Chapter Twenty Nine

ابدأ من البداية
                                    



“Hindi na nga kita nasundo hindi pa kita pwedeng ihatid. Ano ba naman yan…” Angal ni Ralph. Natawa naman si Noneen. Ang cute lang ni Ralph :”>



“Pasensya na talaga. Eh kasi gusto ni Lolo hatid sundo ako ngayon.” Sabi ni Noneen. Tumango na lang si Ralph tsaka ngumiti sa kanya.



“Sige ingat ka na lang.” Ngumiti si Noneen.



“Ikaw din.” Tsaka umalis na si Ralph at pumunta na sa kotse nito. Dumiretso naman si Noneen papunta sa kabilang parking lot. Dahil nga sabi sa text ni Lawrence dun daw siya ngapark. As usual, dapat tago. Baka may makakita nanaman.



Nang makalapit na si Noneen sa kotse ni Lawrence nakita niya itong naglalaro sa cellphone niya. Tiningnan niya ang suot nito. Kaso nakapang normal na outfit lang naman eh. Aishhh!! Ba’t naiisip niya si Lawrence yun ha?



Kasi gusto niya.



Hindi! Hindi pwede! Napailing na lang siya tsaka binuksan ang pinto sa tabi ng driver’s seat at tsaka pumasok at naupo.



“Kamusta?” Tanong ni Lawrence sa kanya. Napatingin naman siya dito. Eto litong lito, gusto sana niya isagot. Kaso as if naman maiintindihan siya nito.



“Masaya…nakakapagod.” Ngumiti si Noneen. Hindi na nagsalita si Lawrence at tsaka pinaandar ang kotse at nagsimulang magdrive. Tahimik lang sila sa biyahe hanggang makauwi ng bahay.



“Oh hija! Kamusta naman ang ball nyo? Masaya ba?” Bungad ni Manang pagpasok ni Noneen. Ngumiti naman ito tsaka tumango.



“Opo Masaya naman. Nakakapagod nga lang.” Sagot nito.



“Nako, eh magpahinga ka na. Bukas mo na lang ako kwentuhan.” Sabi ni Manang. Tumango naman si Noneen. Napatingin naman siya kay Lawrence na nakaupo sa sofa.



“Lawrence.” Tawag niya dito. Lumingon naman ito sa kanya.



“Ano?” Supladong tanong nito. Tch, kahit kelan talaga pag gurang no.



“Hindi ka ba talaga pumunta kanina?” Tanong nito. Makulit na kung makulit pero hindi niya mapigilan magtanong eh. Para ba kasing may nagsasabi sa kanyang kelangan niyang tanungin ulit ito. Hindi kasi maalis sa isip niya na baka si Lawrence yung lalaki kanina. Assuming na kung assuming. Eh sa yun ang nafeel nya eh!



“How many times to I have to tell you I didn’t go? Paulit-ulit ka naman no. Nakita mo ba ako dun ha?” Sagot ni Lawrence.



“P-pero kasi…” Nagkatinginan sila. “Nevermind.” Dugtong ni Noneen. Hindi, baka nga talaga hindi siya yun. Tsk, ba’t ba kasi si Lawrence ang naiisip niya. Ano ba naman to! Siguro pagod lang talaga siya.



“Sige akyat na ako.” Matamlay na sabi ni Noneen tsaka umakyat papunta sa kwarto niya. Sinundan lang siya ng tingin ni Lawrence. Napabuntong hininga na lang ito tsaka napatingin kay Manang na umiiling-iling habang nakatingin rin sa kanya.



“Sinungaling ka talagang bata ka.” Bulong ni Manang tsaka ito umalis at pumunta sa kusina.



*itutuloy*

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن