Binuksan ko ulit yung bintana.

                “Mike, si Angelie nasa may liempuhan, stranded. Susunduin sya dapat ni Alfred kaso natraffic sya. Andun sya nagaantay sa kanya.”

                Napangiiti nalang ako, “Salamat!”

                Umatras na sya. Hindi ko alam bakit nya sinabi sakin yun pero nagpapasalamat talaga ako. Bumusina ako sa kanya para sa thank you at dali dali akong nagdrive papunta sa liempuhan. Medyo mabagal na usad ng mga sasakyan sa harap ko pero gumagalaw naman. Mga sampung minuto pa bago ako nakarating sa may liempuhan at pagkatigil ko dun, andun si Angelie, kasama ng ibang mga estudyante na hindi makaalis. Bumisina ako, tumingin yung mga tao saakin saka ko binuksan yung pintuan para puntahan sya.

                “Bakit ka nandito?” tanong nya.

                “Tara, ihahatid na kita.” Sabi ko.

                “Wag na, susunduin ako ni Alfred.”

                “Ang lakas lakas na ng ulan Angelie, bumabaha na, kung aantayin mo pa si Alfred, di na kayo makakauwi nyan, tara na habang di pa grabe ang baha.”

                “Paparating na sya.”

                “Tara na, wala akong ibang intensyon, gusto mo, wag mo nalang akong kausapin, ihahatid lang kita, kahit sa harap nyo lang.”

                Di sya kumikibo. Biglang kumidlat, napasindak yung mga ibang tao sa karendirya, sya nakatiklop braso pa din na galit. Lalong lumakas yung buhos ng ulan, dinig na dinig na yung mga patak sa yerong bubong na liempuhan.

                “Tara na.” Pilit ko na mahinahon.

                Kinuha nya yung phone nya saka nakita kong may tinawagan. Inantay ko lang syang magsalita.

                “San ka na?”

                ... nakikinig lang sya.

                “Traffic ba?”

                ...

                “Malayo pa?”

                ...

                Si Alfred ang kausap nya. Putanginang kumag.

                ...

                “Alfred, una na ako siguro. Delikado na din dyan sa dinadaanan mo, may masasakyan pa naman ditto eh.”

                ...

                “Oo, okay lang ako. Wag ka magalala. Oo, nainom ko na.”

                ...

                Ano yung nainom nya na? Gamot?

                “Hindi na, wag na, uwi ka nalang, tutal may shortcut naman dyan diba?”

                ...

                Anak ng teteng, tagal naman magusap nitong dalawang to. Parang sila sa haba ng paguusap.

                “Oo. Promise, okay lang ako.”

                ...

                “Sige sige, ingat ka ha?”

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon