Chapter 5 "Who's the lucky girl?"

Começar do início
                                    

"Gwapo sya kaya siguradong MANLOLOKO din sya!"

sabi nya sabay taas ng kamay nya na may hawak na payong. Tinamaan ako sa ulo dahilan para maiyak ako sa sobrang sakit. Lahat yata ng pwersa nya ay nailabas nya. nabukulan yata ako PUTEK!

Agad ako nagpunas ng luha na kusang lumabas dahil sa sakit ng tama ng payong sa ulo ko. Patayo na sana ng makita kong napatingin si Anton sakin. At biglang napakunot ng noo. Tila ba nag iisip kung bakit ako umiiyak. Nagmamadali akong tumayo at tumakbo sa rest room. Ayoko mapahiya sakanya. Baka makita nya yung bukol sa ulo ko HAHA!

Ilang minuto din ang tinagal ko sa loob at nang mahimasmasan ako ay lumabas na ko.

---*---

“huy san ka galing?” tanong ni Ayela.

“Dyan lang” walang gana kong sagot.

“Ang pula ng mata mo, tara nga dito ano ba talaga ngyari?” Pangungulit nya.

“mamaya nalang natin pag usapan” I said.

“osige para mabawasan yang lungkot mo my good news ako sayo.” Mukang Excited sya sa sasabihin nya.

Binigyan ko sya ng (Ano yan look)

***

“ANTON RICO PUEBLO”

“sino sya?”

“Ang lalaking pinapangarap mo :) ANTON RICO PUEBLO ang name nya”

“Not interested” I said.

“huh? Teka sa gwapong to di ka interesado?” Sabay bunot nya ng isang ID sa bulsa nya. 

“galing sya dito kahapon, nalaglag to sa kanya di na namin nahabol kasi madaming customers since regular naman sya dito pede na yan isoli bukas o mamaya pag bumalik sya” paliwanag ni Ayela.

[Ang gwapo nya talaga, napakaswerte ng makakatuluyan nya. Perfect- napaka perfect diba?] eto ang tumatakbo sa mga isip ko sa oras na yun.

Hoy! Malusaw sge na ipa-photo copy muna para may inspirasyon ka” pang aasar pa nya.

“Gaga ka talaga! Wag na, soli muna yan”

“ok. ikaw bahala, walang sisihan ha!”

Sobrang nanlalata ako sa araw na to, tila ba pasan ko ang buong mundo -_- bakit naman ganito :( Hindi kasi mawala sa isip ko yung sinabi nya kanina sa babaeng kausap nya. Para talagang may laman para talang meron syang INAANTAY. parang meron syang NILILIGAWAN :(

(siko-siko-siko-)

“Ayela! Ano ba!?” medyo napalakas kong sigaw sakanya.

“Sorry Yana, ituturo ko lang naman sya sayo e” sbi nya habang nakatingin sa lalaking papasok sa pintuan.

Lumapit sya samin at nag order, umupo sya sa upuan at tila may hinihintay sa paulit-ulit na pagtingin sa wrist watch nya. Pinagmamasdan ko lang sya pero hindi ko pinapahalata.

Ilang saglit pa ay may dumating na babae. Mistisa, matangkad na tila pang model ang makinis at sexy nyang katawan. Sya na kaya? Sya kaya ang babaeng tinutukoy nya kanina. Pinilit kong iiwas ang aking mga mata sakanila ngunit hindi ko maipihit ang aking ulo. Walang reaksyon ang aking muka pero kitang-kita saking mga mata ang hapdi na makita syang may kasamang iba. Nag excuse ako at tumakbo tungo sa comfort room.

"6O Seconds I Fell In Love"Onde histórias criam vida. Descubra agora