Napataas pa ang kilay niya habang nakatingin..

"Ops , nandito ka pala?.Kailan ka pa nakabalik , Kathlyn?" parang concern na tanong pero sarcastic ang dating

Ngumisi ako sa kanya..

"Oo nandito ako kasama ang boyfriend ko..At kung kailan ako bumalik?.Wala ka nang pake doon.." sambit ko

Ngumisi naman siya sakin..

"Well , wala naman talaga akong pakialam sayo..Pero , boyfriend?.May boyfriend ka na?.Sino , si Jayce bah?" 

Mas lalo akong napangisi sa tanong niya..

Agad akong lumapit sa kanila at hinawakan ang kamay ni Ethan bago ito hinila papalapit sakin..

Nagulat pa si Eliza sa ginawa ko..

"Anong ibig sabihin nito?" galit niyang tanong

Agad akong humalik kay Ethan at ramdam ko ang pag ngisi nito dahil sa ginawa ko..

Tinitigan ko muna si Ethan bago bumaling ulit kay Eliza..

"Nagulat ka bah , Eliza?.Well , tinanong mo rin naman kung sino ang boyfriend ko..Kaya ang sagot , si Ethan ang boyfriend ko.." 

Kitang kita ko ang galit niya habang nakatingin sakin..

"No!.Hindi mo pwedeng maging boyfriend si Ethan dahil akin lang siya!" sigaw niya

"Talaga lang ah?.Bakit , noon bang kami pa ni Ethan , inisip mo bah na akin lang siya?.Inisip mo bah na may nagmamay ari na sa kanya?.Hindi diba , kasi inagaw mo din siya..Kaya ngayon , dahil ako naman ang mahal nang lalaking mahal mo..Akin na siya , at hindi ko siya ipamimigay sa mga katulad mong walang kwentang babae.." nakangisi kong sabi

"How dare you para sabihan akong walang kwenta!" sigaw niya at dinuro pa ako

Agad kong hinawakan ang daliri niya at marahas na binaba..

"Wag mo akong dinuduro-duro , hindi mo alam kung anong kaya kong gawin diyan sa kamay mong mapang angkin.."

Nakita ko pa ang luhang pumatak sa mata niya nang tiningnan niya si Ethan..

"Pag sisisihan mo ito , Ethan..Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba.Magkakamatayan muna kami nang babaeng 'to bago ka maging kanya.." aniya at tiningnan ako

Tinaasan ko naman siya nang kilay..

"Magkakamatayan baka mo?.Sige bah , hindi kita u-urungan..Babae sa babae..Tapang sa tapang.Ang matalo , walang iyakan.." nakangising sabi ko

"Mag hintay ka lang..Sisiguraduhin kong pati pamilya mo mawawasak.." 

Agad namang nag init ang ulo ko sa sinabi niya..

"Subukan mo lang damayin ang pamilya ko sa gulong 'to , baka pag gising mo isang araw , wasak na yang pagmumukha mo.." pagbabanta ko

"Para ka banta girl , totohanin mo kaya?" aniya at ngumisi

"Totohanin pala ah.."

Agad kong hinila ang buhok niya at kinaladkad siya palabas nang hotel..

Pinagtitinginan na kami nang lahat nang tao dito pero wala akong pakialam.

"Let me go , bitch!" sigaw niya

Nang makalabas kami ay agad ko siyang tinulak dahilan para halos mapahiga na siya sa sahig..

"Sa ating dalawa , ikaw yung bitch!.Mang aagaw!Mapang akin nang bagay na hindi naman sa kanya!" sigaw ko

"Pagbabayaran mo ang lahat nang ginawa mo sakin!" sigaw niya

"Siguraduhin mo ang mga banta mo sakin , dahil sa oras na maunahan kita..Hindi lang yan ang aabutin mo sakin!" sigaw ko sa kanya

"Sisiguraduhin ko talaga ang pagbagsak mo , wag kang mag alala.."

Susugurin ko sana siya ulit pero agad akong pinigilan ni Ethan.

"Tama na yan.." bulong niya sakin

Huminga naman ako nang malalim at matalim na tiningnan si Eliza..

"Guards , paalisin niyo muna siya.." si Ethan at tiningnan yung dalawa na nasa gilid na ni Eliza

Hahawakan na sana nila si Eliza pero agad itong nag pumiglas..

"Wag niyo akong hawakan!.Kaya ko ang sarili ko.." aniya at matalim muna akong tiningnan bago tumalikod at umalis

Niyakap naman ako ni Ethan sabay bulong na..

"Ang tapang naman ng masungit kong girlfriend.." aniya kaya agad akong nakahinga nang maluwag

Ito na yung simula nang pagbabago nang mundo ko kasama si Ethan..

Ipaglalaban ko siya at hinding hindi ko hahayaang maagaw pa siya nang iba..


My Cold BoyFriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now