The Man Who Can't Be Moved

81 2 0
  • Dedicated to John Patrick Alojado Golecruz
                                    

The Man Who Can’t Be Moved

Dedicated sa’yo (hindi ko na lang sasabihin kung sino, wala rin naman kasi siyang wattpad account? XD) kasi… wala lang. Haha.  Basta! Nung Feb. 14 kasi (tingnan niyo ang tagal na! haha.) at exact 12:00 a.m., I was listening to papajack that time and then, memories flashed back into my mind. Related kasi sa expeience ko ‘yung itinawag nung caller ni papajack. And naisip kong gawan ng story na related doon. Okay, sana magustuhan niyo. :)

Enjoy reading! Vote and comment :)

****

“You are my once-in-a-lifetime love.

The one I wished for on a star

Long before we ever met.

You came into my life

Bringing patience, understanding, and generosity,

And all the love that makes you

The amazing person you are…”

****

“Huy, Raffy! Umiinom ka na naman dyan?” sita ko sa kanya. Napadaan lang ako sa may tapat ng bahay nila nang makita ko siyang naglalaklak na naman ng alak.

“Oo, eh,” simpleng sagot niya at tinungga ang bote ng pulang kabayo.

Umupo ako sa tabi niya. “Si… Dia na naman ba ‘yan, ha?” nag-aalangang tanong ko.

Tumungga ulit siya at parang hindi ako narinig. Akala ko ay gusto lang niyang mapag-isa kaya hindi na siya sumagot. Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

“Mahal ko pa rin siya.”

Napatingin ako sa kanya, gulat sa mga narinig.

“Nagbibiro ka ba? Ang tagal na nun, ah?”

Sa pagkakatanda ko ay halos magta-tatlong taon na simula nang maghiwalay si Dia at Raffy. Akala ko ay nakapag-move on na si Raffy dahil nagkaroon na rin siya ng mga girlfriends pagkatapos ni Dia. Pero nakapag-move on na nga ba talaga?”

“Tama ka, matagal na nga. Pero wala eh. Mahal ko pa rin, eh.” Huminga siya ng malalim at tumingin sa kawalan. “Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang nangyari sa’min. Okay naman kami bago mangyari ‘yun, eh. ‘Tas biglang ganun? Bigla na lang niya akong iniwan?”

Napatingin din ako sa kawalan. Sa simula’t-sapul ng relasyon nilang dalawa ay nandoon ako. Saksi ako sa lahat. Sa kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa hanggang sa… natapos iyon.

“Naiintindihan kita. Pero naiintindihan ko rin naman kasi si Dia. Kung bakit niya nagawang iwan ka.”

Bigla siyang napatingin sa’kin. Nagtatanong ang mga mata. “Sinuhulan mo ba siya na hiwalayan ako?”

Umiling ako. “Hindi. Wala akong karapatan na gawin iyon. Kayo ang nasa relasyon na iyon kaya kayo lang din ang magde-desisyon. Nakipag-hiwalay siya sa’yo hindi lang para sa kanya, kundi para sa inyong dalawa. Sunud-sunod kasi ang pag-aaway niyo hanggang sa umabot na sa puntong nasasaktan niyo na ‘yung damdamin nung isa’t-isa at… nakakapagod na. Siguro para sa’yo, kaduwagan iyon dahil hindi ka niya nagawang ipaglaban. Hindi niya nagawang ipaglaban ‘yung pagmamahalan niyo. Pero sa tingin ko, hindi siya duwag. Dahil nagawa niyang ipaubaya ‘yung bagay na takot na takot siyang mawala.”

Naalala ko ‘yung panahong lagi kong nakikita si Dia, umiiyak mag-isa.

“Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ko kay Dia. Nakita ko na naman siyang naka-upo sa may bench sa likod ng first year building. May tagong garden kasi doon. At kapag nandoon siya, isa lang ang ibig sabihin nun. Umiiyak na naman siya. “Umiiyak ka na naman. Anong problema?”

Para siyang nagulat. Malamang ay hindi niya naramdaman ang pagdating ko. Tumalikod muna siya sa’kin bago nagsalita. Paniguradong pinunasan niya muna ang mga luha niya. Halata kasi namumugto na naman ang mga mata niya.

“H-Ha? H-Hindi naman, ah. Bakit naman ako iiyak?” Pilit pa niyang pinasigla ‘yung boses niya.

Napailing na lang ako. Ayoko siyang kaawaan. Ginusto niya ‘yan, eh. Pero ayoko rin siyang nakikitang ganyan. Miserable. Nasanay ako na lagi siyang nakangiti, masaya.

Sarkastiko akong tumawa. “WOW! Sa’kin ka pa talaga nagsinungaling, ha? Tell me, anong nangyari na naman ngayon?”

Pinihit ko siya paharap sa’kin at ‘yun, umiyak na naman siya.

“Sige lang. Iiyak mo lang lahat. Pagsubok lang iyan sa relasyon ninyo. Matatapos din naman ‘yan,” sabi ko at niyakap siya. Ito ang papel ko sa buhay niya, maging sandalan niya. Kung ako lang sana ang pinili niya noon…

“Alam mo, sabi niya sa’kin, hindi raw niya maramdaman na mahal na mahal ko siya. Pero alam niyang mahal ko siya. Ang gulo! Ano pa bang dapat kong gawin? Ano pa bang kulang? Kailangan ko bang ibigay ang katawan ko para lang patunayan kung gaano ko siya kamahal? Siguro nga, kasi lagi na lang kaming nag-aaway nang dahil dun. Hindi ko kasi maibigay-bigay eh. Natatakot kasi ako. Pero siguro, kailangan ko nang gaw—”

Tiningnan ko siya ng masama. “Iyan ang ‘wag na ‘wag mong gawin. Hindi kailangan ng katawan para patunayan mo na mahal mo siya. Hindi pa ba sapat ‘yung paghihirap na ginagawa mo para lang hindi kayo maghiwalay? Hindi pa ba sapat na nagmumukha ka ng tanga kakasuyo sa kanya? Hindi pa ba sapat na lagi ka na lang umiiyak? Pero ano? Andyan ka pa rin para sa kanya! Umayos ka nga, Dia! Mag-isip ka ng matino. Ayokong sa bandang huli magsisi ka.”

Alam kong nasasabi lang niya iyon dahil sa desperasyon na nararamdaman niya. Ako man kung nagkaka-ganito na ang relasyon, maiisip kong gawin lahat mapasaya ko lang ‘yung taong mahal ko. Pero iba si Dia. Importante sa kanya ang pagkababae niya. Ayokong masira lang iyon nang dahil sa isang lalaki na hindi naman deserve ang ganung bagay.

“Alam mo kung ano ang dapat mong gawin. Natatakot ka lang na gawin.”

Alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Matalino si Dia. Nagiging tanga lang nang dahil sa pagmamahal.

Tumingin siya sa mga mata ko. Hilam pa rin sa luha ang mga mata niya. Mababakas na rin ang kapaguran. Alam kong gabi-gabi na lang siyang umiiyak dahil lagi siyang tumatawag sa’kin at nagkukuwento.

“Pero mahal ko pa rin siya. Natatakot akong mawala siya sa buhay ko. Alam mo ‘yun. Once na mawala siya, mami-miss ko ‘yung mga pinag-samahan namin. ‘Tas maiiyak na naman ako. Hindi rin ako magiging masaya. Nasanay akong lagi lang siyang nandyan. Masyado ko siyang mahal para pakawalan. Marami pa namang ibang para—”

Tinitigan ko siya sa mga mata. “Hindi na pagmamahal ang nararamdaman mo para sa kanya kundi takot. Takot na mawala siya. What you feel for him is only dependency.”

Makalipas ang dalawang lingo, nabalitaan ko na lang na break na pala sila.

“Alam mo, Raffy, hindi babalik si Dia sa’yo kahit na sirain mo pa ang buhay mo. Marami pa namang iba dyan na handang magmahal sa’yo. Naka-ilang girlfriends ka na rin naman pagkatapos niya, di ba? Makakalimutan mo rin siya.”

Tinitigan niya ako ng masama. “Paano mo naman nasabi na hindi niya ako babalikan? Mahal ako nun! At kapag nalaman  niyang nasisira na ang buhay ko, hindi ako matitiis nun. Babalik siya sa’kin!”

“Minsan ang pusong napagod nang magmahal sa isang tao, hindi na makakaya pang mahalin ulit iyon.” Tinapik ko siya sa balikat. “Hayaan mo na si Dia. Sa nakikita ko sa kanya ngayon ay masaya na siya. Maging  masaya ka na lang din para sa kanya at palayain mo na ang sarili mo sa nakaraan niyo.”

Unti-unting pumatak ang mga luhang kanina pa siguro niya pinipigilan. “Last na ‘to. Tama ka, masaya na siya at dapat ay ganun din ako.”

Nginitian ko siya ng may buong pakikisimpatya at saka ako tumayo para umalis.

Pero bago ako makalayo ay narinig ko pa siyang bumulong.

“Mahal na mahal kita, Dia. Patawarin mo sana ako kung hindi kita naalagaan ng mabuti. Paalam…”

Compilation of Short StoriesWhere stories live. Discover now