Mas nagulat ako sa sunod na ginawa ni Ethan dahil halos kaladkarin niya ako patayo para lang lumayo sa kung ano man yung binagsakan ko..

"Wag ka ngang lumapit sa gagong lalaking yan!.Alam mo namang muntikan ka na niyang ma-rape kanina tapos lapit ka nang lapit..Hayaan mo na yan diyan kung kakainin man siya ng mabangis na hayop dito..." galit nitong sabi

Napakurap kurap nalang ako dahil sa sinabi niya..

Galit na galit siya?.Anong meron?

"Teka nga lang , Ethan..Hinga ka naman ng maluwag..May naapakan lang ako kaya ako natumba sa kanya..Wag ka namang judgemental sakin kasi hindi sa lahat ng oras tama ka..." umiba na rin ang timpla ko dahil sa sinabi niya

Hindi na siya nagsalita at hinawakan niya nalang ang kamay ko para maglakad pero agad ko rin yun binawi..

"Kaya kong maglakad nang ako lang.." sambit ko at sumunod sa kanya

Nauna na siyang lumakad para na rin makita ko ang dinadaanan..

Habang naglalakad kami ay sinuot ko na yung jacket ko dahil medyo malamig na..Napapayakap na nga lang ako sa sarili ko dahil sa lamig..

Ilang minuto kaming naglakad lakad nang bigla nalang tumigil si Ethan at nilingon ako..

"Nakakita na ako nang tutulong satin.." aniya

Napakunot naman ang noo ko sabay tingin sa unahan..Nanalaki nalang ang mata ko ng makakita ako ng maliit na kubo na may lampara pa sa pinto..

Sigurado akong may tao diyan..

Agad akong naglakad papalapit doon sabay katok..

"Tao po?.May tao po bah dito?" pauli ulit akong kumatok

Nang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang matandang babae na mukhang papatulog na..

"Anong kailangan mo hija?.Gabi na at bakit pa kayo nandito nang kasama mo?" aniya nang mapansin yung tao sa likod ko

"Sorry po sa istorbo pero nawawala po kasi kami at wala kaming matutuluyan..Okay lang po bah kung hanggang bukas lang dumito muna kami?"

Napangiti naman ito sakin at tumango...

"Wala naman akong kasama dito dahil wala pa ang asawa ko..Nasa ilog kasi siya nangingisda at bukas pa ang uwi..Kaya sige , samahan niyo muna ako ngayong gabi..Dumito na muna kayo para makakain na rin kayo dahil sigurado akong nagugutom na kayo..Pasok na.." binuksan niya ng maluwag ang pinto kaya agad kaming pumasok ni Ethan

"Salamat po sa pagpapatuloy.." si Ethan

Ngumiti naman sa kanya ang matanda..

Pinaupo niya kami sa upuan at pinaghandaan ng pagkain..Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko dahil sa gutom..

Naglagay siya ng dalawang plato sa lamesa sa tapat namin at naglagay din siya ng kanin..Sunod naman ang tinolang isda..

"Pagpasensyahan niyo na ang pagkain ah?.Alam ko namang sanay kayo sa mga mamahaling pagkain at masasarap.." nahihiya itong sabi

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Ethan kaya napatingin nalang ako sa kanya habang nagsasalita..

"Wala naman pong kaso kung ganito ang pagkain namin..Hindi rin kasi kami tinuruan ng mga magulang namin na pumili ng masarap na pagkain..Basta daw ay magkaroon kami ng sustansya at mabusog na rin..Kaya kahit ano po yung ipakain niyo samin , tatanggapin namin kasi hindi naman po kami tulad ng iba na matapobre.." 

Napalunok nalang ako dahil sa sinabi niya..

Bakit ganyan siya?.

Bakit ang galang niya?.

Bakit nakakaramdam na naman ako ng iba?

"Salamat hijo..Sige na , kumain na kayo.." 

Ngumiti ito sakin kaya ngumiti na rin lang din ako sa kanya..

Lutang pa ang isip ko ng kumain ako..

Nang matapos kami pareho ay agad na akong tumayo para sana ako na ang maghugas pero pinigilan niya ako..

"Ako na ang maghuhugas.." aniya

Napangiti naman ang matanda samin..

"Ako na.." sambit ko

Tinitigan niya ako kaya para maka iwas ay agad ko nalang binitawan ang plato para hayaan siya..

Umupo ako ulit at nginitian ang matanda bagot tiningnan si Ethan na naghuhugas na..

"Boyfriend mo bah siya?"

Nanlaki nalang ang mata ko dahil sa tanong nito..

"A-Ah..H-Hindi p-po.M-Magkaibigan lang po kami.." sambit ko

"Talaga?.Akala ko pa naman kayo..Sayang.."

Tipid nalang akong ngumiti..

"Ano nga palang pangalan mo hija?Nakalimutan ko nang tanungin kasi naaaliw na ako sa inyong dalawa.." 

"Ako po si Kathlyn..At yung kasama ko naman , si Ethan.."

"Ang ganda naman ng mga pangalan niyo..Halatang anak mayaman..Ako nga pala si Linda..Nanay Linda nalang ang itawag niyo sakin.."

Ngumiti ako kay nanay Linda at tiningnan ulit si Ethan na naghuhugas pa rin..

Nang matapos na siyang maghugas ay agad na kaming naghandang matulog..

Naglatag ng banig si nanay Linda sa sahig at naglagay ng isang kumot at dalawang unan doon..

"Pasensya na kung diyan kayo matutulog ngayon ah?.Wala kasi kaming kama dito dahil mahirap lang kami..Kung hindi kayo komportable ay sa higaan ko nalang kayo para mas komportable.."

Ngumiti ako at umiling..

"Wala po kaming problema dito nanay Linda..Okay lang po kung dito kami..Magpahinga na po kayo.." sambit ko

Ngumiti naman ito at pumunta na sa kwarto niya..

Huminga ako ng malalim bago humiga at nagkumot..

Umupo naman si Ethan sa tabi ko at tiningnan ako..

"Okay ka lang?" tanong nito sakin

Napatingin naman ako sa kanya..

"Ewan ko..Hindi ko alam kung okay lang ako.." sambit ko at pumikit

"Alam mo bang sobra ang takot ko kanina?"

Napadilat ako pero hindi ko siya tiningnan..

"Nung nawala ka sa paningin ko nataranta ako..Kasi akala ko iniwan mo ako..Buti nalang napansin ko ang mga bakas ng paa mo..Alam mo bang kung hindi lang ako nakapag pigil sa lalaking yun , napatay ko na siya?.Kaso mas inaalala kita..Mas inaalala ko ang kalagayan mo kesa patayin ko muna yung gagong lalaking yun.."

Napatingin ako sa kanya kasabay nang luhang pumatak sa mata ko..

Buti nalang hindi na niya yun makikita dahil lampara lang yung ilaw namin..At medyo may distansya pa yun kaya hindi na talaga niya mapapansin..

"Salamat..." yun lang ang lumabas sa bibig ko

Kasi hindi ko na kayang magsalita pa at baka mapahikbi pa ako..

Sana ganito ka nalang dati pa Ethan..

Yung ipinaglalaban mo ako sa iba..At ililigtas mo ako sa lahat..

Pati sa sakit na binibigay mo sakin..

Noon at ngayon..

"Ligtas ka lagi kapag nasa tabi kita , Kathlyn.."

Sana nga ligtas din yung puso ko at hindi lang ang katawan ko..

Kasi ayoko nang umiyak pa nang sobra dahil sa sakit..

My Cold BoyFriend (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt