Chapter 1

74 1 0
                                    

Napabalikwas ako ng gising dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko.

"Hello?"

Kahit tatlong oras lang akong nakatulog kailangan kong sagutin lahat ng tawag sa akin dahil lahat ng tawag para sa akin ay importante lalo na sa klase ng trabaho ko. 

"Cecilia Marie! Kailan ka uuwi at pagkahanggang ngayon hindi mo pa rin kami binibisita ng Daddy mo?, bungad ni Mommy sa akin.

After graduating Hotel and Restaurant Management lumuwas agad ako ng Manila para maghanap ng trabaho. I ended up as an assistant Wedding Coordinator sa isang kilalang hotel and now I got promoted as the Wedding Coordinator. Sa dami ng nagpapabook sa akin nahihirapan talaga akong bisitahin ang pamilya ko sa probinsya. Hindi naman kailangan ako'y magtrabaho kasi malaki naman ang lupain namin sa probinsya na natatamnan ng mga iba't ibang gulay at prutas na inaangakat sa ibang siyudad at maging sa karatig bansa.

"Ma, siguro next month na talaga ako makakauwi kasi busy ako ngayon." June na kasi kaya maraming nagpabook. Hindi ko basta basta maiwan lang sa assistant ko ang trabaho. 

"Sige, hihintayin ka namin next month.Tawagan mo kami kung kailan ka dadating at ng masundo ka. Tawagan mo na rin ang Kuya Arnold mo kasi malapit ng manganak yung asawa niya, hindi mo man lang kinukumusta yung manugang mo.'

Alam kong nagtatampo na talaga ang pamilya ko sa akin. Hindi ko lang talaga maiwasan na hindi sila macontact kasi nag-eenjoy ako masyado sa buhay ko ngayon lalo na at matagal-tagal ko na ring pinapangarap ang manirahan mag-isa. Hindi naman sa ayaw ko sa pamilya ko, mahal na mahal nila ako at hindi nila ako pinagbabawalan pero pinangarap ko kasi yung buhay na independent sa lahat ng bagay.

"Sige ma, tatawagan ko sila tonight. Kailangan ko ng maghanda para  sa appointments ko today. I love you, Ma. Kayo ni Papa. Mag-iingat kayo!"

"Sige, anak. Mag-iingat ka din jan." Paalam ni Mama sa akin.

Napatingin ako sa relo sa dingding at alas 6:00 na pala ng umaga. Kailangan ko ng maghanda at matraffic pa naman ngayon. Anak ng isang Senador ang ikakasal ngayon kaya kailangan perfect ang lahat. 

Kailan naman kaya ako ikakasal?, napaisip ako habang nagbababyahe ako papuntang venue.

Hindi pa kasi nagpropose si Alex. Sa tatlong taon namin together, hindi man lang namin napag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa. Busy din kasi siya sa company nila. Mahirap siguro talaga ang maging COO kasi minsan nawawalan na rin siya ng oras para sa akin. Hindi naman ako masyadong makapagreklamo kasi ako man din ay busy sa trabaho ko.

Naisip ko na tawagan si Alex.

"Hello, babe! Good morning!"

It's very unlikely for me to do such thing as like this but I really want to make this relationship work out.

"Hello, sweetheart! Napatawag ka yata?" sagot naman niya.

"Namimiss kasi kita eh. Kailan ka ba available at ng makagala naman tayo?", tanong ko sa kanya.

"Sweetheart, hindi ako pwede this week kasi maraming investors na dadating from London. Naiintindihan mo naman diba ang sitwasyon ko?" naririnig ko na napabuntong hininga siya.

"Oo naman! Basta tawagan mo na lang ako kung available ka ha at ng maclear ko yung schedule ko", nanlulumong sabi ko sa kanya.

"I will sweetheart! SIge tatawagan na lang kita, okey? Bye!" Hindi man lang ako nakasagot at binabaan na niya agad ako.

Ganito kami palagi ni Alex. Minsan naitatanong ko sa sarili ko kung tama ba na ipagpatuloy na lang itong relasyon namin. Minsan nakakabored din na may boyfriend ka nga tapos hindi mo naman kasakasama. Nameet ko si Alex 4 years ago from a mutual friend. Ended up as textmate until nagdadate na kami. Sweet naman siya sa akin noon. Palagi nga niya akong sinusurprise hanggang sa I fell in love with him. But lately it's different. I don't feel like he is the same anymore. Siguro dahil matagal na kami kaya at ease na siya sa akin. But I want more. I want marriage. I want kids. I want assurance. I am already 25, successful and I want more for my life. Napapabuntong hininga na lang ako sa naaisip ko. Maybe I should propose to him instead? Marami na naman ngayon ang siya nagpopropose sa partners nila. It's freakin' 21st century. Women can do anything and shouldn't be judge because they are bold. Napatawa na lang ako sa naisip ko.

Then There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon