Ang totoo'y dinig naman niya ang sinabi nitong hinaan ang component lamang ay nawala siya sa sarili nang maamoy ang mabangong hininga ng binata. Nakaramdam siya ng hiya at inaalala kung siya ba ay nakapag-toothbrush na. Inuna kasi niyang mag-music kanina.

Natatawang napabangon siya. Tinanggal ang earphone para mag-toothbrush na.

KINABUKASAN.

Hindi karaniwan para kay Raffy ang may kumakatok sa kanyang silid. Habang busy kasi siyang inaayos ang mga damit sa closet ay biglang umingay ang pinto.

"Kumusta?"

Si Kendra ang nabungaran n'ya buhat sa kabubukas lamang na pintuan. He crossed his arms as he waits for this kid to talk.

Nawala ang kaninang ngiti ng dalaga nang walang nakuha kahit anong sagot buhat sa binatang kaharap pero sinikap pa rin nitong sabihin ang pakay.

Halatang nagpapakiramdaman sila. At si Kendra ang sumuko.

"Ahm... pasensya na sa istorbo pero kakapalan ko na ang mukha ko. I don't usually talk to strangers but I know you're a nice guy. I can feel it. Kaya gusto ko sana humingi ng tulong?" pambobola nito sabay bulong sa sarili, WEH!

Habang siya ay namewang lang at tinatantya ang kaharap ay nagpaliwanag ito, "Ano kasi... 'yun... 'yung lababo ko barado. Eh malapit na ako bahain baka--sana... p'wede mo akong tulungan?"

Sa hinaba-haba ng litanya nito ay wala siyang sagot na ibinigay kaya lumabi na lang ito at tumalikod sabay sabing, "Hindi bale na lang."

NANG si Kendra ay nakakailang hakbang na paalis ay nagulat s'ya nang bigla na lang may kamay na kumapit sa kaliwang braso n'ya at hilahin patungo sa silid niya.

"T-teka, sandali! Hindi mo naman ako kailangang hilahin, 'di ba?" reklamo niya sabay bulong. Kagabi pa 'to ah.

Nang makapasok sila ay doon lamang siyabinitiwan ni Raffy. Kunot ang noong hinimas niya ang braso na tila may bakat pa ng kamay nito. Grabe! Ang bigat naman ng kamay. Siguro construction worker 'to.

Pumamewang si Raffy habang tinitignan ang lababo na nagmistula ng swimming pool. Wala na nga itong nagawa pa kundi ang tumambay sa lababo at ito'y inayos. Halos nabasa na rin ang t-shirt nito dahil sa pagkukumpuni.

Samantala, gumagawa naman ng juice si Kendra. Sumulyap siya sa nakatalikod na binata na may napaka-gandang katawan. Likod pa lang ay ulam na kumbaga. Ganyan ba katawan ng mga constru ngayon?

Sa haharap sa kanya na binata ay napayukong bigla si Kendra.

"Pareho tayo ng problema. Ganyan din ang lababo ko minsan," naglalakad na ito palapit sa kanya habang nagpupunas ng kamay gamit ang basahan.

"Mabuti kung gano'n," masayang sagot niya na hinahalo pa rin ang tinimplang juice.

Natigilan si Raffy sa kanyang sinabi kaya bigla s'yang nagkambyo. "Ah, I mean, mabuti kasi at least alam mo na ang gagawin..."

Ngunit hindi pa s'ya tapos na magsalita ay nilayasan na s'ya ng binata matapos na ihagis ang basahang hawak sa maliit niyang lamesa kaya nawalang bigla na naman ang pagkaganda-gandang niyang ngiti.

"Mag-merienda ka muna! Gumawa na nga ako ng juice oh. Ito na lang ang bayad ko!" sigaw n'ya sa papalabas ng binata. "Salamat ha," dugtong n'ya na may pagka-pikon ang tono nang hindi siya pinansin nito.

Suplado. Walkout king, pahabol niyang bulong sabay ismid sa papasara na namang pintuan. "Para 'yun lang e. Sus! Ang pikon. May sinabi ba akong masama?"

NASA isang pinakamalapit na laundry shop si Kendra. Busy siyang naglalagay ng mga damit sa washing machine nang mapansin si Raffy na pumwesto sa tabi niya. Nagsimula na rin itong ayusin ang mga damit nito. Plain white shirt na may kanipisan na ang suot nito at short na black na plain din.

Just Knock (Complete & Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon