Chapter 5

19.9K 335 18
                                    

D E L A N D R A

I'm always giving my time to him, time to watch him from afar, time to watch him as he flex his muscles, most probably, I want to watch him draw and sketch every idea that he has in his mind because... I know, he has a great variation of imaginations.

That's why I adore him.

Napangiti ako nang nasa harapan ko siya ngayon at mukhang minamadali ang tawag dahil daw kailangan niya daw akong kausapin. Namumula na tuloy ako. Napahagikhik na rin ako sa isipan ko. At ang labi niya...

Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko.

"So..." napa-angat ako ng tingin sa kanya at saka ko namalayan na tapos na pala siya sa tawag niya. Ngumiti siya. "Can I have it?"

"Ah, oo. Sandali..." kinalkal ko na ang bag ko at hinanap ang soft copy ng schedule ko para sa dadarating pang mga photo-shoots ko. Inabot ko iyon sa kanya at inilabas naman niya ang kanya. "Seryoso ka ba talaga, Austin? B-baka napipilitan ka lang?"

Umangat siya ng tingin sa akin at marahan na tumawa. "I told you, Delandra, it's okay." Tumango-tango nalang ako sa sinabi niya.

Saglit pa akong naghintay sa kanya at may nakikita rin akong minamarkahan niya ng pulang tinta ng ballpen ang kanyang papel na nilalaman naman ng schedule niya. Nababahala talaga ako. Bakit ba kasi ako ang inuuna niya?

"Here." Binigay niya sa akin ang papel kung saan nakalagay ang schedule ko. "I already have your number, right?" Tumango ako. "I'll text you what time I will pick you up."

Nahihiya akong tumayo at nakayuko habang naglalakad patungo sa kanya. Ramdam kong nakasunod lang siya ng tingin sa akin at naghihintay sa susunod kong gagawin.

Tumayo ako sa gilid niya at nanatili pa rin ang tingin niya sa akin. Yumuko ako at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi. "S-salamat. Pwede ko bang tanungin kung bakit mo ito ginagawa?"

Tumayo na rin siya. Nalula kaagad ako sa tangkad niya. Muli na naman akong namula nang haplusin niya ang pisngi ko. "Make me forget her, Delandra. It's not that I'm using you. What I mean is...make me love you."

Mabilis akong tumango sa mga sinabi niya. Wala nang sabi. Ako na ang bahala sa lahat ng 'yon. Sabi ko na nga ba, dadarating rin talaga ang araw na ito.

Niyakap ko siya. Wala na akong pakielam kung hindi niya ito tutugunin. Ang importante, malaki na ang pag-asa ko -- lalong-lalo na pagdating sa espasyo ng puso niya.

"Gagawin ko, Austin," bulong ko. "Gagawin ko." Pangako ko sa sarili.

Hindi ko na siya inabala pa na ihatid ako sa baba. Pero, heto siya... nagpumilit muli. Hindi ko na naman napigilan. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa baba. Nakakahiya rin kasi, buhat-buhat niya pa ang mga gamit ko.

"Seriously, Del? Hindi ka ba nabibigatan dito sa mga gamit mo?" Akmang aagawin ko na sana sa kanya ang mga gamit ko na buhat-buhat niya pero, pinigilan niya ako.

"Akin na lang kasi 'yan. Nakaabala pa tuloy ako." Napalabi ako.

"I think you should let someone carry these for you. Maybe a personal secretary? Someone you can trust," suggestion niya pa.

Tumungo na kami papuntang parking lot. "Sanay na ako d'yan, Austin. Uhmm..." Tumigil na ako sa paglalakad at gano'n din siya. "Salamat ulit."

Inilagay na niya ang mga gamit ko sa sasakyan at napamulsa. Shít, ang gwapo niya sa ganyang porma. "Text me immediately when you get there."

Ngumiti ako sa kanya at muntikan na akong mahimatay nang malambot na labi na niya ang dumampi sa noo ko. Umangat ako ng tingin sa kanya -- medyo nagulat. Meron bang gano'n? "P-pwede isa pa?" Nahihiya kong tugon.

Napahalakhak siya. Pero sa huli, pumayag na. Mariin na niya akong hinalikan sa noo at parang biglang nagbago ang lahat sa paligid. Pakiramdam ko, nasa isang paraiso kaming dalawa.

"Is that enough? Or do you want more?" Biro niya. Napasimangot ako.

"O-okay na. Salamat." Marahan siyang tumawa sa sinabi ko.

Mabilis na rin akong nakaalis mula sa parking lot at tinitigan ko lang sa side mirror ang mahal ko habang linilisan ko na ang lugar. Nakangiti siya -- walang halong pagkukunwari.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at dahan-dahang inangat, nag-tama ang mga mata namin at napapikit ako nang dumampi naman ang malambot niyang labi sa likod ng kamay ko.

"Have a safe ride, baby." Kinindatan niya ako. He's handsome as hell.

Wala na ako naging imik at napalunok na lamang. Inalalayan na niya akong sumakay sa aking kotse at nagpaalam muli. I smiled back at him.

Ang ganda ng araw ko.

●●●

"AHH!"

Nabatukan ko tuloy ang kapatid ko sa lakas ng sigaw niya habang seryoso akong nag-ku-kwento sa kanila ang nangyari kanina.

"Ate, sigurado ka bang totoo na lahat ng pinapakita sa 'yo ni Austin?" Napalingon naman ako sa bunso, si Lia. "Ate, sana nga kayo na."

"Lia, ito na ang matagl kong gusto. Kulang nalang ay napamahal na siya sa akin. Hindi ko na hahayaang mawala pa sa akin ang pagkakataon na ito. Hindi ko na hahayaan ulit na matalo ako."

Tumango naman ang kanina pang maingay na si Ivy. Siya lang ang hindi nakaisip sa sinabi ni Lia, at kahit ako, nababahala din. Oo, nagugustuhan ko naman kaso gusto ko pa rin namang magdahan-dahan.

"Grabe ka ate, sa tingin ko, mas matindi ka kay Zaira," tudyo ng dalawa.

Umiling-iling nalang ako habang tumatawa. "Hindi naman. Hindi lang talaga para sa kanya si Austin. Akin nga lang 'di ba?" pagmamayabang ko.

Ngumisi ang dalawa. "Excited na akong makasal kayo, ate!" Sabi bigla ni Ivy.

"IVY!" Binatukan ko siya ulit. "Ang bata ko pa!" Dahilan ko.

"Ate, si Austin, siya ang panganay sa mga Del Valle. Kailangan na niya ng pagmamanahan. Tignan mo, si Xander tuloy na bunso ang na-una sa kanilang tatlo," sabi naman ni Lia.

"It was different. Arrange marriage sila ni Zaira." Nagkibit-balikat ako.

"E, kung gano'n... aba! Bilis-bilisan mo kilos mo ate! Kailangan mo nang mapamahal sa 'yo si Austin! Sa buhay ngayon, bawal na ang pabagal-bagal!" Sigaw ni Ivy habang nakasuntok sa ere ang kamay.

I'll always love him. Always.

●●●

A/N: Back to EVERY FRIDAY updates. Thank you! 

Make You Stay (The Architects Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon