Chapter 10: Use

Începe de la început
                                    

Agad namula ang mukha ng babae at napangisi ako sa nakita. Gotcha! Hindi lang naman ako ang may tinatago. Kung tutuusin lahat naman kami maraming tinatago sa isa't-isa. Masyado kasing mabilis ang balita dito sa BHO CAMP. Mamaya makarating pa sa mga magulang namin na matitinik din.

Mahirap kasing magtago ng sikreto sa mga taong nakakasalamuha namin dito. Bukod kasi sa talagang malakas ang pang-amoy ng mga tao sa balita, we're all agents. Kapag curious kami walang nakakapigil samin na alamin kung anong gusto naming alamin. Hindi man namin malaman eksakto kung anong hinahanap namin, but at least we'll have one solid guess.

Nakangising tinapik-tapik ko sa balikat si Hera, "Adios amigo!"

Pasipol-sipol na nilagpasan ko siya at nagmamadaling naglakad ako sa totoong pakay kong puntahan. Kailangan ko ng magmadali dahil baka may makakita na naman sa akin. Wala pa ako sa tamang katinuan para humarap sa kahit na sino.

Matapos kasi ng nangyari kanina sa fountain at magising ako mula sa kahibangan ko ay basta ko na lang nilayasan si Archer pagkatapos kong itapon sa kaniya ang hoodie niya. Wet and dripping, I didn't care. Ang mahalaga lang sa akin no'n ay makaalis at makapagtago. Kaya kahit walang pagkain sa flat ko ay wala akong choice kundi tiisin ang gustom ko dahil hindi ako makababa sa dining area. Mag-o-order sana ako sa Craige's ang kaso ang hudyong Ocean ay nakita pala ang naging kahibangan ko dahil kasalukuyan siyang naka-break at palakad-lakad no'n at dahil malapit lang ang fountain sa Craige ay kamalas-malasang nakita niya ang nangyari.

Kaya bago pa niya matapos ang pang-aasar niya sa akin, at pagkatapos ko siyang palulanan ng death threats, ay binaba ko na ang telepono at hindi na nag-order pa.

And now here I am. Malapit ng kainin ng large intestine ko pati ang natitirang utak na meron ako.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng dining area at nang makita ko na walang tao maliban sa ilang junior agent ay masayang pumasok na ako. Pero hindi pa tuluyang sumasara ang pintuan sa likod ko at hindi pa ako masyadong nakakalayo mula roon ay nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakaupo sa kaliwang bahagi ng dining area. Nakatalikod siya sa akin at malayo din ang kinaroroonan niya kaya hindi ko siya napansin.

Seriously? Sa lahat ng tao na makikita ko ngayon ay 'yung pang huling tao sa mundo na gusto kong makita?

Hindi malaman ang gagawin na nakatayo lang ako doon habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kinaroroonan ni Archer na tahimik na kumakain. Mabuti na lang at tahimik ang naging pagpasok ko at mabuti na lang naka-headset siya.

Napapitlag ako at napatakip sa bibig ko nang parang nanadiya ay nagsimula ng kumilos ang lalaki na mukhang tapos na sa pagkain. Hindi ko na naisip ang naging kilos ko at basta ko na lang tinakbo ang nakabukas na bintana sa kanan ko na mas malapit sa akin kesa sa pinto at animo may super power na basta ko na lang tinalon 'yon.

Mahina akong napamura nang maramdaman kong sinalo ako ng mga halaman sa labas ng bintana na hindi katulad sa mga cartoon ay hindi naman talaga nakakatulong sa mga ganitong pagkakataon. Sa totoo lang, mas nakakasakit pa sila. Proof of that is probably my arms that are bleeding right now.

Pero hindi ko na pinansin 'yon at kumaripas na ako ng takbo paalis sa lugar na 'yon. Dinala ako ng mga paa ko sa kinaroroonan ng BHO CAMP Hospital. Mabuti narin 'yon dahil wala akong balak pumunta sa Craige's dahil pagtitripan lang ako do'n.

Nang makapasok sa loob ay una kong nabungaran ang head nurse na si Miss Concordia na kasalukuyang kausap ang isa sa mga nurse doon. Napatingin siya sa akin at kaagad na kumunot ang noo niya.

Sa lahat ng staff sa BHO CAMP, si Miss Concordia ang pinakamasungit sa mga agents. Hindi naman kasi ang pagiging matandang-dalaga niya ang sanhi ng kasungitan niya kundi ang trauma niya sa kakulitan naming mga lumaki dito sa BHO CAMP.

BHO CAMP #7: The MoonlightUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum