Pers Lab

28 1 0
                                    

Pers Lab

Early bloomer daw ako sabi nila. Bata pa lang kasi ako ay na-in love na ako. 10 years old to be exact. Imposible ba? Pero maniwala ka, totoo ang sinasabi ko.

Sa murang edad kong iyon ay natuto akong maging masaya at malungkot nang dahil sa pag-ibig. Bata kasi, eh. Walang reservation sa katawan. Hindi naman ako nagsisisi na nagmahal agad ako sa ganung edad. Masaya pa nga ako, eh. Masaya naman kasi talaga ang magkaroon ng puppy love o childhood sweetheart.

Kaya lang kasi… kapag naaalala ko ang mga pinagsamahan namin, hindi maiwasang malungkot ako, manghinayang. Sising-sisi ako kung bakit ganun ang naging ganun ang ending naming dalawa. Actually, wala nga kaming ending, eh. Walang closure. Kaya feeling ko di pa tapos. Feeling ko hindi pa ako makakaabante.

Ibig bang sabihin nun ay mahal ko pa rin siya? Hm… I guess so. First love ko, eh. Unang beses akong nagmahal kaya napakamemorable niya sa ‘kin. Kaya rin siguro nanghihinayang ako. Kasi nga first love ko. May kasabihan pa naman na “First love never dies”. Kaya hindi ganun kadaling makalimot.

We’ve met because he was my friend’s cousin. Unang kita ko pa lang sa kanya na-cute-an na ako. Tandang-tanda ko pa kung paano siyang ngumiti sa ‘min noon ng isa ko pang kaibigan. He was so charming!

Doon nag-umpisa ang pagiging magkaibigan namin. We always talk. We always play together. And eventually, we became close friends. He even sang me a song. Ang sweet niya, grabe!

There was a time na kinakanta ng isa naming kaibigan na pangalanan na lang nating ‘Kalay’ ang London Bridge. May itinuro pa siyang hand gestures while singing the song. Nang kaming dalawa na lang ulit ang magkasama, ginawa niya ‘yung itinuro ni Kalay.

He smiled at me after he sang and said, “Ikaw ang first lady ko…”

Bata pa lang kami noon. I didn’t know the word ‘kilig’ by that time. Pero feeling ko ay naramdaman ko na siya ng mga panahong iyon.

Lumipas ang mga araw, parang may mga nangyayaring pagbabago sa pagkakaibigan naming dalawa. Until one day, he asked me the biggest question.

“Gusto mo ba ako?”

Tinitigan ko muna siya ng matagal bago ako sumagot, ignoring the loud thumping at my chest. “O-oo. I-ikaw? G-gusto mo rin ba ako?” Nagkanda-utal pa ako sa pagsagot sa tanong niya.

He smiled sweetly. “Oo.”

We held each other’s stare before we smiled. Alam na alam ko pa ang kung gaano ako kasaya noon. Nakatatak pa rin sa utak ko ang pangyayaring iyon. I guess hindi ko na makakalimutan pa iyon. Wala rin naman akong planong kalimutan iyon.

Tumambay kami sa bahay nila para magpahinga saglit pagkatapos nun. Nagulat pa ako nang may iabot siya sa ‘kin na isang papel. He’s smiling at me from ear to ear. When I read what’s written on the paper, napakunot-noo ako. He told me na isulat ko lang ang pangalan ko at pirmahan. If you’re asking what’s written on the paper, ito iyon, ayon lang sa pagkakatanda ko:

Compilation of Short StoriesWhere stories live. Discover now