Napairap ako, hindi ko sila magets.

"Ano'ng class mo ngayon, Daphne?" Tanong n'ya dun sa Daphne.

"Trigo," Agad na sagot n'ya habang sinasabit ang bag sa balikat.

"Kung bakit kasi nagshift ka ng course. Diba ang usapan natin photography ang kukunin natin? ECE is so hirap!"

"Because of Drei, of course! Huwag ka na mag magaling d'yan Cyril. Look at you, hindi ba kaya ka lang nag-photography e dahil nandoon si Zindel? Don't play innocent, okay? As if you're not doing anything stupid like this."

"Oh no!"

"She didn't say that.."

"Oh yes she just did!"

"O-of course not! How dare you, Daphne! Why are you making us your emotional punching bag?!"

"Will you all shut up for once! Don't get me started, Reina, wait! I'm gonna be late! We should go. I'll see you girls later after class. I'll try to talk to Drei again.." She said.

Tumigil sila dahil sa pag sigaw nung Daphne, halatang gigil na gigil pa rin pero wala silang nagawa kung hindi ang tumahimik.

Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata ko nang makita ko'ng 7:50 na. Nataranta ako kaya naman nagmadali akong hanapin ang department of Engineering. Pero, napangisi ako bigla.

Mukhang sinuswerte naman ako dahil nakita ko na naman ang hambog na lalaking 'yon. Si Dreigan Herrera. Lumaki lalo ang ngisi sa aking mukha. Mukhang pwede naman kaming maging friends. Naglalakad s'ya sa hallway mag-isa at patingin-tingin din sa wrist watch n'ya. Naisip ko s'yang sundan dahil iisa lang ang department namin. Engineering din s'ya, nakita ko kasi ang ID n'ya kanina.

Nilagpasan n'ya ang parking lot at may kinausap na lalaking nakasakay sa blue na Ferrari. Wait ha! 'Yung lalaki na nakasakay sa kotse parang familiar. I think I've seen him somewhere. Taas taas ang buhok niya at naka black shirt, may hikaw din siya sa kaliwang tainga. Itsura pa lang ng lalaking 'yon mukhang puro kalokohan na ang alam gawin. Para kasing inaaya niya si Dreigan na huwag ng pumasok. Mukhang nagpipilitan pa kasi sila.

Hinintay ko s'ya at palihim na sinundan. Noong nasa building na kami ng Engineering, biglang bumilis ang paglalakad n'ya kaya naman mas binilisan ko rin ang lakad ko. Ang hahaba ng legs n'ya kaya isang hakbang n'ya siguro dalawang hakbang na sa akin. Ang laking tao kasi.

"Why are you following me?" Bigla n'yang tanong kahit nakatalikod pa rin. Huminto s'ya kaya napahinto rin ako. Patay! Baka kung ano pa naman isipin nito.

Nataranta na naman ako kaya nagtangka akong magtago pero bigla s'yang humarap sa akin. Shet talaga. Nakakunot ang noo n'ya, mukhang seryoso at galit sa mundo na hindi mo maintindihan. Napatingin ako sa kanyang buhok na mukhang sinabunutan sa gulo, ang sarap sabunutan ulit. Nakakainis! Pinag-krus n'ya ang kanyang kamay at tinaasan ako ng kilay. Hinihintay niya ang sagot ko.

"Na.." Umurong ang dila ko, nilagay ko ang kamay ko sa likod at napayuko. "Naliligaw ako." Sinulyapan ko s'ya. Nakita ko'ng nag taas baba ang adam's apple n'ya na tila ba may iniisip na gawin. Mga ilang segundo ng katahimikan bago s'ya biglang naglakad ng mabilis papunta sa akin. Bigla n'ya ako'ng hinablot sa braso.

Pero teka, para bang napipilitan? Narinig ko ang ilang beses n'yang pagmumura pati na rin ang pagbuntong hininga. Gago 'to ah, ako ba minumura n'ya?

Kinaladkad n'ya ako na parang walang pakialam kahit na madapa ako, walang patawad. Buti na lang at hindi kami nag hagdan. Narating namin ang elevator ng building at saktong kami lang dalawa ang nasa loob. Marahas ang pagkakabitaw niya sa braso ko noong nasa loob na kami. Padabog n'yang pinindot ang number 4, tinignan n'ya ako ng masama at bumaba ang tingin n'ya, pababa ng pababa. Natakot ako dahil bigla s'yang gumalaw papalapit sa akin. Tinakpan ko ang aking katawan gamit ang mga braso ko .

A Herrera's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon