Bumuntong hininga siya at nilingon ang pagkain na nasa lamesa ko. "Kumain ka ng marami, ha? Para naman panatag ako buong araw," sabi niya kaya tumango ako.

"My pictorials ka?" Tanong ko.

Marahan siyang tumango at nilingon ako saka muli na namang ngumiti. "Hectic ang schedule ko kaya dali-dali akong pumunta dito para lutuan ka."

"Have you eaten your breakfast?" I asked her, again.

"Honestly, no -- not yet, I let myself indulge in what I am going to cook for you," naka-ngiting sambit niya.

I looked at her worriedly. "Then, you should eat with me now."

She looked at her watch and looked at me again. "I can't, baka ma-late ako."

Tumayo na rin siya kaya ako ay napatayo rin. "You must eat first, you must fill-in your stomach for the day," I commanded her.

She sighed in defeat. "Okay." Kumuha na rin siya ng plato at kubyertos na dinala niya at ako na ang nag-sandok para sa kanya.

"Eat well," I muttered at saka naman siya sumubo. Ngumiti ako nang muling bumusangot ang mukha niya -- hindi niya talaga ako matitiis.

D E L A N D R A

"Ms. Del," tumigil sa pagme-make-up ang make-up artist ko at dumilat ako at tinignan ang salamin.

"Yes?"

"Your partner is already here," sabi niya kaya tumango ako.

"Great," I said and signaled my make-up artist to continue.

Tumawa ako sa isipan ko, si Mike pala ang makaka-partner ko para sa shoot ngayon. I can't believe I reached this level. Isa kasi si Mike sa mga sikat na modelo sa buong mundo kaya masasabi kong isang malaking break sa career ko ang maka-partner siya.

Isa rin siya sa mga lalaking nag-mahal kay Zaira -- hindi ko nga alam kung bakit, ano ba'ng meron kay Zaira at halos magkandarapa ang mga lalaki sa kanya? Kahit si Austin ko ay isa sa mga binihag niya. How dare she?

The moment I stood up, the staffs ran to me and immediately fixed me. Itinapat rin nila ang malaking electric fan sa akin para mahanginan ako. "Thanks," I said and sweetly smiled at them.

I roamed my eyes around the room -- it is not that bad. Well, this is just the dressing room at nakita ko na rin ang main place kung saan kami mag-shu-shoot at humanga ako sa ganda ng view kanina.

Binigyan ako ng tubig ng assistant kong si Mae at dahan-dahang ininom 'yon dahil baka mabura ang lipstick ko -- MAC Lipstick kaya ito. "Retouch," Mae commanded my make-up artist at agad naman niyang sinunod 'yon.

"Sis!" Nagsi-alisan ang mga tao na nasa paligid ko.

Tinakbuhan naman ako ng mga kapatid ko na halos tumili ako. "Sissies!" I called them back.

Pero, bago pa sila makayakap sa akin ay nilayuan nila kaagad ako. "Oops, 'wag muna, baka pagalitan kami," hagikhik ni Ivy -- ang sumunod sa akin.

"Lahat nalang ata ng humahawak sa 'yo ay istrikto!" Daing ni Lia -- ang bunso sa amin.

Tumawa ako. "Sus! Parang naman hindi ito ang huli na hindi niyo 'ko samahan."

Sabay pa silang inikot ang mga mata nila. "You are getting famous, Ate."

Tumango si Ivy. "Ibig sabihin ba niyan ay wala ka nang oras para sa amin?"

Bigla namang lumungkot ang ekspresyon ng mga mukha nila. Pumunta ako sa gitna nila at inakbayan. "Hindi naman siguro, mas gusto ko kayong kasama..." I whispered, "kaysa sa mga staffs 'no."

Sabay silang humagikhik at ginawa ang signature pose naming tatlo. Tumawa kami ng malakas at wala kaming pake kung maingayan sa amin ang mga tao dito -- I just love my sisters, that's all.

"Hindi ba ako puwedeng sumingit?"

Inangat namin ang mga ulo namin. "Maxrev!" Tili ng dalawa kong kapatid.

Maxrev Kyle is the son of my partner for today, Mike. Kinarga ni Lia si Maxrev at sabay nilang pinanggigilan ang bata. "Partner," I called him.

"Na'ko, kung hindi lang sinabi ng P.A. ko na ikaw ang partner ko ay baka tumanggi na ako!" Sabi niya kaya parehas kaming natawa.

Si Mike talaga, pamilyadong tao na pero, na-me-mantain pa rin ang gandang hubog ng katawan, at sa ngayon, sa tingin ko nga, mas lalo siyang nagiging makisig. "Gumaganda ang katawan mo, a," puri ko.

Tumango siya -- kayabangan na naman kaya ito? "Meron kaming daily exercise ni misis at isabay mo na rin ang workout bilang past time ko."

Napanganga ako sa sinabi niya. "Ang yabang mo," wika ko.

Umiling nalang siya. Hindi ko rin ma-imagine na sila talaga ni Aubrey ang nagkatuluyan sa huli -- si Aubrey kasi dating nagmamahal kay Xander na asawa ngayon ni Zaira na dating minahal ni Mike. Grabe lang ang kuwento nilang apat.

"Si Aubrey?" Tanong ko sa kanya.

"Busy sa mga lalaking kliyente niya. Gusto ko ngang samahan siya para sapakin ang mga kliyente na 'yon para tumigil sila kakatingin sa asawa ko," nanggigigil na sabi niya.

I chuckled. "Ganyan ka pala ka-possessive kay Aubrey."

"Mahal ko, e." Kininditan pa niya ako, ang yabang talaga.

We started with the shoot while my sisters are screaming like hell.

After the shoot, I let myself rest at that day. Hindi ko na kaya -- hindi ko kinaya ang shoot kanina dahil bilad sa araw at idagdag mo pa ang konsumisyon na dala ng mga kapatid ko. Pulos sigaw at tili ang naririnig at hindi ako makapag-concentrate masyado.

Ininom ko ang pang-alis sa sakit ng ulo at saka ako humiga sa higaan. Nasapo ko pa ang noo ko dahil sa sobrang sakit nito. I winced in pain at napapikit ng mariin habang sapo-sapo ko ang noo ko. I never had a headache like this before!

I hugged the pillow beside me and closed my eyes to endure the pain. Suddenly, I heard a knock on the door. "C-come in," I weakly said.

Narinig ko namang bumukas ang pinto at ayoko nang malaman pa kung sino ang pumasok ng kuwarto ko. "Del, anak."

It was my mom. "Y-yes, Ma?"

"Are you okay? You look so weak." Hinaplos niya ang noo ko.

"I'll try my best to be okay, Ma."

Hinalikan niya ang noo ko. "You have a visitor. Alam mo namang sobrang daldal ng mga kapatid mo."

"You mean..."

Tumango siya. "Nasa baba si Austin, nag-a-alala sa 'yo, anak." But, how come?

Siya? Mag-aalala sa akin? Hindi nga niya ako mahal, e. Friend-Zone nga ako sa kanya, e.

●●●

Make You Stay (The Architects Series #3)Where stories live. Discover now