"Hindi ko naman alam kung matagal na syang artista or sikat or whatever. Basta ang alam ko, fit na fit sya sa role at sa tingin ko." Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. "Bagay na bagay kayo. Maputi ka, tall dark ang handsome naman sya. "

"Oooowwwwsss!!! Oh my gosh! I can't wait to see him! Picture, picture!" Kinuha nya yung cellphone ko sa bag ko at kinalikot ito.

"Ano ba yan!!! Wala ka talagang ka-kwenta kwenta! Wla man lang kalaman -laman yang gallery mo!"

"Sorry naman, e sa hindi ako mahilig kumuha ng picture."

Ibinalik na nya sa bag ko ang cellphone ko.

"Anong pangalan nya?"

Nag-isip ako sandali. Ano na nga bang pangalan nya? Shocks! Nakalimutan ko na!

"Ummm... Aaa... Heheheh."

She rolled her eyes, sobra na sa pagka-irita ito ngayon.

"NAMAN! "

"Sorry... Peace?"

"0 sige, ganito na lang, Ano itsura nya, maliban sa tall dark and handsome? Sino mas gwapo, si Air o si partner."

"Syempre si Air. Wala nang tatalo sa kagwapuhan non." Nag -wander na naman ang isip ko kay Air. I can't help but make kilig!!!

"Ate Ja, hindi ko na kinayang pigilan ang nararandaman ko! Grabe lang naman kasi e... Nakakainis sya! Why does he have to be sooo perfect!"

"Ano ba? Kayo na ba?"

"Hindi pa, ano ka ba, ang bilis naman!"

Natawa sya. "E kasi kung ako ang nasa lugar mo, ibubukas pa lang nya ang bibig nya, mag-ye-yes na ako! Wala ng pakipot epek. Hindi na uso yon!"

Pinalo ko ang braso nya.

"Napaka-buti mong ehemplo sa mga nakababata sa 'yo."

"Wow ang lalim non a, makata ka na?"

"Pasaway! Tandaan mo ang mga sinabi ni Lola Madam, kailngan may pagka-maria clara pa din tayo ngayon. " napangiti ulit ako. "But we agreed to know each other better. And he wants to meet my parents. Gusto nga nya ngayon na pero, sabi ko sa kanya na ako na lang muna ang magsasabi. Baka biglang himatayin si mommy kapag umuwi tayo ngayon na kasama natin si Air."

"So anong plano mo ngayon? Mukhang seryosohan na 'to a."

"Ummmm... Hindi ko alam e. Siguro uunti-untiin ko na lang ang pagtatapat ko kila mommy. I'll take lola madam's advice. Uumpisan ko munang ikumpisal ang writing career ko. Sana lang na tama ang assessment ni lola na magiging masaya sila sa career ko."

Lumapit si Ate Ja sa akin at tinapik-tapik ang balikat ko.

"Kaya mo yan cuz, just in case na magkaproblema, sagot ko na ang funeral singers mo."

Tinabig ko ang kamay nya at itinulak ko sya papalayo.

"Lumayo ka nga sa kin! Hindi kita kadugo!"

Halos gumulong lang sa kakatawa si Ate Ja.

***

It's only 8pm at nasa garahe na pareho ang kotse ng mommy at daddy ko. Anong oras kaya sila dumating? Usually mga 9 ang dating nila, medyo napaaga ata sila ngayon. Hindi naman masyadong halata ang pag-guimik namin ni Ate Ja, dahil mga ganitong oras din kami dumadating kapag may pinuntahan kami.

Pero hindi maialis sa akin ang kabahan. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko na palalampasin ang araw na ito ng hindi ko nasasabi sa magulang ko ang pagsusulat ko. I'll start being honest and I hope na maintindihan nila ako . And from there, I'll tell them about Air, but as much possible, ay itatago ko na lang sa kanila ang San Sebastian incident. Mahirap na, baka kung ano pang isipin nila.

The AIR i BreatheWhere stories live. Discover now