Sa'n ang punta no'n? Ano'ng mahuli? Mahuling nag-uusap kami? Nagmamadali nalang akong kumain para alamin ang nangyayari. Pagkalabas ko ng dining area, naabutan ko si Uno na nagwawalis.

"Uno? Itigil mo 'yan? Ano'ng ginagawa mo?"

"Ano ka ba ate, 'wag kang epal. Male-late ka na sa trabaho." Sabad naman ng kapatid kong timang.

"Tama si Danni, baby." Pagsang-ayon ni Uno na nagpabigla sa ginamit niyang endearment.

"Ano'ng baby?" Sita ni Daniella na nakapameywang pa. Ngumiti si Uno na parang nagpipigil matawa saka nagpatuloy sa pagwawalis. Napailing nalang ako. Ewan ko kung ano ang ginagawa nila. Makapaghanda na nga lang. Grabe, ang bilis ng oras. I really have to go before I'll catch up with traffic congestion again.

"Daniella, aalis na ako. Nasa'n ba ang tatay?" Tanong ko nang makababa na ako at ready to leave for work.

"Nasa labas yata. Mukhang nag-iigib ng tubig."

"Nag-iigib ng tubig? Ano'ng pinagsasabi mo?"

Nagpeace-sign ang sira ulo at tumawa.

"Ewan ko kay tatay, ang dami niyang biniling tubig tapos pinabuhat niya kay Kuya Uno isa-isa. At sa tingin ko din nasa labas sila ngayon, baka pinapasibak ng kahoy." Natatawang kwento niya.

"Nagsibak ng kahoy? Si Uno? Ano ba'ng trip niyo? Aanhin niyo naman 'yong kahoy?"

"Si tatay ang tanungin mo. Or you can just guess ate Gabbi! You're always the genius, eh?"

Inilingan ko siya't lumabad nalang ng bahay. Woah. Hindi nga nagbibiro si Daniella. Nagsisibak nga ng kahoy si Uno. Ang dami na ngang kimpal ng panggatong ang nasibak niya. Pawis na pawis pa tuloy siya. Dammmnit. Ang hot ni Uno. Ano 'yon Gabriella? Mga pinagsasabi mo ha!

"Aalis ka na Gab? Ihahatid na kita." Nakangiting wika ni Uno. Tatango na sana ako pero may biglang sumingit. Na naman. Ugh.

"Let's go, Gabbi?" Yup. It's Donny. Napakamot ako ng ulo saka sumakay sa kotse nito.

"See you later, Gabriella." Sigaw ni Uno bago kami makalayo.

"What are they doing? Para sa'n 'yong kahoy na sinisibak nila?" Usisa ni Donny habang nagmamaneho.

"Hindi ko nga rin alam e. Pero alam mo ikaw? Siguro, itigil na natin 'to. Baka sukuan na naman ako no'n. Isa pa, do'n rin naman papunta to e."

"Gabriella Lacsamana,makinig ka. Kapag susukuan ka niya ulit, isa lang ang ibig sabihin do'n. Hindi siya karapatdapat sa'yo. As simple as that."

"Alright." I rolled my eyeballs. "I get it."

"I'm just making sure that my angel's heart isn't going to break again."

Tinapunan ko siya ng sinserong tingin saka nginitian. I really liked him since we got close. I even foresee myself marrying him because I can be both normal and crazy around him. Naging magkaibigan talaga kasi kami back then.

"Thanks Donny. You suddenly remind me of someone. I wish he's okay now though."

"Sino na naman?"

"Childhood bestfriend ko. Protective sa'kin 'yon e." Nakangiting sambit ko habang inaalala si Bowie sa likod ng isip ko. Sana okay na ang mokong na 'yon. Sana gagaling na ang puso niya. I've made it. I know, he will too.

Natawa ako pag-uwi ko ng araw na 'yon kasi sa labas ng bahay namin, may signage na nakalagay na PANGGATONG FOR SALE. Natawa ako at napailing nalang. Eh kasi naman. Ang daming sinibak na kahoy ni Uno kaninang umaga. Lakas ng trip nitong si tatay talaga e. Ano nga ba 'tong pinaggagawa nila? Traditional na panliligaw? Woah. They're crazy!

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt