BTT-12

4.8K 69 14
                                    

Dabi’s POV

Sumakay ako sa bus papuntang Camiguin, Saturday bukas kaya bibisitahin ko si lola, ilang sabado na rin akong hindi nakapunta sakanila e. Bumuntong hininga ako. Ginawa ko ba talaga yun? I hope hindi ako magsisi. Hindi ko alam kung bakit ganito ako kadesperada para sakanya pagkatapos niya akong iwanan kanina.

Aah! Gusto kong umiyak! Yung badge ko! anong gagawin ko ngayon? kaya ko kayang magpaalila kay elsa? Naiimagine ko palang nasusuka na ako.

Nagvibrate ang cellphone ko. binuksan ko kaagad ito. 3 messages received. Dalawa ang galing kay dustin, Isa naman kay denver.

Dustin:

Dabi? Are you okay? Why the hell did you do that?

Denver:

 You're getting desperate alex. Stubborn! Where the heck are you now? 

Dustin:

Where are you? Please reply. Im fvckin worried.

Etong si dustin ang landi-landi. I hate him for acting really stupid in front of me, I hate it when he pretends to be a good boyfriend kahit na hindi naman na kami. I mean, I admit it. Minahal ko naman talaga siya, napuno lang talaga ako at si rence talaga ang gusto ko tsaka wala ng spark. Kaya siguro nainlove siya kay elsa dahil ang dami ko ring pagkukulang sakanya.

Me to dustin:

Asshole.-_-

Me to denver:

Den, its my choice. You’ll support me right? Magpapacamiguin ako. Pupunta kila lola.

Nung isesend ko na ang reply ko kay dustin, may umupo sa tabi ko. nagulat pa ako. Speaking of the asshole.Si dustin.

“ and why are you here?” tinaasan ko siya ng kilay sabay cross arms. Really? Sinusundan niya ba ako?

“ bakit bawal bang sumakay dito? Ang alam ko kasi public transportation ito.” Ngumiwi siya at nagsmirk. Pagkatapos ay tumingin sa relo niya sabay baling ulit ng titig sa akin.

“ cut it off. “ hinipan ko ang bangs ko. “ stop worrying.”

Sumeryoso na ang mga tingin niya sa akin. Wala na rin ang bahid ng konting ngiti niya. “ hindi kita maintindihan.”

“ ikaw ang hindi ko maintindihan.” Bumuntong hininga ako. “ that’s why I hate assholes like you.” Kapag nagiging seryoso si dustin, mas nagiging mature siya tignan. Mas bumabagay sakanya.

“yeah I’m an asshole..” bumuntong hininga din siya. “ that still cares about you.” Tinanggal niya ang relo niya at nilagay sa bag. Pagkatapos ay tumingin sa kawalan.“ paanong napunta sakanya ang badge mo?” I hate him when he cares for me, mas lalo lang akong nakokonsenysa, I don’t want to see him worrying about me.

I can’t tell him, na ipinagpalit ko ang badge ko para lamang sa konting atensyon ni rence. Tatawanan lang niya ako.And now, I swear I’ll prove everything to that Hachi Girl, na hindi  matutumbasan ng kahit na anong bagay si rence. Hindi ko alam na matagal na rin pala niyang pinagkakainteresan ang badge ko. She really is a low class.

“ care about me huh? Hindi ba dapat maging masaya ka pa kasi na kay elsa na yung badge? She’ll probably enjoy it.” Ngumiti ako ng peke.

“ hindi lang ako makapaniwala, iningatan mo yun ng tatlong taon at sa isang pitik lang, hinayaan mong makuha ang lahat?” nakikita ko sa mukha niya ang disappointment. “but  still I don’t like what you did.”

“ may magagawa pa ba ako naagaw na eh. Magdiwang ka na.”

“hay.. may nagyari ba?” halata sa mga mata niyang nagtatanong na gusto niya talagang malaman ang katotohanan. “tell me..”

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon