chapter 14 part 1

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pasensya na po Nanay Flor. Hindi ko napansin ang oras. Hindi ko kasi nararamdaman ang gutom. Paki lagay na lang po dyan yung pagkain."

Inilapag ni Nanay flor yung tray sa side table.

"Wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo dahil sa mga nangyari. Tignan mo at ang tamlay-tamlay mo na, ang putla putla mo pa!"

"Hindi ko naman po talaga pinababayaan ang sarili ko... nakakalimutan ko lang po talagang kumain."

Para hindi na mag-alala si Nanay Flor ay sumubo ako ng pagkain na dala nya... pero wala talaga akong gana. Mukhang wala rin sa mood ang taste buds ko at hindi maganda ang panlasa ko.

"Nanay Flor, wala talaga akong gana. Pero promise, mamaya talaga kapag ginutom ako uubusin ko po iyon."

"Itong mga gamot mo, nakalimutan mo na namang inumin. "

"Naku! oo nga pala! "

Inabot ko ang mga gamot at madali ko itong ininom.

"Teka iha, hindi ba masama yan at wala na sa oras?"

"Ummmm hindi ko po alam e. at least po nainom."

"O sige, mas ikaw naman ang nakakaalam nyan. basta, siguraduhin mong ubos mamaya ang pagkain mo pagkuha ko ng tray. "

"opo. Subukan ko pong ubusin."

Kinuha na ni Nanay flor ang isa pang tray at lumabas na sya.

Sinubukan ko ulit sumubo... pero ang sama talaga ng pansala ko. It taste like sand paper! No offense kay Nanay Flor. Sobrang sarap nyang magluto at ang mga dinadala nya ay talagang paborito ko. So I guess, the problem is in me.

Since wala na talag akong gana kumain ay ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pagsusulat ko. Nalibang ulit ako sa ginagawa ko hanggang sa may naramdaman akong init na dumaloy mula sa ilong ko at pumatak ito sa notebook na sinusulatan ko!

DUGO!

Dali-dali akong pumunta sa banyo at pinatulo ko ng pinatulo ang dugo... Pinunas-punasan ko ang noo at batok ko para malamigan ang ulo ko. Maya-maya pa ay huminto na ito at nakahinga ako ng maluwag.

Mainit lang siguro kaya dumugo ang ilong ko. Lumapit ako sa aircon at tinodo ko ang temperature nito. Itinapat ko ang mukha ko sa labasan ng hangin at ramdam na ramdam ko ang lamig na ibinubuga nito. pero hindi ako dapat magpalamig ng todo, baka dumugo na naman... too much cold and too much heat will make me bleed. I've experienced that when I was a kid, kaya sanay na rin ako sa ganito.

Pero wait lang, matagal ng hindi nangyayari sa kin to a. So why am I bleeding now?!

AIR

"Jazzy, C'mon. Help me out here!"

Nakipag-meet ako sa pinsan ni Kyle, at nandito ako ngayon asa bahay nila at nakikiusap kung pwede ko syang ipang-front sa magulang ni Kyle.

Pagkatapos ng impromptu date namin ay hindi ko na sya nakausap. Patay ang cellphone nya. Offline din sya sa chat. Hindi nya sinasagot ang mga PM ko. Noong pinuntahan ko naman sya sa bahay nila ay hindi man lang ako binuksan ang pinto.

"E kung ako nga ban din sa bahay nila."

"E si Lola Madam nasan ba?"

Alam kong pabor sa akin si Lola Madam

"Kung nandito lang talaga si Lola, mapapaliwanagan nya ng husto si Tita. E kaso noong araw din na na-ground si Kyle, nataon naman na tinangay sya ng mga amiga nya sa tagaygay at hanggang ngayon ay nag-ha-happy happy pa rin!"

"Gusto ko lang naman makita si Kyle. Mas mabuti nga kung makilala ko ang magulang nya para maipaliwanag ko naman ang mga nangyari."

"Sayang ang kagqpuhan mo kung haharap ka sa dragon. Bumubuga ng apoy yon!" 

Natahimik ako sandali, and I gave her my persuasive stare. 

"Pahupain mo na lang muna. Magbilang ka ng 100 days, siguradong kalmado na ang nanay non."

"Ok sige, kung ayaw mo akong samahan, ako na lang mag-isang pupunta don. Whether salubungin ako ng apoy or what, I don't care. Gusto lang naman kitang isama dahil gusto kong ikaw ang magpakilala sa akin sa magulang nya. I just have to see her, and I’ll do this with or without you."

Palabas na ako ng bahay ng pigilan nya ako. 

"ARRRGggg.. naman e! O sige na! Sasamahan na kita. Nakuuu! kung hindi lang kita mahal.. Paki ko sa yo!" 

"Thanks Jazzy, I'll make it up to you." 

"Wha'ts new! Bagay nga kayo ni Kyle, pareho kayo palagi ng linya!" 

Kyle

Iwinagwag ko ang kamay ko dahil sobrang nangangawit na ito. Ang sakit na rin nito dahil ilang araw na rin akong dire-diretso sa pagsusulat. Ang hirap maging writer noon unang panahon! At least nga ito ballpen ang ginagamit ko, e si Jose Rizal, feather! Ilang years kaya sya natapos sa Noli Me Tangere? Oh well, I don't want to know. 

Ibinaba ko muna ang notebook na pinagsusulatan ko at bumangon ako para mag-stretch. Tinignan ko ang relo, lumipas na naman ang oras ng hindi ko namamalayan. Mag-a-alas-dose na naman pala. Pahikab na ako nang mapansin ko na parang may tumamang bato sa glass door ng terrace.

Huh? Saan galing yon? Hindi pinansin, baka may naligaw na bato lang. Pero naulit na naman noong papasok ako sa banyo at nasundan ulit lumipas lang ang ilang segundo.

Anong meron?

Out of curiosity, binuksan ko ang terrace at lumabas ako at laking gulat ko sa nakita ko!

“Hello Breathe, I miss you… This one’s for you.”

Sa may kalye ay may nakapark na truck at doon ay nakaset-up ang banda ni Air , kuntodo ang sound system and everything!  He smiled at me then they started to play…

OH.MY.GOSH!

The AIR i BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon