Chapter 1

43.5K 590 21
                                    

A U S T I N

Napailing-iling ako. I still can't believe that she is that desperate -- she was expecting too much and my conscience hits me everytime I can hear her speak -- the sound of pleading and sadness. Ayoko siyang saktan dahil isa siya sa mga pinahahalagahan kong kaibigan.

Oo, kaibigan. Malapit ako sa kapatid kong babae na sumunod sa akin kaya halos lahat ng mga nakikilala kong babae ay itinuturing kong kapatid. Maliban nga lang sa isang babae na hanggang ngayon ay nagpapatibok pa nitong puso ko, si Zaira, asawa ng bunso kong kapatid.

Aaminin ko, mahirap talagang kalimutan siya. Lalo pa at siya ang babaeng kauna-unahan kong minahal ng buong puso. Siya lang naman ang nagpatibok ng mailap kong puso. Pumayag pa nga ako na maging second priority niya dahil desperado na talaga akong makasama siya.

An affair -- 'yan ang naging meron kami -- noon. I don't even care if I betrayed my whole family, especially my brother. Matagal ko namang karibal ang lalaking 'yon kaya wala na akong pakielam. But the conlusion -- I finally released her -- but, I couldn't do that 'move-on' thing.

"Papasok nalang ako." Hindi ko namalayang may kumakatok na pala sa pinto.

I composed myself. Halos dumaing ako nang makita kong papasok na siya ng opisina ko. "Del," I called her.

"I cooked you lunch, sana ma-enjoy mo." Inilapag niya ang lalagyan ng ulam sa lamesa ko at sinimulang ipaghain ako.

Tumingin ako sa kanya at walang bakas ng kalungkutan ang buong mukha niya dahil ang lapad ng ngiti niya. Huminga ako ng malalim. "Hindi ka na sana nag-abala," sabi ko at kinuha ang plato na ibinigay niya sa akin.

She flashes a smile. "Tikman mo na, bagong recipe ko 'yan," pagmamalaki niya pa, kaya sumubo na ako.

She was looking at me and expecting for something. Ibinalik ko ang ngiti sa kanya. "It's delicious, Delandra," I complimented.

Nakita ko naman ang pamumula niya dahil tinawag ko siya sa tunay niyang pangalan. 'Del' was just her nickname though. "T-talaga? S-salamat, 'di bale sa susunod, ipagluluto ulit kita ng ganyan."

"Cook for me for tomorrow again," sambit ko at ipinagpatuloy ang pag-kain ng niluto niya. "Hindi ka ba kakain?"

Mabilis siyang umiling. "Ikaw muna ang uunahin ko." Ngumiti ulit siya.

"You should taste it, you must be proud yourself -- masarap talaga ang niluto mo," papuri ko at walang halong biro 'yon.

"I-ikaw nalang, mamaya nalang ako, hindi pa naman ako gutom." Ginalaw-galaw niya pa ang mga daliri niya para maistorbo ang sarili niya.

Ngumiti ako at tumayo. Kinuha ko ang plato at umikot para tapatin siya sa kina-uupuan niya. I scoop a spoonful of it and placed it near her mouth. "Eat."

Para siyang bata na umiling ulit kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Ikaw nalang," tanggi niya pa.

Inilahad ko ulit ang kutsara. "Delandra..." I warned her kaya sumubo na rin siya.

Mabilis niyang nanguya 'yon kaya tumawa akong ng marahan. "O, 'yan kumain na ako," turan niya at inikot ang mga mata.

Pinisil ko naman ang pisngi niya kaya sumimangot siya. "'Wag kang masyadong pakipot, kung bibigay ka rin naman," turan ko kaya mas lalo siyang sumimangot.

"Pinapauna nga kitang kumain tapos, ayaw mo? Ka-inis, a," reklamo niya.

"Hindi mo pa kasi ata natikman ang niluto mo para sa akin. Tignan mo tuloy, ako pa ang sumubo sa 'yo," sambit ko at pinunasan ang gilid ng bibig niya.

Make You Stay (The Architects Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon