MAGKAIBIGAN (one shot)

142 2 1
                                    

"ANG KULIT KULIT MO TALAGA! LOLLIPOP KO YAN EH -________-"

"EH FAVORITE KO DIN YUNG RED EH! CUTE NAMAN AKO KAYA OK LANG! :P"

Hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti tuwing maiisip ko ang pangalan niya. Ang unang kaibigan ko. Ang napakakulit na bata pero masayang kasama. Conceited, mahilig mang-asar at laging nakangiti.

Five years old kami nang magkakilala. Pareho kami ng pinapasukan na school noong Nursery at Kinder dito sa probinsya. Siya ang lagi kong kausap, kalaro at kaasaran.

Magkaibigan din ang mga magulang namin. Minsan ay pumupunta sila sa bahay namin kaya nakakapaglaro kami. Ako nga pala si Aya at ang kaibigan na tinutukoy ko ay si Klyde. Ewan ko kung bakit, pero iba ang saya na dala niya sa akin. Kahit siya lang ang kaibigan ko, okay na ako.

Pero sabi nga nila, walang perfect. Pagkatapos ng Graduation namin noong Kinder, kinausap niya ako.

"Aya ... Aalis na kami."

"Saan kayo pupunta?"

"Sabi ni Mama sa Maynila daw. Dun na daw ako papasok eh."

"Ha? Malayo ba yun? Paano na tayo maglalaro?"

"Hindi ko alam ... Pero dapat mag-aaral pa din tayo ng mabuti ha."

"Huhuhu :'( Ang daya daya mo naman eh! Akala ko ba friends tayo?!"

"Oo nga. Friends tayo."

"Eh bakit iiwanan mo ako?"

"Basta pangako ko sa'yo magkikita ulit tayo. Dito. Dito sa lugar na 'to."

Iyon ang mga huling salitang narinig ko mula sa kanya.

Marami nang taon ang lumipas. Nakapagtapos na ako sa elementary at high school. Marami akong naging kaibigan. Umibig na rin akong minsan.

Tama sila. Nakakatanga ang pag-ibig. Kahit nasasaktan ka na, go ka pa rin. Nakakalimutan mo ang sarili mo. Oo, naranasan ko yun. Masakit, malungkot at nakakabaliw. Pero bago yun, masaya naman. Yung saya na akala mo hindi na matatapos.

College na ako ngayon. Dito pa rin sa probinsya dahil ayaw ko ng malayo.Masaya na mahirap. Nadagdagan ang mga kaibigan ko. Biglang lumaki ang mundong ginagalawan ko. Sumali ako sa iba't ibang organizations sa school. Siguro iyon ang paraan para makalimot ako sa mga pain na naranasan ko.

Madalas na akong nakangiti. Marunong na akong makisama sa mas maraming tao. Nagbago ako.  Naging better. Pero kahit ang saya ko, pakiramdam ko may kulang. Hindi ko malaman kung ano.

Minsan tulala ako. Tulad ngayon, nandito lang ako sa kwarto ko. Nakatanaw sa bintana. Sembreak ngayon. Kakatapos lang ng 1st sem namin sa 2nd year. Wala masyadong ginagawa ngayon.

Tok!Tok!Tok!

"Anak ...", pumasok ang Mommy sa kwarto ko.

"Bakit po?"

"Ayusin mo ang mga cabinet mo dito ... yung mga hindi mo na kailangan, ilagay mo sa box at ipamimigay na natin."

"Ah sige po ..."

Nagsimula akong mag-ayos ng mga gamit. Nakakatuwang makita ang mga lumang bagay na nandito.

Mga scrapbook ko nung highschool. Syempre itatago ko ito. Mga larawan na kasama ko si Kyo (ex ko) na alam kong dapat ko nang alisin dito. Mga love letters, balat ng candy at marami pang iba.

Sa sumunod na cabinet ay mga certificates, awards and medals ko naman. Napangiti ako. Ganito pala ako kasipag mag-aral. Hindi ko alam pero bukod sa pamilya ako, may isang feeling sa puso ko na nagtutulak sa akin na gawin yung best ko sa pag-aaral. Kung ano man yun ... salamat. ^_^

Kung anu-anong gamit ang nakuha ko. Mga lumang damit, sapatos at bag. Sa ilalim ng mga damit, may isang kahon akong nakuha. Nasa loob nito ang tatlong larawan.

Sa unang larawan ay naroon ako, si Daddy at si Mommy. Kuha ito nung Kinder graduation ko.

Sa pangalawang larawan ay solo ko na may mga medals na nakasabit. Nakakatuwang balikan. Ang bata bata ko pa. Sa totoo lang, nakalimutan ko na ang mga nangyari noong bata ako. Halos wala akong maalala. Sa dami na rin siguro ng nangyari sa akin.

Sa pangatlong larawan ay ako kasama ang isang batang lalaki. Tinitigan ko ito ng matagal. Nakangiti kami pareho sa larawan. Yung ngiti na natural. Yung parang ang saya lang talaga. Tapos nagbilang ako ... 12 years. Ang mga larawan na ito ay 12 years ago na.

"Ang tagal na rin pala ...", nasabi ko sa sarili ko.

Tinapos ko na ang pag-aayos sa kwarto ko. Lumabas ako at nagpaalam kay Mommy ...

"Mommy, lalabas lang po muna ako. Magpapahangin. Bibili na rin po ng meryenda ko." ^___^

"Sige. Ingat ka."

Naglakad lakad ako. Tumigil muna ako sa may tindahan.

"Ale, dalawang lollipop nga po. Yung kulay red."

Naglakad na ulit ako pagkabili ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinayaan ko nalang ang mga paa ko.

Ilang sandali ay nagulat ako. Natigil ako sa kinatatayuan ko. Bakit dito ako dinala ng mga paa ko?

Sa paaralan ko nung Kinder pa ako. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Walang pinagbago. Maraming mga bata ang naglalaro. Uwian na kasi nila pag tanghali. Naghihintay nalang sila ng mga sundo nila.

"Syempre friends tayo!"

"Oo syempre!" , usapan ng dalawang bata dito.

Ilang sandali lang ay isa isa na silang umuwi kasama ang mga sundo nila.

Naglakad lakad muna ako dito. Malakas ang ihip ng hangin. Maaliwalas dito. Nakakatanggal ng problema.

Bawat lugar dito, may naaalala ako. Ngayon bumabalik lahat ng nangyari dito. Bakit ko nga ba nakalimutan ito? Bakit ngayon ko lang naisip na sa lahat ng problemang pinagdaanan ko, may matatakbuhan ako? Isang lugar na alam kong totoo. Isang lugar na alam kong mababalikan ko.

Pumunta ako sa may labas ng Chapel at naupo. Kinuha ko ang isang lollipop sa bulsa ko at kinain ko ito. Pakiramdam ko bata ulit ako. Laging masaya at ang tanging problema ay umisip ng laro at kung paano ito lalaruin.

Ang sarap maging bata. Bakit ba hinihiling ko dati na sana lumaki na agad ako? Tapos ngayon, gusto ko bata ulit ako. Ang gulo lang.

"WOW! RED NA LOLLIPOP!"

O____O S-sino yun? Wala na namang tao dito ah.

Tumingin ako sa paligid. Wala naman. Hmp! Bumalik nalang ulit ako sa pag-enjoy sa lollipop ko.

Maya-maya, may naramdaman akong umupo sa tabi ko.

"Sabi ko naman sa'yo eh. Magkikita ulit tayo dito. Pahingi nga nyan!"

Napangiti nalang ako. ^___^

~END.~

MAGKAIBIGAN (one shot)Where stories live. Discover now