BTT- 61 ( Chapter before Epilogue )

3.4K 63 21
                                    

Dabi’s POV

“ Ano? Iiyak ka na naman? Pinagsabihan ka na namin nila mommy diba? Pero hindi ka nakinig. Wala kang pinapakinggan..” bulalas ni kuya dobi.

Oo, sana pinakinggan ko kayo. Sana hindi ako umiiyak ngayon, sana hindi ako nagpakatanga ulit. Akala ko mahal ako ni rence? Pero bakit ganun? Parang hindi pa rin sapat ang lahat. Hindi sapat na binigay ko ang lahat. I ended up being fooled by love.

“ tama na kuya..” umiiyak ako sa harapan nila habang pinapatahan ni mommy. “ tama na please, inaamin ko naman na mali ko. Sana, sana nakinig nalang ako sa inyo.”

Hindi maalis sa isip ko nung nabasa ko ang huling text niya sa akin. Ang sabi I’m sorry pia. E tang-ina mo palang lalaki ka e! I’m sorry lang?! ganon?!

“ You’re going back to America..” maiksing saad ni daddy. “ focus on your studies first..”

“ Tahan na anak..” sabi naman ni mommy habang pinupunasan ang mga luha ko sa pisngi.” Don’t you know that it hurts me a lot to see my daughter hurting in front of me? Ssshh. Tahan na. We’re all going to America.. sasamahan ka namin.”

“ Kung yun ang magpapabuti sa atin, tatawagan ko na si karl for the tickets.” Dagdag pa ni daddy. “ B, ikaw na muna ang bahala sa mga bata. May pupuntahan lang ako..”

“ Saan ka pupunta dad?” tanong ni kuya dobi pero hindi sumagot si daddy. Nagkatinginan naman kami ni mommy, ang swerte ko pa rin pala kasi may pamilya akong gumagabay sa akin. Eventhough I know that kuya dobi had his own problems pero inuuna niya pa rin ako. I’m lucky to have them.

“ Mommy, bukas na tayo umalis.” Matapang na sabi ko habang ikinakalma ang sarili ko. “ magiging masaya din ako diba? Panggulo lang sa buhay itong si rence e. Baka nga si Dustin din talaga ang para sa akin..”

“ Ate, remember those times you told me that a woman’s heart should always be as strong as your personality. You are the kind of person who never accepts failure, you’re strong, you’re brave. Pagsubok lang yan..” tumango ako sa sinabi ni amber.

“ Anak, tahan na ang pag-iyak. Bukas na bukas din ay uuwi na tayo ng America. Pagsasabihan ko nalang si tito daze mo sa firm na siya na muna ang bahala and besides kung gusto mo isama pa natin si ate saira at tito karl mo para masaya.”

Ngumiti nalang ako ng pilit. “ e ikaw kuya? when are you going to admit that you actually fell inlove with her? Gusto mo bang maunahan ka na nung Carlos Miguel kay Belle?”

“ Hindi yan totoo.”

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon