Katorse: Chapter 11

4.5K 41 1
                                    

Chapter 11

Decided


Tatlong araw na akong nag-iisip sa gusto kong mangyari. At halos limang araw na din nung may mangyari saakin, at sa loob ng limang araw na 'yon walang nakakaalam ng sikreto kong 'yon maliban kay nanay Lisa.


Agad akong napatigil sa pagiisip nung makaranig ako ng ilang katok mula sa pintuan. Hindi na ako tumayo pa para buksan ang pintuan, dahil alam naman nilang hindi ako sanay na nakalock ang door knob nito.


"Denise, kakain na tayo. Sasabay ka ba?" Tanong ni kuya na nakasilip sa pintuan.


Marahan akong tumango sakaniya at sumunod sakaniya pababa sa kusina. Umupo ako sa upuang nasa harapan ni mama at ngumiti sakanila kahit pa nahihirapan akong ipakita sakanila na masaya talaga ako.



"Mabuti naman at naisipan mong sumabay saamin ngayon, Denise." Saad ni papa.


"Pasensiya na po, ilang araw ko na din po kasing sinusubsob ang sarili ko sa pag-aaral." Pagdadahilan ko na lamang.


"So, how's school?" Pagtatanong ni mama saamin ni kuya.


"Mabuti naman po, pareho parin naman kaming nangunguna ni Denise sa klase." Pagsasaad ni kuya at mabilis niyang binato ang tingin niya saakin. Ngumiti na lamang ako sakaniya at nagpatuloy sa pagkain.



"Mabuti naman, kailangan manguna talaga kayo sa klase. Proud ako sainyong dalawa, at kahit ano pang makuha niyo, proud padin ako sainyo. Pagpatuloy niyo ang mga pangarap niyo, makita lang namin na nag-tagumpay kayo, masaya na kami ng mama niyo." Saad ni papa habang nakatingin saamin ni kuya.


"Opo, salamat pa." At sa wakas, nagawa ko na ding magsalita.


Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay isang hindi inaasahang bisita ang dumating. Biglang huminto ang mundo ko nang makita ko siyang naglalakad papasok sa bahay namin, at kitang-kita ko kung paano siya ngumiti saakin.


"Denise..." Saad niya at mabilis akong nilapitan para yakapin. Agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.


"Axl!" Sigaw ko nang makita ko siyang muli. Matagal na nung huli ko siyang nakita, sa video call na lang kamo nagkikita at nag-uusap at sobrang saya ko dahil nakita ko siya ngayon. Wala namg screen ang namamagitan saamin.


"Grabe naman ang pagka-miss mo saakin." Natatawang saad ni Axl saakin at mabilis niyang ginulo ang buhok ko at hinalikan ang pisngi ko.


"Nako! 'Wag ka nang magtaka diyan Axl, ikaw lang naman ang inaabangan niyang umuwi dito sa Pinas." Saad ni kuya na ngayon naman ay tumayo na din para salubungin ang paborito niyang pinsan.


"Maupo na kayo dito, at kumain na kayo. Sigurado akong pagod kayo, kamusta ang byahe?" Saad ni mama.


"Nako! Nakakapagod talaga ang byahe, pero mabuti naman at maaga kaming nakarating dito." Saad ni tita Lois.


Nagsimula na silang kumain, at ito namang si kuya ay sinusubuan ang paborito niyang pinsan na kapatid ni Axl.


"Carl, say 'ahh'.." Sabi ni kuya at napangiti na lang ako dahil sobrang cute nilang pareho.


"Siya nga pala, napag-isipan niyo na ba 'yong pinakikiusapan ko sainyo? Sayang ang opportunity para kay Denise." Saad ni tito Paul, na siya namang kinatigil ng lahat. Tumahik ang hapag matapos mag-salita ni tito.



"Ano kasi Paul...hindi pa namin nakakausap si Denise tungkol doon. Masyado pa siyang bata para mawalay saamin ng ganito kaaga.." Saad ni mama na ngayon ay nakatingin na saakin.


"Teka lang po, hindi ko kayo maintindihan. Ano po bang meron?" Singit ko sa usapan nila. Bumuntong hininga si papa bago magsalita.


"Anak, balak ka sanang ipasok ng tita Lois mo sa isang sikat na school sa America. Alam kasi nang tita mo na ang passion mo sa pagd-drawing ay maari mong maggamit. Kaya hiniling niya saamin na kung maari, sakaniya ka nang apat na taon para makapag-aral ka ng mabuti tungkol sa arts." Saad ni papa


"But, you are too young. Ayaw ko namang lumaki ka ng wala kami sa tabi mo, anak." Hinawakan ni mama ang kamay ko.


Isang malaking ngiti ang sinukli ko sakanila. "Pa, Ma, I decided to be with them." Nagulat silang lahat sa sinabi ko.



"Ano? Iiwan mo kami dito, bunso?" Tanong ni kuya saakin, umiling ako sakaniya.


"Hindi naman sa iiwan ko kayo, pero syempre gusto kong mas matuto pa ng iba't-ibang klaseng arts. Besides, designing is my passion. At gagawin ko naman ito para saatin.." At syempre, para makalayo na din sa demonyo na sumira ng buhay ko.


"Apat na taon lang naman 'yon, at alam kong napaka-bilis lang dumaloy ng panahon ngayon. At pangako, sa apat na taon na 'yon lagi akong tatawag sainyo. But, please Ma, just this one please let me be with them to chase my dreams." Saad ko sakanila.



Papa took a deep sigh, "Wala na akong maggagawa sa desisyon mo, Denise. Pero kung sa tingin mo, 'yon ang makabubuti sa'yo. Sige, papayag na kami."


"Thanks, Pa." Ngumiti na lamang silang lahat saakin at nagpatuloy sa pagkain.


Matapos naming kumain ay dumiretso ako sa kwarto ko para mapag-isa. Alam kong apat na taon ang mawawala, at tatanggapin ko ang katotohanan na kailangan kong lumayo sa pamilya ko panandalian para makapag-isip kung anong gagawin ko sa taong bumaboy saakin.


"Napaka-lalim naman ng iniisip mo, ako ba 'yan?" Napalingon ako at agad akong natawa nang makita ko si Axl na naglalakad patungo sa tabi ko.


"Hindi naman, iniisip ko lang kung paano ako mabubuhay sa America ng wala si kuya.." Sige lang galingan mo sa pagsisinungaling Denise! Diyan ka magaling eh! Nasasaktan ka na, pero ayaw mo pang malaman ng iba!



"Ganoon ba? 'Wag ka nang malungkot, nandito naman ako at kasama mo naman ako sa America. 'Di naman kita pababayaan 'no!" Ngumiti naman ako sakaniya at mabilis na nilingkis ang kamay ko sa braso niya.


"Pero bakit parang desidido kang umalis sa Pilipinas? May nangyari ba habang wala ako dito?"


I took a deep sigh, "Hmm, wala naman. Pero, sabihin na lang natin na gusto ko lang lumayo sa mga taong inakala kong tunay saakin, pero sila din pala ang sisira saakin. Gusto ko din silang saktan katulad ng pananakit nila saakin." Umiling si Axl saakin.


"Denise, kung 'yan ang gusto mong mangyari please don't do it. Hindi porket nasaktan ka, mananakit ka din ng tao para lang maging patas." Tumingin ako kay Axl


"Sorry Axl, pero mukhang desidido na ako sa balak ko. Pero, hindi naman siguro masama kung sasaktan ko sila ng hindi gumagamit ng dahas, 'di ba?" Umiling saakin si Axl


"Masyado ka pang bata, ang dami mo na agad iniisip. Mas mabuti pang mag-pahinga ka na lang, at bukas aalis pa tayp para asikasuhin na ang mga kailangan mo sa pag-alis mo dito sa bansa." Ngumiti siya saakin at hinalikan ang noo ko.


"Salamat, Axl." Ngumiti na lamang siya at lumabas na ng kwarto.


Naglakad ako papasok sa kwarto at sinara ang sliding door na siyang daanan papunta sa veranda ng kwarto ko. Pagdaan ko sa tapat ng salamin ay agad akong napahinto doon.


Tama lang Denise, 'wag kang matakot na saktan din siya. Binaboy ka niya Denise, binaboy ka niya.


Desidido na ako na pahirapan ka, Sage. Antayin mo ang pagbabalik ko.



END OF CHAPTER 11

KATORSE (Numerical Series #1) Where stories live. Discover now