Nang matapos kami sa main course. Appetizer naman parang gusto kong guhuan ng mundo ko. Damo ang inihain nila. Hindi talaga ako mahilig sa ganito.

Napangiti ako ng alanganin kay Mr. De Asis. Ngiting ngiti ito habang nilalantakan ang damo. Iyon talaga tawag ko sa salad.

Napapikit ako ng parang may something sa mata ko.

" Are you alright?" Tanong niya sa akin.

" Puwede bang pakisilip kung may dumi sa mata ko at pakialis na din." Wika ko kay Mr. De Asis. Naglagay kasi ako ng eyeliner sa mata kaya kumalat siguro kaya nalagyan ang mata ko.

Tumayo si Mr. De Asis. Yumuko siya para tingnan ang mata ko.

" Anong ibig sabihin nito Alonah!" Isang pamilyar na boses ang gumulantang sa maganda naming eksena ni Mr. De Asis.
Napatingin ako sa lalaking kinaiinisan ko.

" Anong ginagawa mo dito bakla?!" Tanong ko kay Stefano.

" Bakla?" Tanong ni Mr. De Asis sa akin. Napatingin din ito kay Stefano. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Maalala ko pala walang nakakaalam ng lihim ni baklang fanot." Sinong bakla?" Nagtatakang tanong ulit nito.

" Hindi ako bakla! Siya ang bakla!" Boses lalaki na sabi ni fanot. Tinuro ni Stefano ang babaeng katabi niya. Hinila niya ito. Nagtataka naman ang mukha ng babae na nakatingin kay bakla.

" Ako bakla?!" Turo ng babae sa sarili nito.

" Oo ikaw nga bakla ka!." Sabi ni Stefano. Umiling iling ang babae sa amin.

" Hindi ako bakla! Tingnan niyo pa na real na real ang dede ko!" Nanlaki ang mata ko ng yumukod ito sa harapan ni Mr. De Asis. Halos lumuwa ang mata ni Mr. De Asis sa pinakita ng babae. Walang bra ang babae.

Magsasalita pa sana ulit ang babae nang magsalita ang totoong bakla.

" Alonah can we talk?" Isang nagmamakaawang look ang nakita ko sa poging mukha ni Stefano.

" Wala na tayong dapat pag-usapan pa! Tapos na tayo!" Napangiwi si Stefano sa sinabi kong tapos na tayo.

Maalala ko nga pala walang kami. Napatingin si Stefano sa table. Nakita niya ang mga dahon dahon na kinakain namin. Napasimangot ako dahik nagugutom pa ako. Hindi ako nasiyahan sa kinain ko.

" May alam akong restaurant na may fiesta galore" Sabi ni Stefano. Nagliwanag ang mukha ko.

" Bukas na lang ulit natin pag-usapan ang plan sa bahay mo Mr. De Asis. Thank you for this wonderful dinner." Kinuha ko ang kamay ni Stefano at hinila na ito palabas ng restaurant.

Hinila ako ni Alonah palabas ng restaurant. Napangiti ako sabi ko na nga ba. Hindi ako matitiis nito pagdating sa kainan.

Sabi nga sa kasabihan. The way to a woman's heart is through her stomach.

" Hoy nasaan na ang restaurant na may fiesta galore? Nagugutom pa ako." Reklamo nito. Napahimas ito sa tummy niya.

Pinagsiklop ko ang kamay namin at sumakay kami sa sasakyan na dala dala ko. Namiss ko ang babaeng ito. Napangiti ako ng lihim.

" You'll love the place and also the food." Panigurado ko sa kanya. Bago ako nagpunta dito nagsearch na ako ng mga restaurant na may madamihang serving. Dahil alam kong masisiyahan ang aking si Alonah.
Nagningning ang kanyang mga mata.

Nakarating kami sa restaurant na sinasabi ko. Eat all you can kasi ito. Kaya talaga namang magugustuhan ni Alonah dito.

Pagkapasok namin sa loob.

" Alonah ano gus.." Napatigil ako wala na pala akong katabi. Hinanap ko si Alonah. Nasaan na ba babaeng iyon? Biglang naglaho parang bula.

" Sweety pie ko halika ka na dali!" Napatingin ako sa may halera ng mga pagkain. Kinakawayan niya ako. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. May hawak nang plato at punong puno na ng laman. My god ang bilis niyang makakuha ng pagkain. Parang wala pang 5 seconds na nakapasok kami sa loob.
Napahilot ako sa batok ko.

Ang sawa nagutom.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now