Chapter 25 "I'm afraid"

151 2 2
                                    


Chapter 25

"I'm afraid to lose you"

- I'm afraid that if there's someone else catches your attention more, you'll forget about me, then ignore me and the worst is replace me.

Sheena's POV

"only know you love him when you let him go"

It's too late to realize that I'm in love with my best friend. Yes I am.

Pinigilan ko naman, umiwas, nagtago, at pinilit na mawala yung nararamdaman ko. Pero parang multo yung feelings bigla nalang sumusulpot, ginugulat ka at tinatakot pero hindi mo malabanan kasi hindi mo mahawakan.

Gusto kong piliin kung san kami mas magtatagal.

Pero tila nagkamali ako, hindi ko rin alam na mag iiwasan kami na parang hindi kami nagkasama ng ilang taon.

Lagi kong iniisip na mas ok na to kesa naman ilabas ko yung tunay kong nararamdaman para sa kanya at sa huli ako rin yung talo pag umiwas sya.

Hindi ko alam yung rason kung bakit kami hindi nag uusap.

Dahil ba na fall na sya?

Or dahil ba may Boyfriend na ko na pwedeng magalit kapag nanatili kaming close.

Sana na fall nalang sya kaso napaka imposible. Kapatid na kasi ang turing nya sakin.

Minsan gusto ko magsisi na sinagot ko si Raver. Kasi mas napatunayan ko lang na MAHAL ko si Charles nung lumayo na sya sakin.

Araw-araw akong pinapatay ng luha sa mga mata ko sa tuwing naiisip ko na wala na sya. Wala na yung taong nagiging sandigan ko.

Ang hirap palang mabuhay na wala na yung mga nakasanayan mo.

Pano ko magiging masaya sa piling ng iba kung may taong patuloy na tumatakbo sa isip ko.

Sa tuwing nakikita ko sya na may kasamang iba parang gusto kong mawala sa sitwasyon, parang gusto kong tumakbo at magpakalayo-layo. Pero patuloy akong hinahabol nang katotohanang masaya na sya na wala ako. Na kailangan ko naring maging masaya para sakanya.

--

*beep*

Message from Raver:

"Where are you?"

Hindi na ko nagreply at natulog na lang. Napaka unfair ko sakanya, pero hindi ko alam pano aamining wala na talaga kong nararamdaman para sakanya.

Mag kaiba pala yung MAHAL mo sa CRUSH mo lang.

Crush ko si Raver, totoo. Akala ko talaga sya yung gusto ko makasama pagtanda ko. Pero bakit nung mawala si Charles sakin mas napatunayan ko na mas kailangan ko sya, na sya talaga yung MAHAL ko.

Ngayon pa na wala na sya sakin, ngayon pa na may mahal na sya.

Binitiwan ko yung taong nagbibigay lakas loob sakin kapag gusto ko ng sumuko sa pagsubok ng buhay.

Napaka TANGA ko nga siguro.

Pano ko bibitaw kay Raver, pano ko sasaktan yung taong walang ibang ginawa kundi pasayahin ako :'(

...


Yana Charmaine Dizon's POV

Nasa hapag kainan kami, at tahimik ang lahat. Pinipilit ko ang sarili ko na lunukin ang pagkain para hindi ako mapagalitan ni Dad.

"Charles"

Pagbasag ni dad sa katahimikan.

"Yes po?"

"6O Seconds I Fell In Love"Where stories live. Discover now