"Oh." Tumango siya.

"E, maglaba?"

Shit!

"Uh, yes?" I answered. Umayos siya ng tayo at ngumiwi.

"Bakit parang hindi ka sigurado?"

"Sure naman. Oo, s'yempre! Kaya ko po 'yon!" I laughed awkwardly. "Kaya ko lahat. Promise po, sobrang sipag ko! I can work under pressure!"

"Ano bang pangalan mo?"

"Zirena. For short, ganda na lang po." Ngumisi ako.

Napailing siya sa akin at tinignan ang maletang hawak ko at ang Louis Vuitton na bag ko.

"Saan mo naman nabili 'yang mga gamit mo? Bakit mukhang mamahalin?"

"Mukha lang po 'yan, galing lang 'yan sa ukay-ukay. Gusto n'yo po isama ko kayo, may bagay sa 'yo ro'ng one piece bikini," biro ko.

"Aba't–"

"Joke lang! Tawa po kayo, Ma'am! Para mas relax ang mukha. Alam mo bang nakakatanda kapag palaging nakasimangot?" I said as a matter-of-fact. Nabawasan ang kunot ng noo niya at tumikhim, nire-relax ang ekspresyon. "Sige na po, Ma'am, i-hire n'yo na po ako. Sobrang gipit na gipit lang."

"Kung tatanggapin ka rito, maipapangako mo bang lahat ng malalaman mo sa pamamahay na 'to ay hindi lalabas?" aniya.

"Of course." I nodded.

"Mababait ang mga amo natin dito pero isa lang ang patakaran nila."

"Ano po iyon?" I asked curiously.

"Privacy, hija. Lalo na si Sir Wave? Naku, kapag nakilala mo iyon, hindi iyon nagkekwento at palagi lang seryoso kaya mag-ayos ka, ah? Ipapa-sign ka rin ng NDA kapag bumalik si Justin," she said.

Nangiti ako at tumango.

Does this mean...

"Hired na po ako?" nagningning ang mata ko.

She sighed.

"Oo siya, sige. Mabusisi talaga rito pero biglaan din kasi ang uwi ni señorito kaya urgent ang hiring. Pero ayusin mo, hija. Kapag pumalpak ka, 'di ako mag-aatubiling sisantehin ka rito, naiintidihan mo?"

I nodded obediently.

"Opo! Salamat, Ma'am!" I cheered.

"H'wag kang magpasalamat, baka hindi ka na makakangiti kapag nagsimula na ang trabaho rito," aniya na nagbabalik na sa kanyang maldita self.

"Mae-enjoy ko 'yan!" I smiled.

"O siya, sige at masyado kang masiyahin. Doon ka sana sa amin sa may maid's quarter sa kabilang bahay kaso ubos na ang kwarto. Nando'n kasi nag-stay ang mga guard at hardinero, may mga tauhan ding stay in at may nire-renovate sa rancho."

Tumango ako.

"Saan po ako? Kahit saan po, okay lang."

"May maid's area rito sa main house," aniya at hinila ko ang maleta ko at sumunod sa kanya. She brought me to a small room inside the kitchen and I saw a double deck bed and a small side table.

May T.V. rin at 'di naman masikip. Sakto lang. Parang one person bedroon. Maaliwalas din.

"Dito ka,"

"Okay po," bulong ko pero nanliit ang mata.

I'm fine with this but my only worry is mosquitoes. Ayaw ko kasi no'n.

"May aircon po ba rito?" I asked dumbly.

"Aba!" Napasinghap ako nang tumaas ang boses niya at nilingon ako. "Wala, masyado kang sosyalin, huh. Hindi 'yan uubra dito!"

Unmasking The Waves DeceptionWhere stories live. Discover now