Chapter 11: Heroic

Magsimula sa umpisa
                                    

And may I just point it out that I have his hoodie on again! Kapapahiram niya nito sakin hindi ko na 'to maisasauli. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang niyang dala 'to at kung bakit naman lagi kaming nabibigyan ng pagkakataon para ipahiram na naman niya sa akin 'to.

"Shit."

Napalingon ako sa kaniya at sinundan ko ang tingin niya na humantong sa TV kung saan nagsimula na ang palabas. Napatawa ako nang makita ko na hindi ang inaasahan kong pinili niya ang pinapalabas ngayon. "May pinagdadaanan ka ba, Archer?"

"What?" he asked, confused. His eyes surveying the movie in front of us. Mga bata ang artista no'n kung saan obvious na na hindi nahaluan man ng action o romance man lang ang palabas. It's a family movie. "I just randomly pulled out a movie from your cabinet."

"Bridge of Terabithia 'yan." sabi ko at tinapik-tapik ko pa ang balikat niya. "Kaya mo 'yan."

He plopped down on the sofa and crossed his arms. Hindi naman na siya nagreklamo at tahimik na lang na nanood. As the movie continued, I found myself getting engrossed to the story again. Matagal na mula nang huli ko 'tong mapanood. But still, the way the movie was executed is still so captivating. Para sa isang family movie, ang ganda talaga ng cinematography niya. The exaggeration of the effects were a perfect fit for the tone of the flow of the movie.

"This is so much better than your Netflix and Chill. Movie and Chill, o ha?" sabi ko sa mahinang boses para hindi matabunan ng boses ko ang tunog na nangagaling sa telebisyon.

I felt Archer moved a bit towards me and whispered as we watch the movie, "Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng Netflix and Chill?"

Sandaling naagaw ang atensyon ko mula kay Jess at Leslie, mga karakter sa palabas, at tumingin ako sa kaniya. Mukha bang hindi ko alam ang meaning no'n? I might not be familiar with a lot of internet lingo nowadays but I still know the basic. "Duh. Do I look like I live in a different millennium? Netflix and Chill, manood ng Netflix at mag-relax lang. Basic."

Sa pagtataka ko ay bigla siyang tumawa at naiiling na inilabas ang cellphone niya. Tumipa siya roon at natatawa paring ibinigay sa akin 'yon pagkaraan. Nagtataka man ay kinuha ko sa kaniya ang phone at binasa ko ang nasa search result niya.

Netflix and Chill: A phrase that means to watch Netflix with a romantic prospect with the expectation of sexual activity. This phrase is a euphemism for sex in the modern lingo.

Halos ibato ko sa kaniya ang cellphone pagkatapos kong basahin iyon. Mabuti na lang nasalo niya 'yon kundi paniguradong wasak na at nagkapirapiraso ang aparato na 'yon.

"Mga pauso niyong mga manyak!" mahinang asik ko sa kaniya na para bang may iba pa kaming taong maiistorbo sa kaingayan naming dalawa.

"Ba't ako nadamay? Sa 'yan ang meaning niyan talaga."

Mga tao nga naman. Porke uso dapat iyon na ang paniwalaan? Kaya ang daming napapariwarang tao sa mundo eh. Kailan pa naging tama basta marami ang naniniwala? A right is a right. Not just because a lot of people think so.

"Netflix is an online platform or application that wants to lead the online entertainment industry. It was created by Netflix Inc., with the aim to provide media services. Chill on the other hand means cold. But nowadays people uses it as a slang for relaxing. So paano na-sexualize ang walang kamuang-muang na bagay?"

Nanatili siyang nakatingin sa akin nang matapos ko ang mahaba kong litanya. Titig na titig siya sa akin na para bang pilit niyang iniisip kung saang planeta ako galing sa mga pinagsasabi ko sa kaniya. Pagkaraan ay tila sumusukong tinulak niya na lang ang ulo ko para humarap ako sa TV pero hinataw ko lang ang kamay niya at tinignan ko siya ng masama.

BHO CAMP #7: The MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon