko. I was thinking about how I can change my life. Kung paano ako magugustuhan ng mga kaklase ko. Lagi na lang kasi nila akong kinukutya. Siguro kung naging mayaman ako ay naging friends ko na silang lahat — sa FB man o sa personal. Siguro kung hindi ako anak sa labas at kung hindi sana prostitute ang Mama ko ay ituturing nila akong tao. Kung kaya ko lang baguhin ang lahat sa isang click lang, ginawa ko na sana dati pa. That's how I hate my life.

"Miss Maquirang? Are you with us?" nakataas ang kilay ni Maam na kinukuha ang atensiyon ko. Inilingi ko ang ulo ko at napansin na nakatitig na sa akin ang lahat ng kaklase ko, may ibang ngumingisi. Kanina pa yata ako tinatawag ni Maam.

"Yes, Maam?" tanong ko.

"Focus sa klase, hindi kung saan-saan pumupunta ang utak mo." paalala niya. Nagsitawanan ang mga kaklase ko. "Quiet!" pagsaway niya sa mga tumatawa, tumahimik na ang klase.

***

Natapos ang tatlong subjects at recess na. Mag-isa akong umupo sa pinakagilid na lamesa ng canteen habang humihigop ng sabaw ng cup noodles. Walang gustong tumabi sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. Saka hindi rin naman ako mahilig makipag-usap sa iba kaya siguro ganoon.

"Can I join you?" nagulat ako ng may nagsalita. Himalang may gustong tumabi sa akin. Tumigil ako sa paghigop at tiningala ang kung sino ito. Si Marie pala, kaklase ko.

"Sure." ngiti ko.

Nagkwentuhan kami na parang close na talaga kami. Nakakapanibago sa pakiramdam. May gusto pa palang maging kaibigan ako.

***

What's on your mind?

May kaibigan na ako 😇 — feeling happy.

Ito ang post ko nung dumating ako sa bahay. Ito yata ang unang beses na nasiyahan ako mag-FB. Hindi ko na nadatnan si Mama sa bahay dahil umalis na siya papuntang trabaho, mula hapon hanggang madaling araw ang duty ni Mama sa Bar. In short pokpok siya. Kahit ganoon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Mas mabuti na lang siya kumpara kay Papa na hindi ako kinikilalang anak.

Napahinto ako sa isang post habang nag-i-scroll down ng News Feed. Post ito ni Marie.

Marie Jimera
— Sobrang saya niya kanina dahil tinabihan ko siya sa canteen. Hindi niya alam na Dare lang iyon! Haha!

Sa ilalim ng post ay nakalagay ang picture ko sa classroom na nakatulala. Biglang tumulo na lamang ang luha ko sa sobrang sama ng loob.

Golden rule: Huwag kang titingin sa comments kung ayaw mo lalong masaktan. But I broke the rule, tinignan ko pa din ito.

Ang daming comments. Ang unang nabasa ko ay ang comment ni Delmar.

Delmar Chan
— Pota! Nakakatawa ang mukha 😂

Pagkatapos ay binasa ko rin ang iba pang mga comments. Puro sa mga kaklase ko at kaibigan nila nanggaling ang mga ito.

— Tulala? Siguro iniisip kung sino talaga ang totoong tatay niya 😂

— Ito ba iyong anak ng GRO?🤔

— Nako! Baka inaantok kasi sumama kagabi sa nanay niya na pokpok! 😅

Tumulo pa lalo ang luha ko. Bakit ganito ang mga tao? Bakit kaya nilang magsalita ng ganito kahit may nasasaktan na sila?

What's on your mind?

I want to die.

Pinost ko ang picture ko na nakatulala. I set the post to Public para madami ang makakita. I also tagged my classmates. Nilagyan ko ito ng caption na ganito:

Jaqueline Maquirang is with 41 people.
— DARE! 50 LIKES and 50 COMMENTS and I will be gone for good!

Wala pang isang oras ay bumaha na ang notifications ko. Maraming nag-ko-comment na i-share ang post ko at i-tag ang iba para i-like din ito. Great! Gusto talaga nila akong mawala.

These are the comments:

Mention niyo na ang iba para mawala na ito!😂

— Excited na akong mawala ka! 👍🏼

— haha! Totohanin mo to!

— Ba-bye! 😂

After an hour ay lumagpas na sa 50 ang LIKES at COMMENTS. Umabot pa nga ng 100 ang LIKES. This is my cue to leave everything.

Dare is a dare.

I will be gone for good.

Tomorrow, I will be found dead.

What's on your mind?

— Jaqueline Maquirang is now slitting her wrist.

I will finally rest in peace. Goodbye.

•~•

IMPORTANT LESSONS:

Your Posts, Shares and Reactions can cost someone's life.
— All people deserve to be respected.
— You don't need to post everything that pops up inside your mind.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What's on your mind? #makeITsafePH #WritingContestWhere stories live. Discover now