Assumera

57 2 0
                                    

Assumera

--

Pagpasensyahan na po. Adik lang talaga kay Matteo Do. Hihi! :)

At pagpasensyahan na din, na-experience ko na kasi ito, eh. Haha! ASSUMERA! XD

Si Matteo Do-- este, si Meg nga po pala on the right side. Hihihi!

--

Ako ‘yung tipo ng tao na mahilig mag-assume ng mag-assume ng mga bagay. Assumera nga, di ba? Eh, kasi naman! Hindi ka pa ba mag-aassume kung lahat na ng signs, eh nakalatag na sa pagmumukha mo? What do I mean by the signs?

Eh ganito kasi ‘yun. May crush ako, si Matteo Do—este, si Meg pala. Almost five years ko na siyang crush. Ang gwapo kasi, ‘teh! Koreanong-koreano! Kilala niyo ba si Matteo Do ng My Love From The Star sa channel 7? Kamukhang-kamukha, ‘teh! Parang carbon copy! Minsan nga naisip ko baka naman nagpapanggap lang talaga siya na pure Filipino pero ang totoo, eh, kapatid talaga niya si Kim Soo Hyun?

Mabalik tayo dun sa signs na sinasabi ko… ganito kasi. Uhm… for the past few months, napapansin kong panay ang paglapit niya sa’kin. Minsan nga, nahuhuli ko pa siyang tinitingnan ako. At ang loko, imbes na umiwas ng tingin, magpapacute pa! Oh, well, cute is an understatement. Ang gwapo kasi niya talaga!

Heto nga’t nasa school cafeteria ako ngayon para magkape habang inaayos ang final draft ng thesis ko. Sabi naman ng thesis adviser ko, konting ayos na lang daw ang kailangan nung mga corrections na inilagay niya.

I’m about to stand up para um-order ulit ng kape nang may maglagay ng dalawang cup ng kape sa mesa ko. Automatically, napatingin ako sa umupo sa harap ko.

“Matteo Do?!”

“Ha?” kunut-noo niyang tanong.

Napailing ako. “No—I mean, sorry, Meg.” Aish! Bakit kasi magkamukha talaga kayo?

He smiled with amusement. Sheeze! Nakakapanghina ng tuhod! Why do you have to smile like that?!

“I didn’t know you’re into koreanovelas.”

Napatitig ako sa kanya. “Kilala mo si Matteo Do?”

“Oo. Crush siya ng kapatid kong si Leni.” Umiling-iling pa siya. Napalunok naman ako. “Wala nang bukambibig ang batang iyon kundi Matteo Do.”

I grinned. “Eh, gwapo naman kasi talaga.”

He looked at me. No, he stared at me. ‘Tapos unti-unting sumilay ang isang ngiti sa mga labi niyang mapupula.

“Kasing gwapo ko ba?”

“Oo. Sobra—” I answered without thinking.

Compilation of Short StoriesWhere stories live. Discover now