Chocolates and Goodbyes

5 0 0
                                    

Halos dalawang buwan na kaming hindi nagpapansinan ni Sho. Kahit mag-kaklase kami ay hindi kami nagkikibuan. Walang sino man sa amin ang nangahas na makipag-bati.

Wala akong balita sa kaniya bukod sa break na sila ni Monica at wala siyang bagong babae ngayon. Nabalitaan ko din na pupunta na sila ng France pagkatapos ng high school graduation namin.

Siguro ay hindi talaga ako sanay na walang Sho na nanggugulo sa buhay ko. Palibhasa'y lumaki ako ng kasama siya. Nakaka-panibago. Madalas pag nag-aaway kami'y mabilis kaming magka-ayos, pero hindi sa pagkakataong ito.

At dahil walang Sho sa buhay ko, school at bahay lang pinupuntahan ko. Malapit ng mag-december noon. Malapit na ang bakasyon at malapit na din ang mga exams. Third year na nga pala kami kaya't mas mahirap ang mga subjects. Wala akong sinayang na oras, nag-review lang ako ng nag-review.

Kabibili lang din ng cellphone ko. Wala pa kong gaanong pinag-bibigyan ng number ko. Konting kaklase at mga kasama sa organisasyon. Ayoko sanang mag-cellphone. Kaso sabi ng nanay ko, kailangan ko daw. For emergency purposes.

Kumakain ako ng meryenda ng biglang tumunog yung cellphone ko. Hindi ako nag-madali para tignan kung sino yung nag-text o tumatawag. Ilang beses pang tumunog ang telepono ko hanggang sa nag-pasya akong tignan na ito.

Tatlong missed calls, 6 na text. Aba, galing sa iisang numero at hindi ko ito kilala.

Alam kong may load pa ako kaya't sasagutin ko na sana yung text. Kaso biglang tumunog ulit. Tumatawag na naman yung numero na yun.

"Hello?" sagot ko.

Walang sumasagot.

"Hello? Hello? Sino to?"

Wala pa ding nag-sasalita.

"Pag hindi ka pa nag-salit, ibaba ko na tong phone."

At sa wakas, may nag-salita din. "Betty.." isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganoon. Nagulat ako't sa tagal naming hindi nag-uusap, kilala ko pa din ang boses niya.

"Ka-ka-kamusta?" Yun na lang ang nasabi ko.

"Ayos lang ako. Ikaw, kamusta ka na?" Tanong niya.

"Okay lang. Eto puro aral pa din. Malapit na ang exams eh."

 "Hmm." Naisip ko tuloy kung nasaan si Sho ngayon. Naisip ko din kung ano kayang ginawa niya at napa-tawag siya. Naka-hinga ako ng maluwag dahil sa wakas, kinausap niya din ako.

"Nasaan ka ngayon?" Pinilit kong pasayahin ang boses ko, na tila walang nangyari.

Pero hindi siya ganoon. Ramdam mo sa bawat salita niya na malungkot siya. "Mamimiss kita."

Nag-taka ako sa mga sinabi niya. Mamimiss? Bakit? "Ha?"

"Sorry sa lahat ng nasabi ko noon. Ang tanga-tanga ko dahil sinaktan kita, sinaktan ko yung kaisa-isang bestfriend ko." Aray. Bestfriend. Bestfriend lang talaga. "Yung kaisa-isang.." Pero hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya.

"Okay na yun. Tapos na. Bati na tayo ha? Nasaan ka ba ngayon? Tara. Sabay tayong mag-aral."

"Sorry ulit. Maraming salamat sa lahat ha?" Hindi niya sinasagot yung mga tanong ko.

"Huy Mandark! Ano bang nangyayari sayo ha?" Pinipilit kong tumawa. "Nasaan ka nga? Ako na lang ang pupunta sayo."

"Sige na, hindi pwede ang cellphone dito. Pasakay na kami ng eroplano." Alam kong pinipilit din niyang ngumiti.

Eroplano? "Bakit? Saan ka pupunta?"

"Sa France."

"Ha? Kailan ka babalik? Wala pang Christmas vacation di ba?"

"Hindi ko alam. Hindi na siguro ako babalik."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Maraming salamat Gelai. Sobrang ma-mimiss kita." Umiiyak na siya. "Ikaw ang Betty La Fea ng buhay ko."

Teka lang. Aalis ka na? Hindi mo pa alam kung anong nararamdaman ko. Kung bakit ako nagagalit dahil marami kang babae, kung bakit ako nag-tatampo kung wala akng oras sa akin. "Teka Sho. May sasabihin pa ko sayo..."

"Im sorry Gelai, pero nasa eroplano na kami. Hindi pwede ang telepono dito. Kailangan ko ng ibaba ang telepono."

"Teka lang! Sho! Ma....." at binaba na niya nag telepono. "...hal kita. Mahal kita."

Not so typical Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon