"Tss. H'wag ka nang umasa, may malakas na electric fan d'yan sa gilid, malaki 'yan, baka liparin ka pa sa lakas ng hangin," istriktang sabi niya at nameywang.

"May uniporme ka, nand'yan nakasabit sa may cabinet sa gilid para mamayang gabi sa hapunan. Papagawa tayo ng sukat sa 'yo kapag 'di kasya pero 'yan muna ngayon. Dito kakain ang Señorito Wave kaya dapat maayos ka mamaya at ikaw ang direct niyang makakausap kapag wala kami. At saka h'wag kang magdaldal, gusto no'n tahimik lang. Ayaw niya ng malaki bibig."

Grabe 'yan! Malaki ba bibig ko?!

I chewed my lip to stop my comments.

"Duly noted," I said.

"O, siya sige at maiwan na kita d'yan. Kung gusto mo ay maglibot ka pero h'wag na h'wag kang aakyat sa second floor na walang pahintulot ng kung sino man. Naiintindihan mo?"

"Opo," I answered.

"Sige, aalis na muna ako at magdidilig ng halaman. Zirena ang pangalan mo, 'di ba?" I nodded.

"Tawagin mo na lang akong Tiya Myrla, matagal na akong narito sa mansyon, bata pa lamang ang mga may-ari."

She left. I sighed and sat on the bed, running my fingers frustratedly in my hair.

"What are you doing, Zirena?"

"Damn me," I groaned and kicked the floor. "What will happen to you now?"

After almost half an hour, I realized that I wasn't doing anything but to stare at the empty ceiling. Nang sumulyap ako sa phone ko ay may kaunting signal lang doon at muli akong napapikit sa inis sa sarili.

Why am I pretending to be a maid? Really?

I decided to get up after a while, sinuklay ko ang aking buhok gamit ang daliri at nag-spray ng perfume para fresh again.

Sa paglabas ko sa maid's quarter ay napansin kong wala ng tao sa buong kusina, miski ang sala ay wala ng tao at inobserbahan na lang ang lugar.

In the middle of the kitchen is a long mahogany table. I think this could host at least fifteen people. May mga wooden chairs pang sa disenyo pa lang ng carvings at quality ng kahoy, alam mo nang custom made. Above it was a chandelier.

May fireplace roon sa gitna ng living room at ang mga sofa ay kulay brown. It has a rustic brick walls and has three large glass doors. The printed pale curtains are swaying from the breeze outside.

There are paintings I'm sure cost millions. Naisama ako minsan kasi ng pinsan ko sa gallery at pamilyar sa akin ang itsura.

The stunning staircase design adds to the grandeur of the mansion.

Ipinaraan ko roon ang daliri ko at sinubukang sumilip sa paikot na hagdan paakyat sa pangalawang palapag ng mansyon.

"Come on, Wave! Let's go later tonight!" A high pitched voice stopped me from my tracks. Bahagya akong sumilip at napaatras nang makita ang seryosong si Wave na papasok sa mansyon at sa kanyang braso ay nakakapit ang isang matangkad at mestisang babae.

"I can't go, Tianna. You see, marami pa akong gagawin–"

"Oh, come on, Wavy!" She cheered at nangunot ang noo ko.

"What the fuck?" I whispered, annoyed.

Wavy?!

"Don't call me that," ani Wave at naglakad patungo sa sofa kaya napaatras ako at bahagyang nagtago.

"Why? Isn't Wavy cute? I just thought of it kanina. Bagay na bagay sa 'yo!" She cheered.

Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko habang pinagmamasdan sila.

Unmasking The Waves DeceptionWhere stories live. Discover now