Chapter 4

20.6K 372 14
                                    

D E L A N D R A

'Try and try until you succeed.' I hope that saying will be applicable when it comes to love. Kaso, sa mga hindi talaga para sa isa't-isa ay hindi pwede. 'Yung subok kayo ng subok pero hindi na pala kaya dahil pareho na kayong gustong bumitaw. Ang pangit ng gano'n -- pero, ako? Subok pa rin ng subok dahil alam ko naman may pag-asa kaming dalawa ni Austin -- at naniniwala ako doon.

"Pero, paano kung wala?" nilingon ko si Ivy habang kumakain ng pizza.

Inirapan ko siya. "Put down whatever you are eating... it's a lot of carbs!"

She rolled her eyes back at me. "I don't care. You were just changing the topic, Ate. Stop it."

I heard Lia's giggle, and I glared at her. "She's right, Ate. Duh, paano nga kung wala?"

"Hindi ko alam," malungkot na sinabi ko at itinungkod ang kamay ko sa glass table at tinignan ang laptop ko na puno ng Google search tungkol kay Austin ko.

"Grabe, hindi ka ba nagsasawa diyan, Ate? Puno ang tabs mo ng 'Austin Del Valle'... tae, nakakasuya!"

Hindi ko nalang sila pinansin at naghanap ng panibagong mga balita tungkol kay Austin ko. Stalker niya ako kung matuturing, lahat ata ng balita tungkol sa kanya ay alam ko na. Mula pa noong dati ay sinusubaybayan ko na ang lalaking mahal ko. Desperate stalker.

"Ang gwapo niya talaga..." Bulong ko pa hindi ko maiwasan na humanga pa sa kanyang napakagwapong mukha.

"Pati 'yan Ate? Palagi mo nalang sinasabi 'yan, hindi ba talaga nakakasawa tignan ang mga litrato niya?" Usisa pa ni Ivy.

"Hayaan mo na, baliw na si Ate pagdating ng panahon." Tumawa silang dalawa pagkatapos sabihin ni Lia 'yon.

"Gusto niyo, gawin ko kayong personal punching bag ko?" Naiirita kong wika habang tinitignan pa rin ang mga pictures ni Austin.

"Tumigil ka nga muna ng isang araw sa kaka-stalk sa kanya, Ate. Hindi nakakatulong 'yan sa 'yo," bilin pa ni Ivy.

"Hindi na ako magtataka kung mapunta sa 'obsession' 'yan," natatawang wika ni Lia.

Inis na napabuntong-hininga ako at sumandal sa swivel chair ko. "Will you two, shut up?" Mataray kong umpisa. "Baka hindi niyo magustuhan ang mga lalabas sa bibig ko." Hindi nalang sila nagsalita kaya nakahinga na rin ako ng maluwag.

I closed my eyes...Meron nga ba o sadya talagang wala?

Ano ba 'yan, bigla ko nalang naalala ang sinabi sa akin ni Austin noong araw at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali. Ako nga, hulog na hulog na ako sa kanya kahit ano pa ang gawin at sabihin niya.

Hahayaan ko nalang siya. Basta ako, gagawa ng paraan para mahulog siya sa akin -- at handang-handa akong saluhin siya. He will love me... he will...

Now, instead that I am the one who is putting an effort on it ay siya naman... o, baka naman assuming ako na nag-e-effort siya? Sakit naman.

●●●

"I want to try modelling," biglaang sabi niya.

Napatitig ako sa kanya, tila hindi makapaniwala sa sinabi niya sa akin. "Mayaman ka na, Austin. Bakit kailangan mo pang mag-modelling?" Ibang klase rin pala itong si Austin -- ang yaman na nga, nagpapayaman pa.

He smiled -- oh that smile! "Tell them that I want to do a photoshoot with you, then," confident na naman niyang sinabi 'yan.

Humagikhik nalang ako. We're on our way to the photoshoot studio para sa isang shoot naman. Ngayon nga ay nag-suot na ako ng flats para ready ang mga paa ko dahil magsusuot ako ng mga killer heels mamaya.

Make You Stay (The Architects Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon