Fading in..

24 0 0
                                    

Isang linggo akong ganoon. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing tatanungin ako ni Nanay, sinasabi ko na lamang na okay na ako sa bago kong eskwelahan. Hanggang sa isang gabi, habang gumagawa kao ngmga gawaing pang-eskwelahan, biglang may kumatok. Dali-daling nagpunas si nanay ng kamay atsaka nya binuksan ang pinto.

"Magandang gabi." bati ng isang babae. Tumingin sa akin si nanay na tila nagtatanong, ako nama'y nagkibit na lamang ng balikat.

"Ano pong maitutulong namin sainyo?" tanong ni nanay.

"Ay, wala naman. Kauuwi ko lang kasi galing Singapore. Sabi nila, may bagong lipat daw, gusto ko lamang kayong i-welcome sa neighborhood." Dinig ko sa boses nya ang kanyang mga ngiti. Nakita kong may inabot syang parang kahon kay nanay.

"Maraming salamat, tuloy kayo." ngumiti na lamang din si nanay.

Pagpasok nila'y, iniligpit ko ang aking mga gamit. Magalang akong ngumiti at napansin kong may kasama syang batang lalaki. Teka lang, parang kilala ko tong batang to ha?

"Anak ko nga pala, si Gelai." ipinakilala lang ako ni nanay. Tumalikod na ako at doon na ako sa hapag-kainan umupo kasama ang mga gamit ko.

Anong pahina na nga ulit yung binabasa ko? Patuloy lang ako sa pagbabasa at narinig ko silang nag-uusap.

"Ako nga pala si Sandy." Inabot nya yung kamay nya kay nanay. "at ang anak ko, si Sho,"

"Jen." Nakipagkamay naman si nanay.

"Ganyan ba talaga ang anak mo? " Tanong ni Sandy. "Ang sipag mag-aral."

Narinig kong tumawa si nanay. "Oo, libro ang mga kaibigan nya ee."

Ngumiti na lang yung babaeng kausap ni nanay.

Maya-maya'y tumungo na sila sa kusina. Naiwan yung batang kasama nung babaeng matangkad. Hindi ko sya tinitignan  ngunit ramdam kong tinititigan nya ako.

"hindi ba sumasakit yang ulo mo?" tanong niya. Nakatayo padin sya.

Tinitigan ko lang sya.

"Hoy. Pipe ka ba?"

Tinignan ko lang ulit sya.

"Ay, pipe nga." sabi nya sabay sipol. Nagpalakad-lakad siya sa bahay. Tinignan nya yung mga litrato sa ibabaw ng lamesa at tv. "Ang panget mo naman dito."

Pagkasabi nya'y bigla akong napatayo. "SAAN?" nilapitan ko sya at tinignan ko yung hawak nyang picture. Litrato ko yun nung sumali ako sa Little Miss Philippines. Naka-pang ballerina akong damit. Puting over-all at pink na tutu. Ang ganda ko na sana kaso ang laki ng salamin ko nun at may brace pa ako.

Inagaw ko sakanya yung picture. "Hanep, ang gwapo mo ha?" pag-tataray ko sabay taas ng kilay.

"E totoo naman ee. Kita mo nga, hindi ka man lang nka-ngiti."

Tinignan ko ulit yung picture. Oo nga no, naka-simangot ako. Paano ba naman kasi, pinilit lang akong isali dun. Ewan ko ba sa nanay ko. Alam naman nyang takot sa tao yung anak niya, sige pa din ng sige. Sabi niya para daw matanggal yung hiya ko. E ano bang tingin niya sa hiya? Parang libag na pwedeng kuskusin ng bato?

Hindi ko namalayang aalis na pala sila noon.

Nasa pintuan na siya nang bigla siyang sumigaw. "Kung ayaw mong pumanget, mag-sasalita ka ha? Atsaka ngumiti ka."

Not so typical Love StoryWhere stories live. Discover now