"Sinong bodyguard? Wala akong napapansin na bagong tao sa bahay," saad ko dito.

"Kasi bukas pa magsisimula ang bodyguard, anak," natatawang saad ni Tatay Tonyo.

Edi ako na ang eksayment, hahaha.

"Pero bakit nga ba nasiraan kayo noong Sabado?" muling tanong ko dito.

"Hindi ko nga din alam anak eh. Napatingnan na naman iyong sasakyan sa casa. Full tank din iyon pero nang patingnan ko ulit noong araw na iyon para malaman ang problema, ang sabi, naubusan daw ng gas. Wala namang bakas na binutasan o sinira sa mga makina o kung ano pa man."

"That's weird," mahinang komento ko at hinarap si Tatay. "Tay, next time turuan mo ako pano mag-ayos ng makina ng kotse ha? Alam ko ang mga basic at parts niyon pero hindi ko talaga alam magtrouble shooting eh."

Kumislap lamang ang mga mata ni Tatay sa amusement.

"Kakaiba talaga ang mga hilig mong bata ka. Dinaig mo pa mga pinsan mong lalaki eh," naiiling pang saad nito.

***

Sa wakas ay nakarating kami sa isang... Mansyon.

An extraordinary fountain greeted us pagkapasok na pagkapasok pa lang ng sasakyan sa gate ng bahay. Malayo layo pa nga iyon ngunit kitang-kita mo ang disenyo dahil hindi biro ang laki at istilo ng naturang fountain.

That must be more than 10 feet.

I have no idea what a typical mansion looks like— aside from the fact that a mansion should be a large, impressively exquisite house— but I'm sure as hell that what I'm facing was a modern version of a mansion, kung meron ngang traditional version, hahaha.

It was a five story residential property. Hindi mo siya masasabing building dahil talagang bahay siya, sobrang laki lang. At masyadong nakakalula.

I kept surveying the place, sa kawalan ng magawa. And okay, curiousity strikes me somehow.

Kung space din lang ang kailangan mo, pwede kang magtayo ng amusement park dun pag binagot ka sa milyones mo lalo't bago mo marating ang main door ng bahay ay kailangan pang magdrive mula sa gate. Hihingalin kakalakad ang sinumang gustong magwalkathon sa kasagsagan ng kasikatan ng araw sa layo ng gate sa main door ng mismong bahay.

Naka-convoy ang kotseng dala namin sa isa sa mga kotse ng mga Kwok para idirekta kami sa mismong entrada ng main door ng mansyon. Nang makarating kami doon ay halatang nakaabang na ang taong sadya ko ng araw na iyon.

"You must be starving, Siobe. Gusto mo bang kumain muna tayo ng lunch?" bungad nito nang pagbuksan ako ng isa sa mga tauhan niya.

Napatingin ako sa gear sa kamay ko, it was just 10:30 in the morning.

Miss Astig 2Where stories live. Discover now