Kabanata 20

1.5K 39 0
                                    

" jas hinde kaya masyado ng revealing yang suot mo?halos kita na ang singit mo oh" saway ko sa kanya dahil naaasiwa ako sa suot nya.umirap ito at humarap sa akin nakapamewang pa itong nakataas ang isang kilay.

" hello,resort kaya ito at isa ma's okay na ito kaysa bra at panty lang ang isuot ko katulad ng mga babae dun sa labas" mataray na tugon nito.tinitigan sya nito mula ulo hanggang paa.tinaasan sya nito ng kilay habang nakatingin sa kanya.

" don't tell me,yan ang isusuot" wika pa nito.kaya napatingin sya sa suot nyang t-shirt at itim na leggings.

" bakit? maayos naman ah"? kunot noong tanong nya.bumuntong hininga ito at hinilot ang sintido bago humarap sa kanya.

" ano ka ba anna,umamin sang dimention ng mundo ka ba nanggaling.kaedad ba talaga kita?" ngumuso sya sa tinuran nito.

" alam mo namang hinde ako nagsusuot ng mga maiiksing damit diba? saad nya sa kaibigan.

" iba to wala ka naman sa bahay nyo nasa beach kaya tayo ngayon.naku mabuti na lang at marami akong nadalang gamit.ito isuot bagay sayo yan" nanlaki ang mata nyang nakatitig sa napakaiksing white short at spaghetti na kita ang likod.

" sesyoso ka ba dito jas?

" oo at wala ka ng choice.isuot mo na yan hinihintay na nila tayo" bumuntong hininga bago pumasok ng banyo.matapos kong maisuot ang damit ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin.tama si jas bagay nga sa akin.bagay na bagay matataas na biyas ng aking mga paa. hinde katulad ng kay jas.maliban nga lang sa likod ko na halos kita na lahat.sinuklay ko ang hanggang bewang kong buhok gamit lamang ang mga daliri sa kamay bago lumabas ng banyo.kita nya ang pag-awang ng bibig ng kaibigan kaya inirapan nya ito.

" ang ganda-ganda mo friend, nakakatumboy" ang sabi nito na may papikit-pikit pa ng mata.

" tigilan mo nga jasmen,okay lang ba talaga hinde ba masyadong malaswa? nanininugaradong tanong nya.

" ayan ka na naman,ang kj mo talaga halika nga dito lalagyan kita ng light na make-up.para ma's lalong lumuwa ang mata nila pagnakita ka" nakangiting sambit nito sabay kindat sa kanya. " tara? aya nito na kinatango nya kinuha nya ang abuhing manipis na kamisita na abot hanggang tuhod ang haba upang kahit papaano ay matatakpan ang likod nya bago lumabas.

hiyang hiya na sya hinde nya alam kong saan itutuon ang paningin dahil bawat taong nadadaanan nila ay napapalingon sa kanila.kong hinde lang dahil sa kaibigan ay baka kumaripas na sya ng takbo papasok ng kwarto.ilang sandali pa ay natanaw na nila ang dalawa di kalayuan mula sa kanila.pansin ang titig ng dalawa sa kanya kaya lalo lamang syang naiirita hanggang sa tuluyan na silang makalapit sa mga ito. " kapag hinde kayo tumigil kakatitig,tutusukin ko talaga yang mga nyong dalawa" inis na sambit nya sa mga ito.rinig nya ang hagikhik ni jasmen sa kanyang likuran.agad namang naibaling ng dalawa ang paningin sa iba.

" teka nasaan nga pala si manang jas hinde ko pa sya nakikita simula kanina? tanong ni aldren.

" umuwi na nagpaalam sa akin kanina,nagkasakit daw si manong pasio kaya pinauwi muna sya ni dad susunduin nya na lang tayo kapag uuwi na tayo" paliwanag nito na kinatango ng kaibigan naming si aldren.

" tayo na maligo na tayo sayang sa oras" aya ni aldren. " halika na Anna " wika ni cristospher.
" mauna na kayo susunod ako" ani nya na kinatango ng tatlo bago naglakad patungo sa asul na karagatan.ang totoo ay wala syang ganang maligo nagkasya na lamang syang nakatanaw sa nagsasayang mga kaibigan.nakalumbaba sya sa maliit na lamesa habang tahimik na nagmamasid sa paligid.napakaraming taong naliligo at iba ay naglalakad lamang sa dalampasigan.napabuntong hininga sya at napagpasyahang lumapit sa mga kaibigan na ngayon ay masayang nagkukulitan.

dahan-dahan syang naglakad palapit sa mga kaibigan bahagya pang lumulubog ang tsinelas at paa nya sa buhangin sa bawat hakbang nya.hinde nya napansin ang dalawang lalaking tumatakbo palapit sa kanya huli na para umiwas dahil nabunggo na sya ng isa sa mga ito.napatid nito ang isang paa nya dahilan para bumagsak sya sa buhangin. napangiwi sya ng tumama ang tuhod nya sa nakausling maliit na bago na may matutulis na bahagi.

" miss I'm sorry hinde kita napansin" natatarantang sambit ng lalaking nakabunggo sa kanya. sinubukan sya nitong itayo pero dumaing sya sa sakit ng kanyang paa at kumikirot na tuhod na sa tingin nya ay nagkasugat ng tumama ito sa bato.muli sya nitong itinayo habang walang habas hingi nito ng tawad dahil hirap syang iapak ang isang paa ay ikinawit nya ang dalawang kamay sa leeg nito para makatayo habang nakaalalay ang isa sa likod nya hanggang sa tuluyan na syang makatayo.napapangiwi sa tuwing naiaapak nya ang kanyang kanang paa pakiramdam nya ay namamanhid ang paa nya sa sakit.

" dadalhin na kita sa clinic" wika nito.

" wag na,hinde ko na kayang maglakad alalayan mo na lang sa tent namin" sambit ko ngunit nagpumilit ito dahil marami ng dugong lumabas mula sa sugat.

" mauna ka na neck dadalhin ko muna sya sa clinic" napasinghap sya bigla sya nitong buhatin kaya napayakap sya sa gulat.napatitig ito sa mukha kanya ng bumitaw ang kamay nya sa leeg nito.naglakad ito patungo sa clinic ng makarating at makapasok sa loob ay sinalubong sila ng isang nurse na lalaki.dahan-dahan nya akong pinaupo sa kama na may puting sapin.

" anong nangyari sa kanya"? tanong nito sa lalaking nakabangga nito. " nabangga ko sya,pero hinde ko sinasadya.hinde ko lang talaga napansin dahil hinahabol namin ni neck ang lalaking nagnakaw ng opera nya" paliwanag nito sa lalaki na kasalukuyang ginagamot ang sugat ko. " ahh" daing ko ng masagi nito ang paa ko na napatid.
" namamaga ang paa mo.gagamutin muna natin ang tuhod mo pagkatapos isusunod natin ang paa" ani nito na kinatango nya.

matapos nitong malagyan ng bond aid ang sugat ko ay tinignan sya nito. " masakit to,kailangan mong tiisin" pinagpawisan sya sa sinabi nito at huminga ng malalim bago tumango.napadaing sya ng hawakan nito ang paa nya napikit sya habang mariin na nakalapat ang kanyang labi.pansin nya ang paglapit ng lalaki sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang likod.napapahikbi sya sa tuwing hihilahin nito ang paa nya hanggang sa biglain nito iyong hinila dahilan para mapasigaw sya.

" ayos na,bibigyan na lamang kita ng gamot para sa hinde masyadong mamaga at pain reliever.wag ka munang maglakad para hinde mapwersa ang paa mo.ipahinga mo muna yan dito para ma's maobserbahan ko" wika nito sa kanya.

" opo,salamat po"

" wala iyon hinde mo na kailangang magpasalamat trabaho ko iyon.sige na magpahinga kana,pagsensyahan mo na din ang kapatid ko minsan kasi may pagka-iresponsableng gumalaw yan" ang sabi nya na ikinakunot noo ko.

" kapatid nyo po sya? tanong nya na kinangiti nito. " kaya po pala magkahawig kayo" dagdag nya.ngumiti ito sa kanya bago lumingon sa kapatid na kanina pa tahimik sa tabi ko.

" aalis muna ako may nakalimutan lang akong kunin sa hospital babalik din ako kaagad.sige na magpahinga kana para mabawi mo ang lakas mo wag kang mag-aalala nandito naman si Marcus para bantayan ka" mukhang napansin nito ang pag-aalinlangan ko. " wala kang dapat ikabahala,malaki ang respeto ni marcus sa mga kababaihan katulad kong paano nya igalang ang aming ina.ngunit kong hinde ka komta-"

" naku ayos lang po hinde na po kailangan"nilingon nya ang binatang ngayon ay tahimik na nakatayo sa likuran bago muling humarap sa kausap. " mukha naman pong mabait po talaga si marcus" nakangiting sambit nya.ngumiti naman ito sa kanya.tumingin ito sa relo nya at nagpaalam na aalis.ngunit bago pa man ito makalabas ng pinto ng lingunin sya.

" sya nga pala,ano nga pala ang pangalan mo?

" Anna po,Annaliz" tumango at ngumiti sa kanya.

" sige Anna"paalam nito na kinatango nya.

"The Weak Mate Of An Alpha" ( Book 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon