28

274 7 2
                                    

Axel's PoV

nagising ako nung may kiliti sa leeg ko.

Abi? Huh? ay tama! yung kagabi..

"Good morning?" nahihiya niyang sabi.

"Good morning." hinalikan ko siya sa noo, na ikinagulat niya.

"Gutom ka na ba?" tanong ko. Tumango naman siya

"Sige mag papadala ako ng breakfast dito" sabi ko at tinawagan ang management sa baba para padalhan kami ng breakfast.

Habang nag hihintay ay nag aayos ng buhok si Abi. May nag doorbell, pumunta ako sa pinto para kunin ang breakfast namin.

Nilapag ko sa bed yung food, "Kain na" ngumiti ako kay Abi. Nag simula na siyang kumain, tahimik lang kaming kumakain

"Abi?" pagtawag ko sakanya, lumingon siya sa akin

"Para ka paring baby" tumawa ako, at pinunasan yung chocolate syrup na galing sa pancake niya dahil medyo kumalat ito sa gilid ng labi niya. Nakita ko naman siyang namula..

"Axel?" sabi niya

"Bakit, Abigail Jane?" sabi ko naman

Yumuko siya, "S-seryoso ka ba dun sa sinabi mo kagabi? N-na.. M-mahal mo ako?" nahihiya niyang sabi.

Inangat ko ulo niya at pinatingin ko siya sa akin, "Lasing ako, oo. Pero conscious ako sa pinagsasabi ko. Mahal na mahal kita Abigail. Maniwala ka please?" paki usap ko sakanya. Ngumiti siya sa akin.

"I love you toosabi ni Abigail

"Bakit ka nag bago? ng sobra.. sobra" tanong ko.

"Kasi sinira mo ako, sinira ako ng pagibig mo.." sabi niya

"Simula nung araw na iniwan mo ako para kay Steph, nawalan ako ng buhay, pero habang nag lalakad ako mag isa pauwi, partida naulan pa nun, nakita ako ni Anthon na sirang sira.. Tinulungan niya ako.. tinulungan niya akong kalimutan ka, pero ano? kahit anong mangyari mahal kita eh. Pero isang araw, pinagbigyan ko siya, at dun rin tumatak sa isipan ko na mag hihiganti ako sa inyo, mag hihiganti ako sa inyo ni Steph dahil niloko niyo ko. Ayun, pinagkalat ko yung scandal niyo at kung ano ano pa.. Akala ko nakalimutan na kita.. Pero nung bumalik kayo sa Pilipinas.. nandun parin yung sakit na binigay niyo eh, lahat ginagawa ko para masira kayo pero ako yata yung nasisira.." pag eexplain ni Abigail. Niyakap ko siya

The Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon