Chapter Twenty Nine

Magsimula sa umpisa
                                    

Nilayo ng lalaki ang labi niya dito tsaka ngumiti. Napatingin siya sa mga mata nito habang magkadikit ang noo nila.



“S-ino…ka ba talaga?” Nanghihinang tanong ni Noneen. Pero hindi sumagot ang lalaki at hinalikan lang siya nito sa noo bago nito tinanggal ang pagkakahawak kay Noneen at tsaka tumalikod.



“T-teka!” Sabi ni Noneen ngunit nagsimula nang maglakad papalayo ang lalaki. Sinubukang habulin ni Noneen ang lalaki ngunit biglang dumating si Ralph sa harap niya tsaka hinawakan ang kamay niya.




“Sorry Noneen ngayon lang ako nakabalik. May emergency lang kasi eh…” Sabi nito sa kanya. Napatingin si Noneen kay Ralph bago tumingin ulit sa direksyon kung saan naglakad papaalis ang lalaking kasama lang niya kanina.



“Noneen.” Muling tawag ni Ralph sa kanya. Tumingin siya dito.



“Ralph..”



“May problema ba Noneen?” Tanong ni Ralph. Napakagat si Noneen sa labi niya. Oo Ralph, meron akong problema. Yung lalaking ayaw magsalita na hinalikan ako bigla na lang akong nilayasan. Napailing na lang si Noneen tsaka ngumiti. As if naman masasabi niya iyon kay Ralph.



“Then shall we dance?” Ngiting sabi ni Ralph na halos lumabas ang dimples nito. Ngumiti si Noneen pabalik sa kanya. Mababagabag lang siya pag inisip niya iyon.



“Sure.” Sagot ni Noneen tsaka inabot ang kamay niya dito.



Tumagal pa ng mga ilang oras ang program ng masquerade ball ng tuluyan nang magwakas ito. Nagsiuwian na ang iba at yung iba naman nagpipicture picture pa. Naglalakad si Noneen at Ralph papalabas ng auditorium nila ng magsalita si Ralph.



“Hatid na kita..” Sabi ni Ralph.



“Ah..eh wag na. May susundo kasi sa akin…alam mo naman hehe.” Sabi ni Noneen sabay ngiti. Napakamot naman si Ralph sa ulo niya.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon