PROLOGUE

28 0 0
                                    


"Kristian, Ellen! Kailangan na nating makaalis dito! Ito lang ang tamang oras para makaalis tayo sa impyernong ito!"

"Aalis tayo nang magkakasama, hindi natin pwedeng iwanan yung iba. Kailangan natin silang hanapin. Kailangan din nating magdahan dahan."

"Alexis, we will rely on you. We will not die, not now... Never. Sana gumana itong plano mo."

"Okay, anumang mangyari. Ihanda natin ang mga sarili natin. Kung ano mang nangyayari sa labas, don't ever let your guards down!"

Napatingala ako sa mga mukha ng aking mga ngayo'y matalik nang kaibigan. Kagaya ko'y kapuna puna ang takot na nadarama nila sa bawat galaw at paghinga. Para kaming mga ibon sa hawla na nagkukumahig makawala sa pagkakadakip.

Habang nababalot ng kaba at kaguluhan ang aking sistema'y nagbalik tanaw sa aking isipan ang unang araw naming magkakasama - mga sandaling bakas sa amin ang hangaring mabago ang estado ng buhay o kagustuhang makalaya sa mga ekspektasyon nang nakararami at mga sakit na dulot ng nakaraan.

Ngunit... Ngunit ngayon, tanging ganit na lamang sa kalayaang matamo ang mamuhay sa hinaharap ng walang takot at pag aalala sa dibdib; nananalanging manalo sa laro ni kamatayan. Nagbago na ang lahat, hindi na ito kompetisyon para makamit ang aming pangarap o ang pagpapakatotoo sa hamon ng buhay dahil isang bangungot ang nagkatotoo na kahit kanino man sa amin ay hindi nanaisin.

Pinoy Big Brother: House Invasion Where stories live. Discover now