¤ Chapter 1 ¤ The game is ON

314K 8.1K 1.1K
  • Dedicated kay TreeSha
                                    

¤ Chapter 1 ¤ The game is ON

Sophia Madrigal's POV

"Ang swerte talaga ni Monique 'no?" girl 1

'Swerte? Sino? Si Monique? Di nga'

"Oo nga,  ang gwapo ng boyfriend niya at balita ko mayaman din." girl 2

'Balita mo lang iyon.'

"Gusto ko rin ang magkaroon ng boyfriend gaya ni Jarred!"  girl 3

'Edi bumili ka! Mayaman ka naman eh.'

Usapan ng mga tsismosa, kailangan talaga sa harapan ko pa sila magtsismisan?! Hindi ko tuloy maiwasan makitsismis. Nakakainis talaga!

"Pwede ba huwag kayong maingay?! Nakakaistorbo kayo eh!" naiinis kong sabi sa kanila.

Naputol ang usapan nila at sabay-sabay silang napatingin sa direksyon ko dahil saaking sigaw.

They raised their brow and looked at me from head to foot.

"Diba ikaw yung ex ni Jarred at kapatid ni Monique?" girl 2

"Paano nagawa ng kapatid mo iyon saiyo? Oh well, ang sama kasi ng ugali mo eh. Kaya yan ipinagpalit ka ni Jarred." Girl 1

" Kawawa ka naman, pero tama lang ang nangyari saiyo. Hindi kayo bagay ni Jarred! Masyado siyang mabait para saiyo." Girl 3

'Aba! Nang-inis pa talaga sila ah?! Ugh!!'

" Tapos naba kayong magsalita? Magpapasalamat na ako? Sabihin nyo lang kung oo." naiinis kong sabi

"Ang sungit mo naman! Huwag kang ganyan, sige ka wala nang magkakagusto niyan sa'yo." pananakot saakin ni girl 2.

'Aba! At tinanakot pa talaga ako.'

" Oh? Paano na kayo niyan? Tanggap nyo nabang wala nang magkakagusto sainyo?" kunwaring naaawa kong sabi.

"Anong ibig mong sabihin?!" galit na sabi ni girl 3.

"Kung ako walang magkakagusto saakin, paano pa kayo?" tanong ko sa kanila.

" Anong nangyayari dito?" biglang sulpot ng maldita kong kapatid.

"Ito kasing si Sophia, masyadong bitter." sabi ni girl 1 'aba! Bitter? Sino? Ako?'

"Pasensya na kayo sa kapatid ko ha? Hindi parin kasi niya tanggap na kami na ni Jarred." kunwaring malungkot na sabi nang magaling kong kapatid. "Sino ba namang hindi manghihinayang kay Jarred? Gwapo na mayaman pa, mahirap nang makahanap nang ganoong lalaki ngayon." dagdag pa niya.

"Loyal naman kaya?" naka-smirk kong tanong sa kanya. Bigla namang namutla ang gaga. Hahaha si Jarred loyal? Babaero kaya yun.

"Sa'yo hindi, saakin oo" nang-iinis nyang sabi.

"Kung nagawa niya akong lokohin at palitan, kaya niya ring gawin yun sa'yo. Sige lokohin mo lang ang sarili mo." sabi ko nalang.

"Pasensya na kayo girls ah, sinisiraan na naman ni Sophia ang boyfriend ko. Huwag niyo nalang pansinin ang sinasabi niya." nakangiti nyang sabi. 'As usual nagmamabait na naman siya. PLASTIC!!'

"Ano ba 'yan? Ganyan ba ang kapatid? Sinisira ang buhay ng sariling kapatid?" sabi ni girl 1 saakin bago umalis.

Tinatanong ko rin yan kay Monique.

"Sa susunod huwag mo nang gagawin iyon maliwanag?! Dahil hindi mo mahahadlangan ang pagmamahalan ni Jarred, kaya kung ako saiyo maghanap ka nalang nang kauri mo! Napaka-imoral mo talaga! Wala kang kwentang kapatid!" sigaw niya saakin.Lahat nang tao napatingin saamin. 

Lahat sila tinignan ako ng masama. Ako na naman ang nagmukhang masama?

"Sa tingin mo ikaw, oo?" tanong ko sa kanya.

"Ate, hindi ko naman sinasadya na mainlove kay Jarred eh." sabi nya na parang kinakawawa ko siya.

"Ang kapal mo talaga!!" naiiyak kong sabi. At siya nagsmirk lang at umalis na.

Akala nyo siguro ang tapang ko no? Sa totoo lang nasasaktan talaga ako, nagtatapang-tapangan lang ako. Kasi kapag hindi ko ginawa yun, ako ang kawawa.

 Bakit ba kasi sa dinami-dami nang lalaking magugustuhan ni Monique, si Jarred pa? Bakit sa dinami-dami nang pwedeng ipagpalit saakin si Monique pa? At bakit sa lahat ng tao, ako pa ang dapat nilang saktan?

Well, hindi narin naman ako magtataka kung gawin saakin 'yon ni Monique.

 Bakit? Kasi gusto nya lahat ng meron at pinapahalagahan ko, mapunta sa kanya. Pagmamahal ni mama at papa, mga kaibigan ko at ngayon boyfriend ko naman?

Dahil sa kanya para kay mama at papa wala akong kwenta. Lahat ng gawin ni Monique tama, ako mali.

 Sinisiraan niya ako sa mga tao, pinagmumukha nya akong masama at kawawa at the same time para kainisan at kaawaan nila ako. 

Pati nga kaibigan ko inagaw nya saakin at last week boyfriend ko naman.

Dahil hindi ko na makayanan ang sakit umakyat ako sa rooftop, at isinigaw ang galit ko.

"Monique nakakainis ka!!"

"bakit ba ayaw mo akong sumaya?!"

"bakit ba ang kapal-kapal mo?!"

Sigaw ko. Napaiyak nalang ako sa sobrang sakit. Bakit ba kasi ginagawa niya 'to saakin?

"Sinusumpa ko!! Gagantihan kita!! Babawiin ko sa'yo lahat ng inagaw mo saakin!! Humanda ka!!"

Pangako ko sa kanya at sa sarili ko. Humanda ka Monique, the game is ON.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon