BTT-11

4.4K 64 2
                                    

Dabi’s POV

Hinahalikan niya ako.

Dream? Panaginip yata ito? Pakipukpok nga ng ulo ko para magising ako. Pero totoo! Aah! Hinahalikan niya ako ngayon habang niluluwangan ang kwelyo niya at tinanggal ang Outer Uniform niya..

“ Ahh! Get a room!” sabi ng estudyanteng bumukas sa cubicle sabay takip ng mukha, dahil nakatalikod kami sakanya hindi na siya nag-atubiling  silipin kung sino kami lumabas siya kaagad.

“ ano nakita mo?”

“ wala. Baka dun!” saka sila tumakbo ulit para hanapin kami. Syempre kasabay nun tumigil na rin si rence sa kakahalik sa akin, SMACK LANG! pero..

Dug. Dug.

Namanhid yata yung labi ko, bigla yatang nagsilutang ang mga ibat-ibang kulay sa paningin ko, yung iba heart shape pa..

Dug. Dug.

“ you dope!” sinampal ko siya, kaya naman napahawak siya sa namumulang pisngi niya! At saka tinaasan ako ng boses.

Mahihimatay na yata ako dito!

“what the heck!”

“ang kapal ng mukha mo!” I tried to composed myself in front of him, as usual hindi ako pwedeng magpahalata, hindi ako pwedeng mamula. Kaya lumabas ulit ako. Buti nalang may allergy ako ngayon, kaya hindi masyado halata, pero mas lumalala naman.

“ pia wait..” hinabol niya ako pero tumakbo lang ako. Gusto kong umiwas, nahihiya ako.

Dud dug!

“ Damnit! Nagsorry naman ako diba bago kita halikan! Wala yung malisya! Para din yun sayo!” rason niya, nakikita ko rin sa mga mata niya na nagi-guilty siya.

“ dope! Kahit na!! lumayo ka, kakatayin kita! You’ll pay for this!” banta ko, kaya napahinto siya. At napangiwi.

Dug Dug. Heart naman, tumigil ka! kanina ka pa!

“don’t tell me first kiss mo yun?” at nagtanong pa ang loko, ofcourse he’s not my first kiss, si Dustin ang first kiss ko. pero siya yung unang taong humalik sa akin na nawawala ako sa sistema ko.

Dug Dug. Oh shut up heart!

“ hindi..” tinadyakan ko siya.

“shit! Aray!“ napatalon talon siya habang hinahawakan ang paa niyang tinadyakan ko.

“ sa ganda kong to? Ha!”

“ damn! Ikaw na nga ang tinutulungan, ako pa pinapahamak mo! Come!” hinila niya na naman ako, sa simulat-simula pa lang uso yata ang sapilitang hilaan sa amin, but this time hinihila niya ako habang nakahawak siya sa sleeve ng uniform ko. at mukhang mapupunit na ito!

“ Ano ba! Yung uniform ko! may balak ka bang sirain ito?!”

“ bakit saan pa ba kita hahawakan? Baka kapag hinawakan pa kita sa mismong kamay mo, ibabaon mo na ako sa lupa. Mas mabuti ng safe!” nagpatuloy kami sa pagtakbo.

Dug Dug. Magkakaheart attack na yata ako. Eto yata makakapatay sa akin, hindi allergy!

“ saan mo ba ako dadalhin ha? I swear after this stardemonium, you’ll pay fo what you’ve done!” banta ko ulit sakanya.

“ shut your mouth! You’re too loud! Stop complaining!” tinaasan niya na naman ako ng boses, ai bwiset na to! Tinataasan na ako ng  boses pero ang gwapo niya pa rin sa paningin ko.

“ e san mo ba kasi ako dadalhin?” pagod na ako. Pati heart ko, pagod na sa kakakabog ng mabilis.

“ sa infirmary!”

Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon