Sa mesa sa loob, naka-upo si Andi habang nag-aayos ng ibang gamit sina Claire at Gen. Buti na lang talaga may mga kaibigan akong tulad nila. Kung itatanong niyo kung bakit kasali si Gen, well, okay na kami. Mukhang na-untog na siya at natauhan na hindi niya maaagaw sa akin si Xander.

"Uy, salamat sa tulong niyo," sabi ko pagkapasok na pagkapasok sa tent. Ibinaba ko ang mga container at ipinatong isa-isa sa mesa.

"Kuu! Ikaw pa ba? Malakas ka samin e," sabi ni Claire.

Tumulong din sila sa pag-aayos ng mga lutong palaka. May adobo, pinirito, nilasing at kung anu-ano pang luto ang binili namin para lang sa araw na 'to. 'Yung pinirito nga kami pa mismo ni Xander ang gumawa kagabi. Kailangan kasi namin 'to para mapatunayang mabebenta 'yung mga palaka ng farm namin dahil masasarap ang luto roon.

Naging abala kami sa pag-aayos at hindi na napansin ang oras. Fifteen minutes na lang pala magsisimula na.

"Huy, Mica! Nasaan na ba 'yung magaling mong boyfriend?" tanong ni Andi.

Tumingin ulit ako sa cellphone ko. Naghihintay ng reply ni Xander.

Dalawang beses ko na siyang tinanong kung nasaan na siya. Dapat kasi siya ang katulong ko rito. Saka, nasa kanya pa 'yung mga buhay na palaka na ipe-present namin. Isama na rin na mas magaling siyang magpaliwanag at siguradong ma-iimpress ang panel pag siya ang nag-present ng research namin.

"Ewan ko nga e. Nag-aalala na ako. Baka kung napaano na 'yun," sabi ko.

"Wag kang masyadong mag-alala d'yan. Baka marami lang ginagawa. Darating din 'yun mayamaya," sabi ni Claire.

Tumango na lang ako at ibinaling ang pansin ko sa research manual namin. Kinakabisa ko 'yung ibang nakalagay roon para naman may spiel ako kahit na paano.

"Sorry, I'm late." Napatingin agad ako nang humalik sa pisngi ko si Xander. Halata sa kanya ang pagod kaya naman hindi ko na magawa pang magalit.

Inilagay niya naman 'yung isang net ng palaka sa aquarium na hinanda namin.

"Okay lang, ang mahalaga nandito ka na. Hindi pa naman nagsisimula e," sabi ko.

Inirapan ako ni Claire at Andi. Si Gen, nagkibit-balikat lang. Nginitian ko silang tatlo. "Salamat sa tulong. Ililibre ko na lang kayo mamaya," sabi ko.

"Salamat sa inyo," sabi naman ni Xander.

Ilang minuto lang, nagsimula nang mag-ikot ang mga panel. 'Yung tatlo, umalis na at naki-usyoso naman sa iba.

Kinakabahan ako habang papalapit ang panel. Ewan ko ba, feeling ko magkakamali lang ako ng mga sasabihin. Buti pa si Xaner mukhang hindi man lang kinakabahan.

Hinawakan ni Xander ang kamay ko. "'Wag kang masyadong kabahan. Kaya natin 'to," nakangiting sabi niya.

Pinisil ko ang kamay niya saka huminga ng malalim. Kahit naman kasi sabihin ko sa sariling hindi ako dapat kabahan, hindi ko pa rin naman 'yun mapigilan.

Lalong lumakas ang kaba ko nang makitang papalapit na sa amin ang mga panel. Grabe na 'to. Ibang-iba 'yung feeling kesa kung magde-defense ka lang.

Bumitaw na sa pagkakahawak sa kamay ko si Xander saka bumulong sa tenga ko, "relax, I'm with you."

Maraming tanong ang panels pero madali rin naman 'yung nasasagot ni Xander. Hindi nga ako makapaniwala na kahit ako walang kahirap-hirap na nasasagot 'yung tanong nila. Mukhang nahawaan na ako ni Xander na katalinuhan niya a? Ha-ha, asa pa ako.


~*~


"Congraaaaaats!" tili ni Andi habang papalapit sa amin ni Xander. Pababa pa lang kami ng stage ng mga oras na 'yun.

My Poker-Faced GuyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt