Part 6

19 9 1
                                        

"Henry's POV"

We're now here at the airport. Agad kaming bumaba ng plane kaya todo hiyawan at tilian na naman ang mga nadidinig ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito sila. Anyways I don't care. Im not attention seeker nor a famewhore though.

Agad akong pumasok sa Kotse at sumunod naman si Shan ang aking pinsan.

Pinaandar na naman Ito ng driver namin.

"Didiretso naba tayo sa school o sa bahay niyo nalang?" Shan

"Papasok nalang siguro ako Ikaw ba?"

"Ganun nalang din siguro pero dika ba napagod? Pwede ka namang umabsent muna para makapag pahinga ka" shan

"No need I want to go to school"

"Okay Ikaw ang bahala...manong sa school mo napo kami ibaba. Kayo na pong bahala sa gamit namin." Shan

"Cge po ma'am" manong

"Just call me Shan manong wag ng ma'am" shan

"Cge po"

Agad pumarada si manong ng makarating na kami sa school kung saan pagmamay ari ko. Yeah may pag aari nakong school kahit pa nag aaral palamang ako.

Actually regalo to ni dad nung kaarawan ko nung 10 years old palamang ako kaya pina handle muna Ito ni daddy sa Kapatid niya si tito Ben na hanggang ngayon siya padin ang dean.

Okay lang naman sakin kasi Ayoko pang maghandle ng ganitong kalaking school at isa pa sikat ang school nato kaya ayokong I handle baka bigla nalang bumagsak hahaha. Okay enough!

Agad kaming bumaba ni shan ng kotse saka dumiretso na papasok ng building.

Walang ibang studyante ang nandito sa hallway siguro nagsimula na ang klase nila.

Dumiretso kami sa dean's office. Kumatok ng tatlong beses si shan bago kami tuluyang pumasok.

"Ohh your here! Welcome back hence and shan" bati ni tito samin na tumayo pa sa kanyang upuan at linapitan kami.

"Nice to see you again tito" bati ko naman

"Thanks tito" shan

"Upo kayo"

Umupo naman kami at nakipag kwentuhan at kinamusta niya muna kami bago niya binigay samin ang schedule namin.

My course is business management dahil ako ang magmamana ng lahat ng ari Arian na Meron kami. No Choice din ako dahil only child lang ako.

Agad kaming lumabas ni shan at saka dumiretso na sa classroom ko. Magkaiba kami ng course ni shan kaya naghiwalay na kami.

Ng makarating ako sa tapat ng pintuan ng magiging classroom ko ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay tilian agad ng mga babae ang narinig ko at puro bulungan na animoy mga bubuyog.

Iginala ko ang aking mata upang maghanap ng bakanteng upuan pero may isang babae akong nakita na nakaubub at hindi siya naka uniform. May katabi din siyang lalaki na naka blue naman at hindi din naka uniform.

Patuloy padin ang tilian ng mga babae kaya naman magsasalita na sana ako upang patahimikin sila ngunit isang malakas na malakas na palo ang umalingawngaw sa apat na sulok ng aming room na naging Dahilan upang tumahimik silang lahat.

Ni isa walang nagtangkang magsalita. Mukhang natakot ata Sila sa ginawa ng babae.

Mabuti at walang teacher kung Hindi na Ewan ko nalang.

Pumunta ako sa bakanteng upuan sa likod Nung babaeng yun at saka umubub.

Magpapahinga muna ako nakakapagod bumiyahe mukhang nagka stiff-necked pako tsss.

Maya Maya ay nakaramdam na ako ng antok at tuluyan nanga akong nilamon ng antok.

‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡‡

Nandito na ako sa kwarto ko nakahiga. Mga 3 na ako nagising kanina at alam kung madami na akong na missed na lessons pero wala naman akong pakeelam kasi Wala naman silang magagawa kahit pa gawin kung tulugan ang aming silid aralan.

Maya Maya pa ay may kumatok.

*Tok *Tok *Tok*

"Hence nanjan kaba? Kakain na kaya't bumaba kana"

"Nanjan na"

Agad na akong bumangon sa pagkaka higa at dumiretso na sa pintuan para lumabas.

Nadatnan ko naman si shan na naka cross arm pa. Tsk tsk sungit ng babaeng to kahit kailan.

"Sabay na tayo" sabi ko naman saka ko siya inakbayan at sabay na kaming nag lakad papuntang dining area.

"Sino Yung dalawang studyante na di naka uniform kanina sa room hence? Kilala mo ba?"

"Hindi. Bakit mo nagtanong?"

"Wala. Parang may kakaiba lang kasi sa kanila. Dimo ba napansin?"

"Bukod sa kinakatakutan yung babae wala na."

"Yung lalaki infairness ang gwapo niya haha"

"Mas gwapo ako dun"

"Hindi kaya"

"Oo kaya"

"Hindi nga"

"Oo nga"

"Hindi"

"Oo nga sa..."

"O siya siya Sige mag tigil na kayong dalawa jan bata kayo at kumain na kayo dahil Gabi na"

Sabat ni Manang rosa. Nandito na pala kami sa dining are di na namin namalayan dahil busy kami sa pagbabangayan nitong si shan.

"Opo/cge po manang" sabat na sabi namin ni shan kaya nagkatinginan kami at inirapan naman niya ako saka na siya umupo kaya sumunod nadin ako.

"Kain na kayo Jan. Cge maghahanda lang ako ng pan ligo niyong dalawa" Manang rosa

"Cge po" shan

"Salamat Manang" sabi ko nalang saka na nagsimulang kumain.

After 15-20 minutes ay natapus nadin kaming kumain kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming kwarto.

Nag diretso ako sa bathroom ko para makaligo na at ng makapag pahinga nadin ako.

Pagkahubad kong damit ko ay agad na akong lumusong sa bathtub at doon muna nagbabad ng 30 minutes bago naisipang lumabas na.

Nag banlaw muna saka nag suot ng bathrobe bago tuluyang lumabas ng banyo at saka dumiretso sa kama at nahiga.

Naka titig lang ako sa ceiling ng aking silid ng biglang sumagi sa isip ko Yung babae.

Maganda siya. Maputi, may mapupungay na Mata at natural na mapupulang pisngi. Pati ang kanyang labi na sobrang ganda ang pagkaka shape dagdag mo pa ang natural nitong pagka kulay pula. bumagay din sa kanya Yung buhok niyang mahaba na may pagka curl. Enough with her. Baka iba na nasa isip niyo. Diko siya type. Kaya wag kayong umasa. Cge bye matutulog na ako goodnight.

"Lights Off"

Pagkasabi ko nun ay namatay nadin yung ilaw. Automatic kasi tong Ilaw dito sa bahay kaya wag ka ng mag taka.

After a couple of minutes ay tuluyan na akong dinalaw ng antok then everything went black.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Mysterious Twin(On Going)Where stories live. Discover now