Chapter 3

20 1 0
                                    

Chapter 3

Ipinarada ko ang sasakyan kong BMW sa harapan ng bahay ng kuya ko. Hindi na kasi ako tinigilan ni Mama na kontakin yung Kuya ko kaya binisita ko na lang sila. Hindi naman malayo yung bahay nila sa condo na tinutuluyan ko kaya mabuti na rin itong makita ko si Ate Elvie at si Kuya. "Kuya! Ate Elvie! Wohoo andito na ako!", sigaw ko papasok ng bahay pagkatapos akong pagbuksan ng maid. "Oi, Cece napadalaw ka? Anong nakain mo at naalala mo kami?" tumatawang niyakap ako ng Kuya ko. "Naman, ito na nga at dumadalaw, nanunukso pa. May dala pala akong mangga, santol, bayabas at balimbing. Maganda ito para sa mga buntis, diba mahilig ang buntis ng mga maaasim? Saan pala si Ate Elvie?" ratsada ko sa Kuya ko."Wow ha thoughtful naman masyado itong si Cecilia, may kailang ka ba at ang bait mo ata ngayon?, kulit ni Kuya sa akin. Lumabas naman si Ate Elvie galing sa kusina. "Ate Elvie, si Kuya o, inaaway ako." sumbong ko sa SIL ko habang binibigay ko sa kanya yung mga dala ko. "Babe, huwag mo namang niluluko itong kapatid mo, miminsan na nga lang yan bumisita sa atin, baka magtampo yan, hindi na talaga tayo kakausapin nito." tatawa tawa namang sabi ng SIL ko. Hindi talaga ako mananalo sa Kuya ko, back up palagi tong asawa niya sa kalokohan.

"Ate, kamustang pagbubuntis mo?" Ano bang baby mo, babae or lalaki?" excited kong tanong. First pamangkin ko ito kaya excited na excited ako. "HIndi pa kami nagpunta sa OBGYN namin kaya hindi pa namin alam ang gender ni baby pero kapag nalaman namin, tatawagan ka namin agad. Nasa 2nd trimester na ako kaya hindi na gaanong mahirap unlike nung 1st trimester nahihirapan ako lalo at nagliiihi ako that time."  sabi niya habang hawak hawak niya yung kamay ng Kuya ko. Magkatabi kasi sila sa loveseat tapos nasa harapan nila ako habang kumakain ng santol. 

Gusto ko rin ng ganito katulad nila. Masyadong sweet na malapit ng langgamin. Nakikita ko kasi kung gaano nila ka mahal ang isa't-isa. Sana ganito din si Alex sa akin. Namiss ko tuloy siya. Kaya nagpaalam na lang ako sa kanila para bisistahin si Alex sa office niya. Alas 2:00 pa naman ng hapon kaya marami pa akong oras para makapagready.

Then There's YouWhere stories live. Discover now